Journal Entry No. 4: A Whole New World
I missed writing. I missed having this time for myself. I missed being alone. Kahit na pinipilit kong magkaroon ng kasama para hindi ko maramdaman 'yong lungkot. Patawa-tawa lang ako pero kapag dumarating ang oras na nag-iisa na lang ako, lumalabas lahat ng emosyon na tinatago ko. Kapag mag-isa lang ako, umiiyak na ako. Kapag mag-isa na lang ako, binabalot na naman ako ng matinding lungkot.
Mula sa OllieTyn, naging ArLieTyn, at ngayon... grupo na kami. Hindi ko alam kung paano nagsimula. Dumating lang ang isang araw na may bago kaming makakasama, pagkatapos noon ay kasama na sila sa susunod naming lakad. Mula sa dalawa, naging tatlo, apat, lima. Ngayon, sa grupo namin, kami ay sampu na. Masaya. Sobrang saya. Lahat kami magkakaiba. Lahat kami may kanya-kanyang galing. Lahat kami may kanya-kanyang hilig. Walang inggitan. Walang selosan. Lahat naghihilahan pataas. Lahat nagtutulungan.
Being with them is a tough choice I have to make. Mula ng dumating si Eos sa buhay ko, my life becomes easy. Kahit siya lang ang mayroon ako, okay na ko. Hindi naman niya sinabi na umiwas ako sa iba o huwag na makipag-kaibigan but having her is pleasant. Bago kasi siya dumating sa buhay ko, marami akong kaibigan. Ang dami kong kasama na tumatawa. Ang dami ko kasama sa lahat ng saya. But at the lowest point of my life, ni isa walang nakakita. Ni isa walang dumamay sa akin. Ni isa walang nagtiyaga na tumingin sa akin. Wala man lang nakapansin na malungkot ako. I have to endure all the pain, all the sufferings, the feeling that no one will be there for you. Everything I have to do alone. Everything I must face alone. At kahit gaano na kahirap ang pinagdaraanan ko, wala ni isa sa mga tinawag kong kaibigan ang nakakita sa akin. Siya lang. Si Eos lang.
Noong lumalaki ang bilang ng grupo, natakot ako. Sobrang natakot ako kasi baka buksan ko na naman ang sarili ko sa iba para maiwan na naman mag-isa. Pilit kong itinago ang nararamdaman ko tuwing nasa harap ko sila. Isinasaksak ko sa isip ko na huwag magiging malapit kahit kanino sa kanila. Kailangan maging matigas ako. Kailangan maging malakas ako. Kailangan maging matatag ako. Kailangan tanggapin ko na sarili ko lang ang mayroon ako. Dahil kapag pinapasok ko sila sa buhay ko, mas matinding sakit ang mararamdaman ko kapag naiwan na naman ako. Mas masakit kapag nalungkot na naman ako at walang iintindi o makakapansin ng nararamdaman ko.
Am I being too selfish? Hindi lang naman ako ang may pinagdaraanan. Hindi lang naman ako ang may pino-problema. Hindi lang naman ako ang mag-isa. Bakit pakiramdam ko big deal ang emosyon ko? Dapat ba talagang isipin ko na may pakialam sila sa nararamdaman ko? Kailangan ba nilang maging aware sa pakiramdam ko o nagiging sensitive lang ako masyado?
Then slowly, I am no longer the sensitive one. Lahat ng galing namin, may kakambal na kamalian. Lahat ng maganda sa amin, may kaparehang kapintasan. The once perfect set of gentlemen are not flawlessly beautiful at all. Each one of us has our own demons. Akala ko perpekto ang mga kasama ko, pero unti-unting naglabasan ang pangit ng bawat isa. Unti-unti kong naramdaman na hindi na ko muling mag-iisa.
She make this happen. She gather us altogether for us to know that we can have the family that we wished for. To make us feel that we no longer need to feel like the world is on our shoulders. These guys, they are the best thing in my life right now. The brothers that I always hoped that I have. She gave me the family that I always pray for. They are probably the best thing that ever happened to me.
Pero hindi sa lahat ng pagkakataon puro saya lang ang makukuha ko. Hindi sa lahat ng pangyayari sa buhay namin lahat kami ay magkakaisa. Magkakasama man, darating pa rin talaga ang panahon na ang pagkakaiba namin ay pagmumulan ng gulo at hindi pagkakaintindihan.
Mali ba 'yon? May mali ba sa amin? Dapat ba kaming magkampihan? Kailangan ba naming magwatak-watak?
“May bago na naman ka-FUBU si Dax.”
“Nagalit na naman si ganito kay Arrow kasi hindi umimik si gago. Sobrang suplado.”
“Nagselos si ano kay Sean kasi may gusto 'yong nilalagawan niya kay Sean.”
“Si Gray, tulala na naman. Hirap na hirap na kaming bantayan.”
“Hans niyo lutang na naman. Nagsabi na naman ng confidential info sa media kanina.”
“Si Xavi tumanggap na naman ng bagong endorsement doon sa manager na may gusto sa kanya. Pinagsabihan na ng ilang ulit na gusto siya noon, hindi pa rin nadadala.”
“Naglasing na naman si Apol. Nag-iiyak sa bar. May hinamon pa ng suntukan.”
“Ang papansin na naman ni Zeke. Kung ano-anong naka-post. Akala mo ikamamatay ang kawalan ng jowa.”Our differences can ruin us. Our beliefs can divide our trust. Surprisingly, those differences only strengthened our foundation. It makes us believe in each other more. Because of that, we became more transparent, more open to each other.
Dax is narcissistic. Gray develops PTSD due to a loved one's death. Arrow acts like he is a stonehearted devil, when in fact he is just showing his toughness because behind his success people still look down on him. Xavi is just nice. Who cares about the issues he will face? As long as he can help, give support to the people in need, he will always do the things you want him to stop doing. Apol is deeply in love. His girlfriend left without saying a word. No closures, no arguments. His actions is his coping mechanism. On the other hand, Hans was always degraded. He is smart. He is helpful. He loves to be there for people. All he ever wanted was to be acknowledged. Zeke is caring. His heart is full of love. Being mistreated and being abandoned by someone you truly love will make you look for it somewhere else. That is what Zeke is doing. And Sean, he's more than a pretty face. The most perfect one of all. Almost.
Our closeness is beyond words. We all have our own hobbies. We are different from one another. At ang kaisa-isang pagkakapareho naming lahat ay si Eos lang mismo. That girl believes too much in her work, pati kami pinag-eksperimentuhan. Pati kami trinabaho na parang mga makina na kaya niyang paganahin kahit hindi kami pare-pareho ng parte ng mundong ito.
Look at where we are now. Here, together and united. Working as one. Dahil may isang taong naniwala na kaya namin magsama-sama kahit lahat kami ay magkakaiba. Just like that. She always see the goodness in people. She easily trust and blend anywhere with anyone... and that is her major downfall. So us, the guys, vowed to look after her, love her always, and take care of her until our dying breath. After all, she was the one who saves us all.
And I intend to keep that promise with all of my life, until death or life after that.