Chapter Five - Visitor

47 17 32
                                    

Pagpasok namin sa loob ng opisina ay dumiretso agad ako sa aking table para magsimula ng magtrabaho ngunit ilang minuto lang ay may kumatok sa aming pinto at sumalubong sa pinto ang lalaking dahilan ng pagsampal sa akin. Napansin kong may bakas na pag-aalalang gumuhit sa mata nito ngunit biglang naglaho. Dahil seryoso na itong lumapit sa akin.

Pagsapit ng alas singko ay nag pa sundo na ako kay tatay Jude. Sigurado naman ako na nakaauwi na ang mga kapatid ko dahil alas kuwatro ang uwian ng mga yon.

"Mauuna na ako sa inyo." paalam sa amin ni Ashley.

Kaya tumango naman kaming dalawa ni Trish.

"Hindi ka pa ba uuwi Aistrielle?" tanong sa akin ni Trish ng nakita kong nag-aayos na sya ng kanyang bag upang handa ng umalis.

"Hihintayin ko pa ang sundo ko Trish." sagot ko sa kanya.

Kasama ko kasi ang mga kapatid ko kanina na inihatid din pagpasok kaya wala akong sasakyan na dala.

"Okay, kung ganun. Maiwan na kita dito." pagpapaalam niya at umalis na.

Tumunog naman ang cellphone ko sa tawag ni tatay Jude.

"Hello tatay Jude." sagot ko dito.

"Shine nandito na ako sa may parking lot ng building. Hihintayin na lang kita dito." pag inform ni tatay Jude sa akin.

"Sige po." sagot ko at in-off ko na ang tawag.

Kaya Kinuha ko na ang bag ko para bumaba na. Dumiretso na din ako papunta sa parking lot at nakita ko si Sam na nakasandal sa gilid ng sasakyan.

"Sam, pasok na sa sasakyan." pagtawag ko sa kanya at sabay na naming binuksan ang magkabilang pintuan.

Pinaandar naman ito agad ni tatay jude pauwi sa bahay. Pagdating namin ay sinalubong kaagad kami ni manang Dora at ang mga katiwala.

"Shine hija, kumusta ang unang araw mo?" tanong ni nanay Dora sa akin.

"okay lang naman po nay." sagot kong tipid sa kanya dahil Medyo pagod na.

Dumiretso na akong pumasok dahil nauna na si Sam sa akin at naabutan oo sina shan at snow na nanonood ng TV sa may living room.

"Ate shine". Tawag nila sa akin pareho at patakbong lumapit para humalik sa pisngi ko.

"Nasaan ang ate Scarlet nyo?" tanong ko sa kanila pareho. Napansin kong nakatinginan naman ang dalawa sa tanong ko.

"Ahh ate, hindi sumabay ng uwi si ate Scarlet eh." sagot ni Shan sa akin.

"Mahuhuli lang daw po sya ate. Yun po ang sabi niya sa text kanina." sabi naman ni snow sa akin.

Tumango naman ako sa kanila. Kaya nagpaalam lang ako na aakyat na muna.

"Pagdating ko sa kuwarto ay ibinagsak ko ang katawan sa higaan at kinuha ko ang cellphone ko sa bag.
Hinanap ko ang pangalan ni Caleb sa internet.

" Hmm, sikat nga pala talaga sya dahil ang daming website na may report tungkol sa kanya. "

Binasa ko naman bawat isa at halos lahat na nakasulat sa article ay may nalilink na babae patungkol sa kanya.

"Haist, womanizer nga talaga."

Infairness, may maipagmamayabang naman pala talaga. Dahil kahit sa edad pa lang na 26 ay madami na syang natapos na project. At siya ang highly recommended na Engineer sa Pilipinas dahil sa sobrang husay at laging pulido ang bawat detalye ng kanyang proyekto.

Nang may kumatok sa pintuan at binuksan ito at dumungaw ang ulo ng kapatid kong si snow.

"Ate Shine, kakain na." tawag niya sa akin.

Can't Help FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon