KABANATA 3

565 13 14
                                    

Lagi na siyang tinatawagan ni Red sa phone mula nang makilala niya ang binata. Hindi ito nauubusan ng mga kwento at masaya naman siya lagi kapag kausap ito. Nang inaya siya nitong kumain sa labas isang araw ay hindi na rin siya nagpatumpik-tumpik pa. Hindi pa siya kailanman sumamang lumabas sa isang lalaki. Nandoon kasi ang takot niya. Pakiramdam niya ay wala talagang matinong lalaki. Ang gusto lang naman ng mga ito ay ang katawan ng babae. Nagbago ang pananaw niya na iyon nang makilala niya si Red. Iginagalang siya nito kahit masyado itong palabiro. Siguro dahil hindi nito alam ang totoo niyang trabaho kaya ganu'n.

Paano pala kung malaman nitong sumasayaw siya na halos bilad ang katawan sa harap ng isang lalaki? Rerespetuhin pa kaya siya ng binata?

Hindi naman malalaman ng lalaki kung hindi niya sasabihin kaya't inalis na niya sa isipan ang pangamba.

Susunduin sana siya ni Red sa kanila pero sabi niya ay magkita na lang sila sa Mall kung saan sila nagkita dati. Suot niya ay isang damit na parang pangsimba. Inilugay niya lang ang buhok niya at dahil hindi naman siya naglagay ng kung ano sa mukha ay nagpulbo lang siya at manipis na lipstick. Inosenteng-inosente ang mukha niyang iyon kaya't sino'ng mag-aakala na sa gabi ay sumasayaw siya na halos hubo't hubad sa harap ng kliyente niyang si Mr. MC?

Hindi siya pinapasayaw nito kapag weekends. Naisip niyang baka pamilyado ang kliyente niyang iyon kaya't hindi ito available kapag Sabado't Linggo. Ipinagpasalamat naman niya na may dalawang araw siya para sa sarili.

Nasa bungad pa lang siya ng entance ng Mall ay nakita na niya ang nakangiting mukha ni Red. Naka-polo ito ng sky blue at maong pants. Agad na nilapitan siya nito nang makita siya.

" You look so beautiful," nakangiting sabi ng lalaki.

" Salamat," nahihiyang sagot niya.

" Shall we?" sabi nitong inilahad ang kamay sa kanya.

" Bakit saan pala tayo kakain?" nagtatakang tanong niya.

" Of course not here. Ang espesyal na babaeng tulad mo ay nababagay lang sa espesyal na lugar," kumindat pa ito sa kanya nang sabihin iyon.

Ibinigay na rin niya ang kamay dito at iginiya siya nito sa may parking area ng Mall. Lumapit sila sa isang kotse na mukhang mamahalin at bagong-bago. Binuksan nito ang pinto ng kotse para makasakay siya. Nakita niyang may isang bouquet ng bulaklak sa loob. Kinuha iyon ni Red at binigay sa kanya.

" For you," nakangiting sabi nito.

Sinuklian din niya ng matamis na ngiti ang binata.

" Salamat," tinanggap niya ang bulaklak at inamoy-amoy iyon.

Sumakay na rin siya at isinara ng binata ang pinto bago ito umupo sa driver's seat. Dinala siya nito sa isang restaurant na tingin niya ay mamahalin. Pagkapasok ay nakita niyang puro naka-business suit ang mga kumakain doon. Nag-aalangan tuloy siya sa damit niya. Hinawakan siya uli ng lalaki sa kamay at sumunod sila sa isang waiter. May nakareserba ng table para sa kanila.

Hinayaan niyang ito ang umorder ng pagkain nila dahil hindi niya naman kabisado ang nasa menu. Habang naghihintay ng order nila ay panay uli ang kwento ng lalaki. Lagi nitong kinukwento ang kuya nito. Tingin niya ay idol na idol nito ang kapatid. Nalaman niyang namatay sa aksidente ang mga magulang nito nu'ng Highschool ito. Magmula noon ay ang kuya na raw nito ang nag-aalaga at nagpalaki sa binata. Ang kuya rin nito ang namamahala ng mga negosyong naiwan ng mga magulang nila.

" You might find my kuya arrogant kapag nakita mo siya but deep inside he is the most loving and caring brother," nakangiting sabi ni Red.

" Natatakot tuloy ako'ng makilala ang kuya mo base sa mga kinukwento mo," nagbibirong sabi niya.

Sinabi kasi nito na hindi ito basta-basta nakakapag-decide ng mga bagay-bagay hangga't walang Go signal ng kuya nito. Plano nga raw sana ng binata na mag-aral sa U.S about fashion. Mahilig daw kasi ito sa arts at anything na may kinalaman about fashion. Magaling din daw ito sa photography and sculpture. Pangarap daw nitong magkaroon ng museum para sa mga gawa nito. Ang kapatid lang daw nito ang todo tanggi talaga. Gusto nitong magtapos siya sa kursong Business Ad para ipasa nito sa kapatid ang pamamahala sa iba pa nilang negosyo.

" Sometimes gusto ko'ng magrebelde dahil parang kinukontrol ako ng kuya but kapag naiisip ko ang mga paghihirap niya para sa akin at sa mga naiwan ng mga magulang namin ay parang mas naaawa ako sa kanya. Siguro if natuloy ang kasal niya kay Faith ay baka maging masaya na nang tuluyan si Kuya," malungkot na kwento ni Red.

" Bakit hindi natuloy ang kasal nila?" curious na tanong niya.

Dumating ang order nila at hinayaan muna ni Red na mailagay ng waiter ang mga pagkain sa mesa bago ito sumagot.

" They were supposed to get married last year and then nagkatampuhan konti. Pumunta ng London si Faith sa parents nito. Kuya was on his way to the airport nu'ng araw na susundan niya sana si Faith sa London. Then he met an accident, it was really bad. Akala ko nga ay mawawala na si Kuya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko if nagkataon. He was in the hospital for three months. Mabuti na lang at paunti-unti ay naka-recover siya but after that he was totally a different person. Hindi na niya itinuloy ang pagsunod kay Faith kahit alam kong mahal na mahal pa rin niya ito. They still keep in touch, by the way. I don't know what happened to him after that accident but may nag-iba talaga," kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha ng lalaki.

Hinawakan niya ito sa kamay para bigyan ng comfort.

" Ang maganda is nag-uusap pa rin sila ng dati niyang fiancee. Malay mo at magiging sila pa rin sa huli," nakangiting sabi niya.

Ngumiti na uli ang binata.

" You're right about that kasi uuwi na si Faith dito five months from now. I'm sure my kuya won't let her get away this time," hinawakan na rin nito ang kamay niya.

Hindi niya binawi iyon. Pakiramdam niya ay liligawan siya ni Red at gusto niya itong i-encourage. Gusto rin niya ito kahit hindi pa naman niya nararamdaman iyong sinasabi nilang parang "magic" kapag kasama ito. Naisip niya dahil siguro nasa getting to know each other stage pa lang naman sila. Nagkukwento rin naman siya ng buhay niya rito pwera na lang iyong tungkol sa naging trabaho niya bilang waitress sa bar at mas lalo na ang trabaho niya ngayon bilang private sexy dancer.

Nagsimula na silang kumain at hindi na siya gaano'ng naiilang pa rito. Patapos na silang kumain nang hawakan nito ang kamay niya at seryosong tumitig sa kanya.

" Pwde ba kitang ligawan, Sam?"

Natitigilan pa rin siya kahit inaasahan na niya iyon dito. Hindi niya binawi ang kamay na hawak nito bagkus ay tumango siya at ngumiti ng kimi sa lalaki. Nakita niya ang kislap sa mga mata nito.

" Thank you, Sam!" masayang sabi nito.

Pumayag na rin siyang magpahatid sa bahay nila nang araw na iyon. Magmula nu'n ay araw-araw na siyang nakakatanggap ng bulaklak galing sa lalaki. Binibisita lang siya nito sa bahay kapag Sabado at Linggo dahil iyon ang pakiusap niya. Sinabi niyang nagtatrabaho siya online kaya't hindi siya pwde sa weekdays.

Hindi na niya pinahirapan ang lalaki at sinagot na niya ito pagkatapos ng isang buwan. Wala naman kasi siyang hindi nagustuhan kay Red. Kung tutuusin ay nasa lalaki na ang lahat ng katangiang hahanapin ng isang babae. Hindi lang nya maintindihan kung bakit parang walang kilig siyang nararamdaman. Napapangiti siya nito pero wala iyong sinasabi nilang kumakabog na dibdib. Pero masaya siya sa naging desisyon. Naipakilala na niya ito bilang nobyo sa ina na ngayon ay nakakapagsalita na rin nang maayos kahit padahan-dahan pa muna.

Walang alam din ang ina niya tungkol sa pagsasayaw niya kada gabi. Ang alam nito ay waitress pa rin siya sa bar ni Diva.Pinakiusapan din niya ang dating amo na huwag nang banggitin sa ina ang bago niyang trabaho. Naiintindihan naman nito ang pakiusap niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BETWEEN LUST AND LOVE (EROTIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon