CHAPTER 32

735 19 0
                                    

"Ang akala ko makakaya ko ang lahat, Pero naloko ako ng puso ko, dapat hindi kuna pinag bigyan ang hiling ng aking puso na mag mahal muli, pero iba si Daniel,iba siya sa lahat ng nakilala ko, iba siya dahil siya lang ang nakitaan ko ng totoong pag mamahal na di ko nakita sa mga lalaki.
Iba ang epekto ni Daniel dito" saka umiiyak siyang nakayakap sa kanya ang mga kaibigan.

"Iniiwas ko ang sarili kong anak sa kanya dahil hindi ko kaya na pati anak ko na masaktan din. Ayus lang ako na ako lang ang nakakaranas ng sakit" saka hindi na niya kaya ang kanyang nararamdamang sakit.

"Bro,hindi kana man sigurado kung anak ba niya yun o asawa niya ang lalaking yun" pag papatibay ni faraz sa loob niya.

"Sa tingin mo Faraz may bata ba na kusa kang tatawaging ama na hindi ka totoong tatay,walang batang ganun" saka umiikot na ang kanyang paningin dahil sa dami nang alak na kanyang nainom.

"Sige bro, Pahinga kana muna bukas na lang tayu mag usap" At pinangko na siya nito sa kama niya para patulugin na niya ang broken hearted niyang kaibigan.

"Ano na balak mo ngayun?"tanong ni sam.

"Sasabihin kuna ang lahat kay Daniel lahat na dapat niyang malaman" sabi niya saka nanghina ang kanyang katawan dahil sa sakit na kanyang naramdaman.

"E-eva bakit mo ba ako pinaparusahan ng ganito?, nag mahahal lang naman ako" saka naka tulog na ito ng hindi niya namalayan.

Kinaumagahan nagising si Daniel na parang binubungkal ang kanyang ulo sa sakit ng yun.

"O gising kana pala, heto advil para maalis yang hangover mo"
Saka sabay lapag nito sa advil at isanh baso ng tubig.

Pilit siyang bumangon kahit na masakit ang kanyang ulo.

at kinakain ang gamot na bigay ni Faraz at saka siya uminom.

"Thanks bud"sabi niya at akmang babalik na siya sa pagkakahiga ng pigilan siya ng kaibigan.

"Anong ginawa mo?,Matutulog ka lang diyan,at di ka gagawa ng sulusyon para magka usap kayu ni Eva." Sa pasigaw na sabi ni Faraz na kung maka pag salita ito ay walang problema sa mga babae.
pero Hirap din siyang ma convince si Samantha na mag pakasal sa kanya.

"Anong magagawa ko,kung yung babaeng mahal ko ay may asawa na,okay lang sa akin kung yun lang bata pero ang di okay dun ay asawa niya,faraz, mag isip ka" sabi niya sa kaibigan na kinatahimik nito.

"At sa palagay mo asawa ba yun ni Eva,huh gagu mo rin e, Kesa mahiga ka sa kama ko,puntahan mo na lang si eva at tanungin mo kung sino ang lalaking yun? at kung sino ba sa buhay niya ang lalaking sinasabi mo" anito saka nilapitan ang kaibigan.

"Anong sasabihin ko? nagtatakang tanong niya sa kaibigan.

"Alokin mo ng isang date" sa mabilis na sabi ni Faraz.

Kaya natauhan siya sa sinabi ni Faraz at dahil umipekto na ang gamot na kinain niya hindi masyado masakit ang kanyang ulo.

Tumayo siya at tinungo ang pinto ng banyo ng bahay ni faraz at naligo dun.

"Man,makikisuyo lang sa towel mo"sigaw niya sa loob ng banyo.

"Ikaw na bahala basta umalis ka na dito sa bahay ko" sabi ni Faraz pero nag bibiro lang ang tono ng boses nito.

ilang minuto lang ang lumipas natapos ni Daniel sa pagliligo dahil lagi naman siya sa bahay ni faraz may damit siya duon saka pants at lalo na ang boxer niya.
Minsan kasi dito siya tumutuloy galing turkey.

"Mommy,Bakit umalis po kaagad yung lalaking dumating kagabi?" nagtatakang tanong ni Noah.

Humugot ng malalim na hininga si Eva bago sinagot ang katanungan ng anak.

"Siguro anak dahil sa nagulat siya sa mga nakita niya" pag amin niya.

"Pero mommy sana bumalik yung lalaki kasi naawa po ako sa kalagayan niya" naka nguso nito sabi saka parang nawalan ng gana ang anak.

