Chapter Four - Friends

66 17 22
                                    

"Ms. Fernandez." ulit niyang tawag sa akin.

Tinapunan niya ng mapanuring tingin ang mga kasama ko sa lamesa at ibinalik ulit sa akin ang kanyang malamig na titig.

"Bakit Mr. Monteverde? Ano ang kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Buti na lang hindi nya nakita na tinitigan ko din siyang mabuti.

Habang tinitingnan ko sya ay napansin kong maamo ang kanyang mukha, mahaba at mapipilantik ang kanyang pilik mata, kakulay asul na dagat ang kulay ng mata at may hugis puso syang mga labi. May makisig na pangangatawan at may tangkad na anim na talampakan.

"Perpekto pa la siyang tingnan eh." usal ko sa sarili.

"So, pwede na? Ganun? Gwapo naman pala?"
"Hmp! Gwapo nga pero ang lakas naman ng apog."
Kastigo ko din sa aking sarili.

"Pasado na ba ako sa standard mo?" biglang sabi niya sa akin ng makita akong nanunuri ang tingin sa kanya kaya napaingos ako sa kanyang ka preskohan.

"Pwede na."sagot ko naman sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

Parang hindi naman niya nagustuhan ang sagot ko dahil napakunot ang noo nito habang nakahalukipkip.

Bigla naman akong napatingin sa mga kasama ko sa table ng may napahagikhik. Kaya sumeryoso naman si Ashley ng nakita niyang lumingon kami sa kanya at nagpatuloy ng kumain. Habang nagsusupil naman ng ngiti si Mark kaya siniko naman ito ni Trish sa tagiliran para sitahin napalingon ako ulit kay Caleb ng nagsalita ulit ito.

"Hindi ko alam kung ano ang nakita sayo ni dad eh wala namang ka espe-espesyal sayo para gustuhin niyang gawin kitang girlfriend kahit alam na man nyang may nililigawan na ako na mas higit pa sayo." pang-iinsulto pa nya sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa kanya dahil sa kanyang sinabi na hindi ko masundan kung sino ang tinutukoy nyang ama. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko lalo na sa panghuli din nyang sinabi na ikinagagalit ko sa kanya. Kaya pinanlisikan ko sya ng mata para ipakita na galit ako sa kanya. Ngunit parang wala lang sa kanya.

Ngumisi kasi ito at lumapit sa kinauupuan ko at inilapit ang mukha sa akin kaya bigla akong nataranta sa ginawa nya. Mukhang napansin nya yata ang reaksyon ko dahil may natutuwang kislap sa kanyang mata kaya naman mas inilapit pa niya ang mukha sa akin at bumulong sa aking tainga na parang dinilaan nya pa ito ng may hagod na nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam.
Parang may kuryenteng dumaloy mula sa batok ko na bumuhay sa katawan kong lupa.

"Magkita tayo bukas dahil gusto kong mag-usap na tayong dalawa lang." sabi pa nya sa akin sa sensual na boses.

Baka guni-guni ko lang yon.

Nagkatitigan kaming dalawang ni Caleb nang biglang may nagsinghapan kaya lumayo ako sa kanya at tiningnan ang paligid.
May mga nagbubulong-bulungan at pabalik-balik ang tingin sa table namin lalo na sa akin.

"Pupuntahan kita bukas sa bahay niyo dahil mayroon tayong dapat pag-usapan." sabi ni Caleb at tumalikod na para tuluyang umalis.

Pero naguguluhan pa din ako sa pinagsasabi niya. Well! hindi naman ako pumayag so, I guess di ko kailangan magpakita sa kanya.

Nagsalita naman si Ashley at Trish at nilingon ang mga taong nagbubulungan.

"Ang mga tao talaga ang hilig maki-isyoso pero nagagalit naman kapag sila ang tampulan ng tsismis. Haiisst." sa naiiritang boses ni Ashley na tapos na pala kumain.

"Akala ko ba, hindi mo kilala si Caleb Monteverde? Bakit ka niya kinausap at nilapitan. Tinawag ka pa niyang Ms. Fernandez." kuryosong tanong ni Mark sa akin at napahinto ito nang parang may napagtanto.

Can't Help FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon