"Hi love! Wake up na!" Boses ni Aaron mula sa pinapanuod kong video naming dalawa. Ang saya saya pa naming dito. Mga panahong aken pa siya, kung saan ako lang ang mahal niya.
Sabihin nating as the day past nagbabago ang nararamdaman ng isang tao at kahit gano mo pa siya kamahal, mawawala at maglalaho ang mga ipinundar nyong pag-ibig.
Hindi siya ang sumuko ako ang siyang bumitaw,may sarili akong dahilan at saken na lang yun. Ang mahalaga ay maayos kaming naghiwalay at okey na kami.
"Anak handa ka na bang umuwi ng pinas?" Tanong ni Mama, tumango ako
"Handa na po ako!" Aniko.
Dalawang lingo,matapos kasi kami maghiwalay ni Aaron ay nagpunta na agad kami dito sa U.S ng pamilya ko,para sumalang sa isang therapy. May leukemia ako at sakit sa puso.
Sa ngayon naman ay tingin ko'y maayos na ako. Wala na akong gaanong nararamdamang sakit at hapdi sa katawan ko. Masasabi kong gumana ang therapy'ng ginawa sa akin dito sa bansang ito. Naisin ko mang sa pilipinas mag-pagamot ngunit kulang ang mga kagamitang nararapat na gamitin para sa akin.
Handa na akong bumalik sa pinas at harapin lahat nang naiwan ko, ngunit ang mga naiwan ko kaya ay kayang bumalik sa akin?
"Anak ang payo ko lamang sayo ay iwasan mo ang lahat ng nakakasama sayo. Mag iingat ka. Lahat ng ginagawa namin ay para sayo. Maliwanag ba?" Tanong ni mama. Tumango ako.
Ayaw ko na silang mahirapan,kaya alang-alang sa kanila, lalaban ako.
Naimpake ko na lahat ng kailangan ko.
Pilipinas, Here I come!
"Bababa na ako, tatawagan na lang kita kapag paalis na tayo." Ani mama at hinalkan ako sa noo.
Pagkaalis niya ay dumiretso ako sa harap ng salamin. Kinuha ko ang wig na nasa tabi at sinuot ko iyon. Nakaya kong lumaban at makakaya ko. Hihintayin ko ang araw na masasambit ko na cancer free na ako. Hanggang lumalaban pa sina mama para sa akin ay lalaban rin ako para sa sarili ko.
Sana sa pag uwi ko matuloy ko na ang naudlot naming pag iibigan,pero kung hindi na, edi wag! Wala akong gaanong balita kay Aaron, hindi naman nagsasabi o nagkekwento sina mama patungkol sa kaniya, sa tingin kasi nila ay iyun ang makakatulong para sa akin.
"Anak?Tara na?" Ani ni papa.Kinuha na ni papa ang bagahe ko at ako naman ay nakasunod lamang pababa.
"Lola?Mamimiss ko kayo!Babalik ako dito at may plus two na akong kasama."Saad ko. Hindi ko alam kung saan ko kukunin o hahagilapin ng plus two pa. Bahala na!
"Pangako yan ha? Siya humayo na kayo at baka mahuli pa kayo sa eroplano. Mag iingat sa byahe."Tumango ako. Nakipag besohan at nagpaalam muna kao sa mga pinsan ko bago sumakay sa sasakyan.
"Bye!"Huli kong sambit sakanila.
Mabilis lang ang nagging byahe naming hindi kasi trapik. Disiplinado kasi ang mga piloto.jwk!
"Mama? Two weeks na ako dito pero hindi nyo pa din ako pinapalabas!" Reklamo ko.
Simula nang umuwi ako rito ay hanggang bakuran lamang ang nararating ko. Hahakbang palang ako palabras ay humihiyaw na agad sila.
Ano pang silbi nang pag-uwi ko, kung hindi rin naman ako makakagala, parang nasa U.S lang din ako sa lagay kong itu.
"MA?Sisimba lamang ako sa taal basilica,uuwi na uli ako!" Pagpupumilit ko.
Pupunta ako sa taal basilica upang manalangin sa panginoon na lahat ng aking kahilingan ay matupad. Umaasa rin ako na ang naudlot naming pagmamahalan ni Aaron ay muling mag umpisa at matuloy na sa kasalan.