A/N: Kung medj nakakabored yung first 4 chapters, skip nyo lang po sa chapter five. Thanks.
Harthart,
Presh.
"Light, sabay na ako sayo." Nakita ko ang bestfriend kong naglalakad papalapit sa akin.
"Ano bang bibilhin mo?"
"Mango shake at Macaroni lang."
Fisrt year highschool ako ng makilala ko si CL. Parehas kaming member ng Music Club. At first hindi kami close, kasi sobrang tahimik nya, pero noong isang beses na naging ka group mate ko sya, mali pala, sobrang bait nya at caring pa. Simula noon hindi na ako naghangad na iba pang kaibigan. Okay na ako sa kanya.
"Ano yang nasa mukha mo?" Napansin nya pala.
"Ah, wala lang to nauntog lang sa bahay."
Hinawakan nya ang pasa sa kaliwang mukha ko at pinisil.
"Aray, wala nga lang to, kulit!"
"Nag-papa-bully ka nanaman!"
Hinahayaan ko na lang yung mga maaarteng yun na i-bully ako. Wala naman akong magagawa sino ba naman ako? Isang hamak na studyante lang. Walang kaibigan maliban kay CL, hindi man lang maka-gawa ng pangalan dito sa St. Therese. Pakiramdam ko pinagtutulungan ako. Mas masarap pang matulog kaysa gumising araw-araw at makisalamuha sa mga taong hindi mo alam kung tunay ba o hindi.
"Hayaan mo na, gra-graduate din tayo. Tiwala lang."
"Syempre matic na yan."
Habang naglalakad papuntang library, nakakita ako ng bi-nu-bully sa di kalayuan. At ang bully? Walang iba kundi si Skyler Villarico. Wala syang pinag-kaiba sa mga kontra-bida sa palabas. Parang isang witch sa isang fairytale ni Snow White at kung sino-sino pang nag-fe-feeling prinsesa maliban kay Cinderella. At higit sa lahat, wala sa vocabulary nya ang salitang 'forgiveness'.
"Wag mong sabihing gusto mo pa rin sya."
"Hindi na, ang yabang kaya nyan."
Nag-uusap kami habang dinuduro si Sky.
"Uy Cloud, bro!" Sigaw ni Sky at nag-aabang na ng sagot kay CL, na nakapormang manununtok ang kamay.
"Wag ka ngang sumigaw. Kuya tigilan mo na yang pang-bu-bully mo, hindi ka ba napapagod?"
"Chill ka lang. Cloud ano ka ba, bagay lang sa kanila yan. Nobody lang yan."
"Bahala ka sa buhay mo."
Dahil sa kasikatan ni Sky, nakilala rin si Cloud dito. Minsan nga napagkamalan si Cloud na si Sky. Sila kasi yung nag-iisang identical twins dito sa school. Ang problema lang ayaw ni CL kay Sky, masyado daw mayabang ang kuya nya. Talagang mag-kaiba sila ng ugali.
Pumasok na lang kami ng library at nagsimulang maghanap ng libro para sa Research paper. Natatapos ang araw ko ng ganon lang ang nangyayari. Hanggang ngayon NBSB pa rin ako. Minsan nga sumasagi sa isip ko, paano kung may boyfriend ako, e di may magtatanggol na sa'kin. Wala namang nagbabalak mang ligaw, kaya maghihintay na lang ako.
Pag-uwi ko ng bahay mabilis akong nag-palit ng pantulog at pumunta sa veranda ng bahay, at naupo ako sa duyan habang hinihintay mag 12:00. Noong isang araw kasi, narinig ko yung mga matatanda sa jeep. Kung gusto mo daw makasama ang taong gusto mo tuwing 12:00 ng gabi tumingala ka sa langit at iguhit sa mga bituin ang pangalan ng taong napupusuan gamit ang daliri. Kailangan daw itong ulitin sa loob ng isang lingo.
BINABASA MO ANG
When I Fall Asleep
FantasyWhat will you choose, the reality or the man of your dreams? Choose wisely.