Chapter Seven

6 1 0
                                    

A/N: Kung nakarating ka dito, Maraming thank you. Comment naman kayo kung anong masasabi nyo. No harsh comments please. Keep reading.


Harthart,

Presh.


Lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa higaan at tinitigan sya ng husto.

"Bakit ka ba ganyan ha? Lagi mo na lang pinapasakit yung puso ko."

Umungol sya na para bang nananaginip. "Light. Light wag mo akong iiwan." Tinitigan ko lang sya.

Gusto mo rin kaya ako?

Malabo.

Kinuha ko yung macbook at puwesto sa tabi nya. Madilim pa sa labas kaya matagal-tagal pa 'ko maghihintay.

Nag-search ako sa google ng mga signs if a guy likes you.

Marami akong nabasa tulad ng kapag nag-umpisa ng syang magbigay ng kung ano-ano, nagiging touchy na sya dahil ang boy friends daw ay hindi touchy except na lang kung gay sya at marami pang iba.

Pero ang di ko talaga malilimutan yung paalala nung blogger, 'Never, ever assume too much to a guy, because that too much can hurt you more than you'll expect'

Naiinis ako sa pinagsusulat nung blogger dito sa blog nya.

Ba't ba kasi nauso yung Love, nahihirapan lang yung mga tao e.

Sa inis ko nag comment ako.

'Maybe you're just broken that's why you've come with this. Hahaha.

Binalik ko na lang ulit yung macbook nya sa lamesa tutal wala rin naman akong gagawin do'n.

Napansin ko yung xbox nya malapit sa flat screen tv, tinignan ko yung mga games halos bago lahat at karamihan ay horror at zombies. Kinuha ko yung isa at binasa.

'Dying Light'

Binuksan ko yung xbox at tv. Natutulog naman sya kaya hindi na 'ko magpaalam.

Medyo malayo na rin pala yung narating nya sa mission. Nasa labas na yung place at marami talagang zombies. Marami pang nakaharang na sasakyan kaya medyo mahirap silang patayin.

May malapit na zombie at nagre-reload pa rin sya kaya napasigaw ako sa takot.

"Waahh! Ayan mamatay ka! Yan mamatay kayong lahat kala nyo makakain nyo ko. Yan pa."

"Hahaha." Napasilip ako kay Sky at gising na gising na sya sa kakatawa. "Palaban ka pala talaga."

"Sorry na, hindi ako nagpaalam na gagamitin ko to." Nagkatinginan kaming dalawa kaya napaiwas agad ako ng tingin.

"Huy makakain ka na!" Tumingin ako sa tv, at pinapapak na ko ng zombies. Namatay yung character nya sa game kaya bumalik ulit dahil do'n lang yung na-save.

"Tulungan na lang kita, ako ang magsisilbing walkthrough mo." Nguniti sya at tumayo mula sa pagkakahiga.

Lumapit sya at pumwesto sa likod ko. Hinawakan nya yung controller na kasalukuyang hawak ko.

"Ganito lang kasi yan."

Kasalukuyang tumutigil ang oras. Para akong pin cussion na tinusukan ng maraming aspili pero wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi yung kuryenteng dumadaloy mula ulo hanggang sa paa ko.

"Tapos ganito pa, o ganito rin. Mabilis kang mamamatay kapag sumugod ka agad. Uso ring magtago minsan."

Feeling ko, ako yung zombie sa game. Hahabulin nya at papatayin... Papatayin sa kilig!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon