Chapter One - Collision

133 18 19
                                    


"Shine, gising na! Pinapatawag na kayo ng mga magulang nyo." Katok nito sa aking pinto hanggang sa nabuksan nito. Naramdaman ko na lang na tinapik ako nito sa braso at tinanggal ang kumot na pinagtalukbong ko. "Pinagising ko na rin sa ibang kasambahay ang mga kapatid mo hija para sabay-sabay na kayong bumaba." Sabi pa ni nanay Dora.

Papungas-pungas naman ako sa pagbangon mula sa aking kama at pagkatapos ay naghikab.

"Opo nanay, ililigpit ko lang ang pinagtulugan ko." Tugon ko na parang lumilipad pa sa alapaap ang diwa.

" Ako na muna ang gagawa nyan, Shine. Dahil may lakad yatang maaga ang parents nyo, kaya bumaba na kayong lahat. Hindi pa naman 'yan sila kakain ng hindi kayo sabay-sabay." Sabi nito ng nakangiti.

"Opo, nanay. Thank you po! Love you!" Sabay flying kiss na nagpatawa dito.

"This is the first day of my training sa kumpanya namin." Bulong ko sa sarili.

Palabas na ako ng kuwarto ko para bumaba ng tawagin ako ni Shannon na bunso kong kapatid. Actually, lima kaming magkakapatid and we are the "five Maria's", 'yan kasi ang bansag nila sa amin. Dahil sa sobrang protective ng daddy sa amin kaya never pa akong nagka boyfriend in my entire life.

"Ate Shine, kinakabahan ako mag junior high, at the same time, I felt so excited to study in the actual school." While fidgeting her fingers.
"Even though I don't know what to expect from my soon classmate and how to act around them but I hope I'll fit in." Shannon, said in a worried tone.

Lahat kasi kami ay homeschooled in elementary. Since, nagkatrauma ang family namin nang nakidnap ako when I was a child way back in grade school.

"It's a normal feeling, Shan. Because like you, we also had an experience like that, but we are sure that you can overcome it." Sam, said as she also going downstairs. Inakbayan pa nito ang kapatid.

"Yes, I agree with Sam. So just be yourself, baby girl. Okay! I know that you can also make a lot of friends in school because you're pretty amazing and so kind." I said assuringly to Shan.

"Thanks, mga ate. You're the best!" Shan said, in a pleased voice.

"So, sila lang ang the best ate, Ganun!" Nagtatampong sabi ni Scarlet habang nakanguso na nakatingin kay Shannon at pareho na pala kaming pababa galing sa mga kanya-kanyang kuwarto.

"Oo nga! Eh, kami kaya ang lagi mong kasama! Lalo pa ngayon na High school ka na at palagi na tayong magkikita." Sabi naman ni Snow na parang hahabulin na ng suklay dahil sa nagkabuhol-buhol pa na buhok.

"Magsabi ka lang sa amin ni ate, Snow. If may mang bully sayo ng maresbakan ka namin agad." Sabi naman ni Scarlet kay Shan ng nakalapit na.

"Ate naman, ang violent!" react ni Shannon na nakanguso pa.

"Anong resbak-resbak! Upakan mo agad Shan para walang mang-api sayo. Tingnan lang natin kung gagalawin ka pa nila pag mangyari yun." Saad naman ni Sam na naka pose pa na mananapak.

" Kayo talaga!" napailing ako. "Kung ano-ano na naman ang itinuturo nyo sa bunso natin." Saway ko sa tatlo kong kapatid.

"Ate, mabuti na yung maturuan ng mas maaga para hindi ma bully ang mga kapatid natin. Wala pa naman tayong dalawa para mabantayan ang tatlo at mapagtanggol sa mga taong mapanakit ng damdamin." Sabi pa ni Sam.

"Basagulero naman ang labas nila ganun!" napairap ako. " Naku! makukutusan talaga kita Sam." Sabi ko habang hinahabol na pababa ng hagdan dahil ginalaw na naman ang buhok ko. Narinig ko naman ang pagtawa ng mga kapatid ko.

Nang malapit ko na sanang maabutan ay tumakbo naman ito ng mabilis sa gawi ni Daddy at Mommy para magtago. Pareho namang nagtaka ang magulang namin sa nangyayari.

Can't Help FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon