SMS 1 - The 2 transfer student ^^

147 3 4
                                    

----------------------------------------

Dedicated ko to sa kanya.

HAHA . :DD

SMS 1

Hello ako nga po pala si Leila Micaela Reyes. Isang babaeng simple, at di naman masiadong mayaman. Pero kahit ganun nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Masaya ako sa pamilya ko, meron pala akong dalawang kuya. Si kuya Jaycee at si kuya Tim.

Oo nga pala nagtataka siguro kayo kung bakit lumipat ako ng school e, two weeks pa lang after nagsimula ang klase.

Kasi naman nalaman ko na yung favorite kong band na Saga band ay dun sa kabilang school kaya niyaya ko ang bestfriend kong magtransfer kasama ako.

Oo alam ko mahirap lang kami, pero dahil alam naman ng mga magulang ko na fan ako ng Saga Band napilit ko rin sila. Yun lan naman ang kasiyahan ko, buti nga hindi ako pasaway e. Tsaka bali yung dalawa ko namang kuya ang nagbayad ng tuition fee ko kaya okay naman daw. Tulong na daw yun. Hehe.

Hindi ko pa pala napapakilala ang bestfriend kong si Sally Lacson, mayaman sya di tulad ko. Ewan ko ba paano kami naging bestfriend basta ang alam ko magkaibigan ang mga mama namin.. Haha di ko alam kung paano pero magbestfriend pala mga mama namin.

Yun na nga napilit ko lang syang sumama kasi kung di rin naman sya sasama walang makakasama dun sa dating school namin. Kaya sumama na rin sya. Tsaka madali lang naman sya makakalipat kung gugustuhin nya kasi nga mayaman sila. hehe

eto na nga. andito na kami ni sally sa bagong school namin.

Kinakabahan kami kasi nalaman lang naman namin ang magiging section namin.

Una - magkaklase kami.

Ikalawa - kaklase namin ang paborito nyang banda ang Naughty Band.

At Ikatlo - kaklase din namin ang paborito kong banda ang Saga Band. ^__^

Wag na kayong magulat pa. Oo magkaiba kami ng paborito, ewan ko ba dito kay sally favorite nya mga kanta non. Sus kung ikukumpara nyo naman yan sa Saga Band walang-wala yan. Ang pangit pa ng name. E yung Saga band? astig, maangas, haha at ang gagwapo pa. Alam ko gwapo rin naman ang mga Naughty Band, pero ayaw ko talaga sa kanila. Ewww. Joke lang.

Oo nga pala eto ang mga pangalan ng Saga band, pangalan pa lang ulam na. Hindi joke lang. gwapo kasi, kainiss haha  ^___^

Jasper De Vera - Drummer

Carl Angeles - Keyboardist

Garret Salas - Guitarist

Last, my one and only crush Drei Santos the vocalist. Kyaaaah. ^___^

Opo, crush ko si Drei, grabe kinakabahan nga ko kung paano ko sila pakikisamahan ang saya-saya ko, kaya lang kaklase namin yung rival band nila. Tss. Ayaw ko silang maging close.

Ok balik na tayo sa kasalukuyan ..

Sa wakas nakarating din kami sa Dean's Office (Hindi na po principal's office tawag dun sapagkat college na po sila)

Kinakausap kami ng magiging prof namin.

Ang ganda nya, sya si Prof. Seiya Cruz

Tama kayo sya ang manager ng Naughty Band, tama rin kayo na nagugustuhan ko sya tapos yung grupo nya hindi ko gusto, hehe hindi ko sya dinadamay sapagkat crush sya ni kuya jaycee ko siempre kung sino gusto ng kuya ko, gusto ko rin. hehe :)

'Ok sally and leila, pupunta na tayo sa magiging section nyo, maging mabait sana kayo ah. Puro mga pasaway magiging kaklase nyo e.' sabi ni  maam.

'Yes Maam' sabay naming sabi ni sally. ^__^

Inhale exhale.

Andito na kami sa tapat ng room namin.

Hinihintay ang signal ni maam para pumasok at magpakilala.

Naririnig namin si maan na may two transfer student at etong katabi ko pinagpapawisan.

'Oyy sally, bakit ka ganyan?'  tanong ko.

'K-kasi naman nahihiya't kinakabahan ako. Magiging kaklase pa natin si James.' sabi nya

Ok tama na naman kayo, oo yun ang crush nya sa Naughty Band, kahit daw suplado tignan ok lang daw, para may thrill. Nyahaha thrill pang nalalaman e, nahihiya naman pala.

Andito na pala si Maam, magpakilala na daw kami.

'Hello I'm Sally Lacson 17years of age. Sana maging close ko kayong lahat. ^___^v' sabi nya.

Walangya. Epic haha kinakabahan daw sya e naka-peace sign pa tapos todo ngiti.

Nyahahahaha XDD Ako na pala.

'Hi, I'm Leila Micaela Reyes 17years old. Be nice to me' sabi ko.'

Shet, Kinikilig ako, paano ba naman kasi nakatitig ako kay Drei tapos todo titig rin sya sakin.

Kyaaaaah ~ Kinikilig ako. Sana makatabi ko sya. Please? hehe

'Ok, Sally you can now sit beside of Mr. Cruz' sabi ni maam kay Sally, OMG ang swerte naman nya. Sana ako rin.

'And you Leila you can now sit beside .. hmm, beside of Mr. Santos'

Yes! Ang pangarap ko'y para sa'yo ~~

Ay napakanta hahaha.

'Maam dalawa po Santos natin dito. Sino po sa kanila? Si Drei o Kevin?' sabi ni Nick isa sa members ng Naughty Band.

Ayy, oo nga pala magpinsan si Drei at Kevin.

Nakuuu naman, sana si Drei.

'Sorry class, I forgot, hmm ok Ms. Reyes you may now sit beside of Mr. Kevin Santos' sabi ni maam

Awwwwwwwwwwww ~

Para akong binaksakan ng Langit at Lupa.

Nakakaasar.

Nakakabadtrip.

Bakit si Kevin pa?

Bakit hindi na lang si Drei?

Eto na nga katabi ko na si Kevin.

Tss. Gwapo nga pero di ko sya feel.

'Hello! Leila.' sabi ni nick. dito kasi sya sa harapan ko. FC naman. JK

'Hello rin.' sabi ko na lang.

'Sana maging close tayo' sabay abot ng kanyang kamay.

Ngee. Feeling close na nga sya sakin e. Pero tinanggap ko pa rin naman yung kamay nya para makipagshakehands.

Uh-Uh.

May nafefeel akong ibang aura.

Pagkatingin ko sa likod ko may dalawang babaeng masama ang tingin sakin.

Bakit?

Anong problema nila?

Napatingin na lang ako sa pwesto ni Sally. grabe mabuti pa sya katabi nya ang Ultimate Crush nya.

Kaya lang mukhang may thrill nga. HAHA

Hindi sya pinapansin, Kawawa naman sya. Hehe.

Ako kaya papansinin ni Drei?

Makakatabi ko kaya sya?

Sana maging magkaibigan kami.

Sana nga ..

---------------------------------

Hello. pasensya na po.

Maiksi lang.

Be a fan and Vomment po.

Thank youu. :DDD <3

She's my Slave.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon