CHAPTER 33

779 23 2
                                    

"seninle çıkabilir miyim Çünkü işte sonuncusu eğer randevumuzu beğenmezsen senden hoşlanmamamın bir sebebi var" Can i Date you?,because here's the last one if you don't like our date there's a reason why you don't like me" pero di yun na intindihan ni eva dahil sa Turkish language ang ginamit nito.

"Daniel kung ano man ang sinabi mo,ikaw lang ang nakaka intindi nun kaya umalis kana"

saka pilit niyang inaagaw ang kamay na hawak ni Daniel pero di sya nito pinababayaan na makawala.

Kaya inulit ni Daniel ang kanyang sinabi.

"Maaari ba  kitang ma date?,kasi heto na
ang huli na aking hihilingin
at saka isa pa kung dimo
magustuhan ang ating date,
may reason kana kung bakit ayaw mo sa akin"

nakikiusap ang kislap ng mga mata nito habang naka tingin siya sa kanya at sinasabi nito kung anong kanyang binibitawang katagang.

"Para saan pa,Haynaku Daniel ang daming babaeng walang anak na pwede sayu, bakit ako pa?" Giit ni Eva sa sinabi ni daniel.

"Eva wala akong paki alam kung marami man ang babaeng nandiyan,Ikaw ang gusto ko,Ikaw lang hinahanap ng pusot isip ko" saka hinawakan siya nito sa kamay.

"Please Eva payagan muna ako,Saka promise pag dimo magustuhan ang date natin hindi na ako mangungulit sayu." Saka tinignan siya nito na ang lungkot ng mga mata nito habang sinasabi niya ang nais nitong sabihin.

"O sige,payag na ako,At isa pa alam ko rin naman na Hindi ko hilig ang date na yan kahit kelan"  pag amin ni eva sa kanyang experience.

Isa rin siyang babae pero hindi niya gusto ang maki pag date sa kung kanino man.
Siguro nasanay siya na Laging bahay at eskuwelahan lang ang  routine ng buhay niya.

"Yes eva,Salamat!maraming salamat" saka ang laki ng ngiting gumuhit sa mukha ni Daniel.

"Wag kang maingay baka marinig ka ng anak ko" pagsasaway niya sa binata pero di matiis ng binata na hindi mapa hiyaw sa tuwa dahil sa sayang nararamdaman.

"Salamat eva,I pick up you,At 8:30pm"sabi ni Daniel na may malapad na ngiti sa mga labi nito.

Napangiti na lang si Eva sa naging reaksyon ni Daniel ng pumayag siya sa offer nito.

Pati naman si Eva kahit di na niya sabihin na masaya siya masaya naman talaga ang nasa kalooban niya na parang may paru parong nag sisiliparan sa Tiyan niya at ang puso niya ay halos lumabas na yun sa Puso niya.

"Sige alis na ako baka mag bago pa isip mo" sabi ni daniel at hinalikan siya nito sa pisngi.

"Sisiguraduhin ko na magugustuhan mo ang date natin" pa sigaw na sabi ni daniel na kina ngisi lang niya.

"Sana tama ang naging pasya ng isip ko na sunduin ang puso ko" sabi ni Eva sa kanyang sarili bago siya pumasok sa loob ng bahay.

"Mommy,Sino po yung kausap mo?" tanong ni Noah ng makapasok na siya.

"Wala yun anak" saka nilapitan niya ito.

"kailangan na ba natin simulan?" Tanong  ni Daniel sa kanyang ka appointment na si David Smith Russel Bashki.
na kung saan ito ang may ari ng Curenament medicament Company na sikat sa buong asia.

"Any time Mr.Daniel, ikaw lang ang hinihintay ko kung kailan sisimulan ang branch ko sa Turkey. "
Ani ni David dahil ang ipagagawa nito ay siya ang mag designs sa Building niya.

"Okay,Walang problema,Tatawagan kita kung nasa Exact Schedules na sisimulan"Sagot na man niya.

"Enjoy your meal" sabi ni David sa kanya dahil handa na ang kanilang lunch.

"Yeah, You too"sabi naman niya.

saka binalingan siya ng kausap.
"Mr.Daniel may i ask you?" sabi ni David na mukhang importante ang sasabihin nito.

"Yeah sure" saka uminom siya ng Tubig.

"Musta Naman ba Buhay mo,I mean my asawa kana?" tanong ni David na kinangisi niya.

"Maayus na man, and then hindi pa naman actually mag di-date pa lang kami" sabi niya sa kausap na kinatango tango lang nito.

"Girlfriend mo?" isa naman sa tanong ni David na kinakulot ng nuo niya.

nang mapansin yun ni David "Daniel, May advise you,Happiness is having a large,loving,caring,Close knit
in family in another city kaya habang nasa tamang edad pa tayu just to create a building of our life like ka family."sabi ni david sa kanya.

"Paano na man kung Ayaw sa atin ng babaeng nais nating maka tuwang sa habang buhay?" Saka umaktong nag iisip ang kausap.

"Daniel ang talino mo sa Business pero pag dating sa babae,Ewan na lang, Ganito lang,Suyuin mo lang siya hanggang sa pumayag na,Kasi bro ganyan ang mga babae ang hilig nila mag pa suyo gusto nila lagi silang sinusuyo dahil diyan nila nararamdaman kung mahal ba sila ng lalaking may gusto sa kanila"Sabi ni david at parang hindi naman siya epektado sa mga sinabi ni David dahil si Eva halos sambahin na niya ito pero di parin siya nito pinapapasok sa buhay nito.

"By the way,Mauna na ako sayu, Call me if okay na yung Project "sabi ni David at naki pag kamay na ito sa kanya.

"Sam,Anong gagawin ko,Sa naka oo na ako sa sinabi ni daniel" Litong lito niya sabi sa kaibigan.

"Eva, my Friend Heto na ang chance mo para kung dimo magustuhan ang pupuntahan niyo may reasons kana, kaya Mo yan" sabi ni Sam na abala parin sa pag susuklay nito sa kanyang buhok.

"Oh sige gagawin ko ito para sa anak ko,Para na din sa pag iwas ni Daniel sa akin" aniya at saka tumayo siya at kinuha ang kanyang susuoting damit sa date nila ni Daniel.

"Welton,Siguraduhin mo na walang naiwan sa sinabi ko at naagus na ang lahat"  Sabi ni Daniel sa kay welton sa kabilang linya.

"Yes sir kumpleto na ang lahat" sumbat ni Welton.

saka pinatay niya ang tawag saka si Jullio naman ang kanyang tinawagan.

"Naayus na ba lahat kung anong sinabi ko" tanong niya kay Lio.

"Evet sir" sabi ni Lio at saka ng marinig niya ang sinabi ng kausap ay binalik niya sa bulsa ng kanyang Pants at pinag patuloy ang pag bubutones sa suot niyang
Maroon Men's linen short sleeve at ilang  sandali lang ay natapos na siya.

Pinag handaan talaga ni Daniel ang Gabing ito dahil kung di yun magustuhan ni Eva back to Zero na Siya,kaya ginawa niya ang lahat ng kanyang effort para sa date nila ni Eva.

Natapos na si Eva sa pagliligo pero di niya alam kung anong isusuot niya dahil sa hindi niya alam kung saan sila pupunta ni Daniel.

ang gaga mo  bakit dimo tinanong kung saan kayu pupunta"

saka hindi na siya naka palag ng ibigay ng kaibigan ang white v- nect  dress.

"Lea,Ang laswa naman ata nito?" sabi niya sa kaibigan at tinignan ng mabuti ang damit.

"Hayst Eva,Maniwala ka bagay na bagay yan sayu" pakikisakay ng kaibigan.
kaya dina siya nag argumento pa at sinuot na niya yun dahil nasa ikawalo na ng gabi at Thirty minutes lang ay dadating na si Daniel.

Natapos na si Eva sa pag suot ng kanyang  Damit at pagkatapos ay nag apply lang siya ng kaunting Foundation at lipstick sa kanyang mukha.

at saka lumabas na siya ng silid niya.
At nakita niya si sam na abala sa kanyang anak.

"Sam Hindi ba ako mukhang ano?,dahil dito sa suot ko?" saka kagat labi niyang tanong.

"Mommy,Ang ganda niyo po" si noah ang sumagot sa tanong niya.

"Totoo ba yan anak?"saka nilapitan ang anak.

"Opo mommy" sabi ni Noah saka pinanggigilan niya ang sariling anak na halikan sa magkabilang pisngi nito.

"Sam ikaw na ang bahala sa anak ko ah" sabi ni Evaat inayus ang suot nito para di magusot.

"Oo naman,Siya sige na patutulugin ko pa to" sabi ni sam at Sinabihan na nito si noah na pumasok na Silid nito dahil oras na ng tulog nito.

A|N"DATE

               JHORJR|J.J.

AUDACIOUS MAN Mr.GILWhere stories live. Discover now