Before it Disappear

12 1 0
                                    


It was year 2017 when it all started. Tanda ko pa ang una naming interaction.

"Kuya? panyo mo, nagpatak!" Halos pabulong ko nang saad dahil iniiwasan kong gumawa nang ingay lalo't nagtuturo pa ang Filipino teacher namin. Hindi ko pa kilala ang mga kaklase ko ngayon, since day three palang simula nang mag-umpisa ng pasukan.

First year highschool ako sa isang kilalang paaralan sa aming bayan, hindi naman ganaanong kataasan ang tuition at isa pa kasali ako sa mga estudyanteng may scholarship.

"psst! kuyaa! panyo mo nga." Isa ko pang ulit nang hindi niya ako nilingon at hindi niya pa rin pinupulot ang kaniyang panyo. Ang sobra naman niyang concentrate sa pag-aaral.

"Kuyaaa!" sabay piyok kong saad. Sa pagkakataong ito ay narinig niya na ako. Nilingon niya ako ng ilang segundo bago pinulot ang kaniyang panyo. Ibinalik niyang muli ang kaniyang tingin sa gurong nasa unahan.

Hindi ko kita ang kaniyang emosyon kaya hindi ko alam kung natutuwa ba siya o nagalit dahil sa inistorbo ko at pinapulot ko ang kaniyang panyo. Nasa ikatlo siyang row at ako naman ay sa ikaapat. Pangatlo mula sa dulo ang kaniyang upuan at ang akin ay pangalwa mula sa dulo. 

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang kuyang masungit, hindi man lamang nagawang magpasalamat. Itinuon ko na lang din ang pansin ko sa gurong nagtuturo. Ang iba kong mga kaklase ay may ilan ng ka-close na , ngunit kami dalawa ni Andreia ay ito, nag-iintay ng nais magpapakilala. Mahiyain kami e.

Natapos ang buong araw ng hindi niya man lang ako pinapasalamatan o gumawi man lang ang paningin sa akin. Hindi naman gaanong big deal pero yung effort ko para lang sa panyo niya habang nagtuturo ang teacher namin is big deal. Wala talagang pasalamat ang lintek! kainis. Pogi ka pa man din. I mean hindi ko siya type or crush pero hindi rin naman maitatanggi na gwapo siya. Mukang siya na nga ang bagong hearttrob sa school namin.


The next day nauna ako kay Andreia na pumasok, iisang barangay lang naman kami ngunit malayo ang aming bahay sa isat-isa. Habang wala pa siya ay nagre-read muna ako ng lesson kahapon. Wala din naman akong ibang ka-close ang iba kong kaklase noong elementary ay nasa kabilang section. Nahihiya akng puntahan sila. Obstacle para sa akin ang mga taong nakakasalubong ko. 

Nagpatuloy ako sa pagre-read, hindi ko naman gawain ito noo, pero iba na kasi ang sitwasyon ko ngayon! They said, challenging na ang high school.

Habang nagbabasa ako ay may taong lumapit at huminto sa harap ko. Tiningala ko ito habang nakasubo ang dulo ng ballpen ko sa aking bibig, yung dulo lang, kinakagat ko kasi ang pinaka dulo nito. 

Nanlaki ang mata ko at napapatak ang ballpen na ngatngat-ngatngat ko. Napangiti si kuyang nahulog ang panyo kahapon, siguro ay dahil sa ekpresyon ko. Dahan-dahan siyang lumuhod para madampot ang ballpen ko. Nakaawang lamang ang bibig ko hanggang sa makatayo siya. Nasarado ko lamh ito nang ibinaba na niya sa lamesa ko ang ballpen. Napabalik ako sa ulirat.

Tumikhim siya bago nag-salita. "hehe! Thank you nga pala. Kung hindi dahil sa iyo ay baka nawala na ang panyo ko. Sorry rin pala hindi ako nakapagpasalamat sayo kahapo, nahiya kasi ako!" Aniya.

Tumango-tango ako habang nagsasalita siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I'm too stunned to speak. Napalunok ako bago nagsalita.

"Welcome!"  iyun lamang ang siyang lumabas sa bunganga ko. Ngumiti siya sa akin. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa kilig.

Pilit kong kinalma ang sarili ko upang hindi mapangiti at mahalata niyang naaapektuhan ako.

"Kailangan mo ba ng kasama ngayon? You looked so sad!" He said. Napangiti nang pahiya.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now