"Bakit mo naman nasabi na yan,at bakit ka naawa sa kalagayan ng lalaking yun, sa kagabi mo palang siya nakita diba?".

"opo,mommy,pero kasi mommy, iba ang pakiramdam ko nang makita ko ang lalaki" saka nalungkot ang nuo nito at walang buhay siya nitong niyakap.

kaya nga ayokong makita ni Noah si Daniel ay masasaktan lang siya nito.
Isang beses lang niya ito nakita pero na apektuhan na ito kaagad sa ginawa ni daniel kagabi.

ano pakaya kung lubos na nakilala ni Noah si Daniel? ma's malala ang sakit nun sa anak niya kung mangyayari yun.

Nang matapos ni Daniel masuot ang kanyang Simple t shirt na mala sando ang style wala na siyang ibang sinuot maliban lang dun.

Kaya kinuha na niya ang kanyang cell phone at tinawagan niya si Lio para ipahatid nito ang Ertiga niya dahil ang kanyang Vx car ay nasa Casper Building pa yun dahil sa kagagawan niya kagabi.

lumabas na si Daniel sa gate ng bahay ni Faraz at hinintay na dumating si Lio.

ilang sandali lang ay dumating na si lio sakay nito ang kanyang Ertiga.

"Marhaba Lio,"saka kinuha nito ang susi at siya na ang nag maneho samantala si Lio ay naiwan sa tapat ng gate ng bahay ni Faraz.

Halong kaba at lungkot ang nararamdaman ni Daniel habang minamaneho niya ang dereksyon ng bahay ni Eva para klaruhin niya ang lahat ng kanyang nasaksihan kagabi.

"Mommy,Papasok po ba kayu ngayun?" tanong ni Noah habang kaharap niya ito  naka upo sa mahabang sofa.

"Kung papasok ako anak wala kang kasama kaya,hindi muna ako papasok today " sabi niya na kina smile nang anak.

"Sige po mommy " sabi ni Noah at nagulat silang pareho ng biglang may kumatok sa pinto ng kanilang kinauupahang apartment.

Nagtataka si Eva kung sino ang nasa labas. Dahil si Lea at Sam ay kakaalis lang ng mga ito at wala silang inaasahang bisita today.
"Wag kang aalis dito" sabi niya sa anak at nag lakad na siya sa harapan ng pinto.
at sinilip ang kung sino man ang nasa labas.

Nanlaki ang mga mga mata niya ng makita niya si Daniel ang nasa labas ng pinto.

Binuksan niya ang pinto ng di kalakihan.

"Eva Mag usap tayu" gagad na sabi ni Daniel pag bukas pa niya sa pinto.

"Anong dapat nating pag usapan?"saka lumabas siya sa pinto at dahandahan niyang sinara ang pinto para di marinig ni Noah ang kanilang pag uusap.

"Kung nag punta ka rito para tanungin ako sa Kay Noah,oo anak ko siya" Walang buhay niyang sinabi ang tungkul sa anak niya.

"Eva,please sabihin mo sa akin kung bakit mo yun ginawa at bakit dimo sinabi na may asawa't anak kana pala"
saka hindi man makikita sa mukha ni Daniel na siyay ay nasaktan ng lubos ng sinabi ni eva na totoong anak nga niya ang bata na yun.

"Wait,Anak lang hindi asawa,At isa pa wala na akong dapat ipapaliwanag pa,Dahil nasabi kuna ang lahat ng gusto mong malaman." saka akmang babalik na siya sa loob ng hawakan siya ni Daniel kanyang kamay.

"Eva,Sino si Naoh,at sinong lalaking yun?" at parang nasiyahan siya sa sinabi ni Eva na hindi niya asawa ang lalaking yun.

"Si Noah ay anak ko, at ang lalaking nakita mo kagabi Teacher yun ng anak ko na dumalaw lang saka isa pa kahit may anak na akong babaeng hindi ako pumatol sa malaking may asawa na"aniya saka biglang nag aliwalas ang madilim na mukha ni Daniel.

"Si Noah at ang anak mo ay iisa" at hindi parin ito maka paniwala..
"Kung wala ka nang kailangan malaman  umalis kana baka makita ng anak ko" saka akmang papasok na siya pero pinigilan na naman siya ni Daniel.
paraan para hindi siya maka pasok sa loob.

A|N* KINAKABAHAN PO AKO.
SAKA PAPALAPIT NA TAYU SA ENDING CHAPTER

                 J.J.

          JHORJR|J.J.

AUDACIOUS MAN Mr.GILWhere stories live. Discover now