Chapter Five

5 1 0
                                    

In-adjust ko ang eye sight ko at kinapa ang nasa paligid ko. Dumilat ako at bakit ang dilim?

Malambot. Higaan ko to. Nandito ako sa kwarto ko ngayon.

Hala bumalik ako sa reyalidad! Ang tanga ko bakit kasi natulog pa 'ko e.

Kinuha ko yung alarm clock sa side table. 2:15 palang, anong oras na kaya sa kabilang mundo?

Ano kayang ginagawa ni Sky ngayon?

Dahil ang sakit parin ng ulo ko kaya pumikit ulit ako.

ZZZ...ZZZ...ZZZ...

Hindi ko namalayang nakatulog na ulit ako. Nagising ako dahil sa taong kanina pang kumakalabit sa balikat ko.

"Ms. Light nandito na po tayo."

Dumilat ako para tignan ang nangungulit sa'kin.

" Wag mo na akong i-po at opo mas matanda ka pa sa'kin e." Tumingin ako sa wrist watch ko. "Shit! Wait lang Manong bakit di mo 'ko ginising na'san si Sky?"

"Nasa loob pa ng bahay nyo. Wag na daw kita gisingin." Bwiset na Sky yun. Kahit gusto kita hindi ko to papalampasin.

Pumasok ako ng bahay. Nakita ko si Sky na naka-higa sa sofa. Kumuha ako ng unan at lumapit sa kanya.

"Bwisit ka. Nakisakay ka na nga sa sasakyan ko at hindi mo ko ginising ang lakas pa ng loob mong matulog dito sa bahay."

"Aray ko Light. Sorry na. Aray. Anong ora—aray­— anong oras na ba? Sorry na nga e."

"6:00 na! Hindi na ko magbibihis." Hinatak ko yung kamay nya. "Halika na pumunta na tayo sa Mall."

"Ang sweet mo naman." Tinignan ko yung kamay namin. Napaka-pasimple ko naman. Hmp.

"Whatevs." Ang arte ko. Ito naman yung gusto mo 'di ba Light? Hay nako!

Sumakay agad kami sa sasakyan. Hindi ko kasi gusto ang mga ginagawa ni Sunney at sigurado akong hindi maganda 'yon.

Dumating kami ng Mall, less than 30 minutes. Pagbaba ko ng sasakyan tumakbo agad ako papuntang Café kung saan napag-usapan na magkikita. Tumingin ako sa likod at nakita si Sky na chill lang sa paglalakad. Tumigil ako at lumapit sa kanya.

"Hmm, anong ginagawa mo?"

"Hmm, naglalakad?"

"Leche naman oh. Late na nga tayo. Pa-chill ka pa dyan."

"Sabi ko nga, eto na oh." Bigla syang tumakbo at hinatak ang kamay ko. Kaya ayun lutang nanaman ako.

Nakarating na kami sa Café, lumapit agad kami sa kanila.

"So late comers are all here." All here? Di lang pala kami ang late. Nag-excert pa ako ng effort.

Lumapit ako kay Sunney "Punishment?"

"Well, both of you, didn't follow my rule so you need to act as a couple for a month."

"What the!" Na-samid ako pero nag-smirk lang si Sky.

"Any other punishment?" Tinanong ko sya.

"Nothing. And that's final."

When I Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon