THE COMPLETED STORY WILL BE POSTED IN NOVELAH AND READOO.
IF YOU DON'T HAVE NOVELAH APP, PM ME SO I CAN GIVE YOU THE LINK FOR YOU TO GET THE 30K BONUS POINTS.
THIS IS FOR FREE READ IN NOVELAH!
-------------------------------------------------------
Suot niya ay pulang bra na sinusubukang takpan ang kabuuan ng mga malulusog niyang dibdib. Halos kalahati lang ng mga dibdib niya ang nakayang takpan no'n. Isang sexy lace panty na pula din ang tanging suot niya sa ibaba. Sumasabay ang kembot niya sa nakakaakit na tugtog. Ilang beses din niyang pinag-aralan ang pagsayaw na parang nang-aakit.
Nasa harap niya ang isang lalaking nakaupo habang pinapanood siyang sumasayaw. Hindi niya makita ang hitsura nito dahil nakasuot ito ng masquerade mask. Lagi rin nitong suot ang sweatshirt na may malaking print ng Bugs Bunny sa gitna. Sa porma ng pangangatawan nito, tantiya niya ay nasa early thirties na ang lalaki. Gaya ng dati ay wala itong kakilos-kilos habang pinapanood siya.
Tumalikod siya sa lalaki. Pumunta sa likod niya ang dalawang kamay para tanggalin ang hook ng bra. Nang matanggal iyon ay itinaas niya ang isang kamay na may hawak ng bra niya at iniikot-ikot iyon sa ere saka itinapon sa tabi.
Dahan-dahan siyang humarap sa lalaki habang nakatakip ang dalawang braso sa nakawalang mga dibdib. Nakita niya nang mapalunok ito at umayos ng upo. Pumunta sa baba nito ang isang kamay habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Tanging ang mga mata lang nito ang nakikita niya.
Ang trabaho niya ay akitin at paligayahin ito sa pamamagitan ng pagsasayaw. Hindi naman siya obligadong ipakita ang hubad na katawan dito pero kailangan lang niyang kilitiin ang imahinasyon ng nag-iisang kliyente niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at humiga sa mistulang stage niya habang hindi inaalis ang mga braso sa dibdib. Ibinuka niya ang mga hita nang makahiga, sapat upang masilip nito konti ang langit na nakatago doon. Tumigil na ang tugtog, hudyat iyon na tapos na ang trabaho niya sa gabing iyon.
Agad na kinuha niya ang nakahanda niyang takip sa katawan na nasa gilid niya at itinakip iyon sa mga dibdib saka bumangon. Hindi na niya tinitingnan ang lalaki at dumiretso na siya ng alis doon. Duming-dumi ang pakiramdam niya sa sarili sa tuwing natatapos siya sa pagsasayaw. Limang buwan na niyang ginagawa iyon. Iisa lang din naman ang nagiging customer niya.
Siya si Samantha Custodio, twenty-four years old. Disi-otso anyos siya nang mamasukan bilang waitress sa isang bar na pag-aari ng kinakasama ng among bakla na si Bryce na mas kilala sa pangalan na Diva. Ito ang nagbigay ng trabaho sa kanya nang layasan nilang mag-ina ang amain nya. Tinangka siyang gahasain ng kinakasama ng ina niya kaya't sinaksak ito ng ina niya sa tagiliran. Wala na siyang alam kung ano ang nangyari sa amain pagkatapos no'n. Napadpad sila sa Maynila galing Olongapo. Tumakas na sila bago pa hulihin ang inay niya.
Dating nagbebenta ng aliw ang ina niya sa Olongapo. Nabuntis ito ng isang customer nitong Amerikano at siya nga ang naging bunga. Hindi niya nakilala ang ama dahil isang beses lang daw naman itong nakasiping ng ina niya. Alam ng ina niya na ito ang ama niya dahil ito lang ang customer nito na Amerikano sa buwang iyon. Sabi nito ay kamukha niya ang ama niya. Matangos ang ilong niya at may mahahaba siyang pilikmata. Lagi nga siyang binabansagang manika sa school nila dati dahil magandang-maganda ang mukha niya. Wavy ang buhok niyang hanggang balikat na blonde. Natural na ganu'n ang kulay ng buhok niya. Tumigil ang ina nya sa pagbebenta ng katawan nang mabuntis ito. Nagkasya na lang itong maging tindera sa isang malaking tindahan sa palengke habang ipinagbubuntis siya.
Sampung taon siya nang magdala ng lalaki ang ina sa bahay nila at ipinakilala itong magiging ama niya. Hindi na maganda ang kutob niya sa lalaking iyon pero hindi siya umimik. Naging good provider naman ang lalaki sa kanilang mag-ina pero hindi lang iisang beses nitong hinahawakan ang braso at kamay niya nang may malisya. Hindi niya iyon sinabi sa ina dahil nakita niyang masayang-masaya ito sa piling ng lalaki. Siya na ang kusang umiwas sa amain para walang gulo. Pinag-aral siya ng amain at lagi ay espesyal ang pakikitungo nito sa kanya na inakala naman ng ina niya ay pagmamahal ng isang ama para sa isang anak lang.
BINABASA MO ANG
BETWEEN LUST AND LOVE (EROTIC)
RomanceDahil sa kagustuhang maipagamot ang ina pagkatapos nitong ma-stroke ay napilitan siyang tanggapin ang offer na sumayaw sa isang kliyente na si Mr. MC. Isa siyang private sexy dancer ng lalaking hindi man lang y nasilayan ang mukha dahil lagi nitong...