------------------------------
Dedicated ko to sa kanya.
Ayan na. Pwede ko ng idedicate sayo. :DD
Enjoy.
SMS 2
Kevin's POV
Mabuti na lang at uwian na. Nakakainis naman kasi tong si Ate Seiya, wala naman masiadong pinagagawa ayaw pa magpauwi. Tss.
Eto pa meron daw kaming mall tour mamayang 4pm.. Hindi na nga kami nakapagpratice tapos pagod pa kami. Langyaa naman..
Ano ba ang kakantahin namin?
Oo nga pala 2hrs kang tatayo dun para i-sign ang mga album namin at pagbigyan sila makipagpicture samin. Arrrgh. Nakakapagod yun tapos maaga pa pasok bukas, bawal pa malate kay ate Seiya.
Tama Ate Seiya tawag namin sa kanya kapag nasa labas kami ng paaralan, at Maam naman kapag nasa klase kami at higit sa lahat wala syang pakialam samin tinuturing kaming parang di pa kilala.. Nakakaasar.
- toot toot -
From: James
'When I'm with you daw! sabi ni ate.'
Ok?? Vocalist nga pala ako.
May 30minutes pa para i-practice to.
Mahanap nga yung lyrics.
Saw you walk into the room
Thought I'd try to talk to you
Babe am I ever glad you wanted me to
It's been two years to the day
Half the time I've been away
I know I'm not there enough but that's gonna change
Cause I'm coming back
To show you that I'm keeping the promise I made
When Im with you I'll make eve-
- tok tok -
Naputol ang pagkanta ko ng biglang may kumatok sa kwarto.
'Sino yan' sigaw ko.
'Sir anjan na po sila Sir James. Sir Nick at Sir Yael' sabi ni yaya. andito na pala si yaya twice a week lang sya dahil sya ang tagalaba namin.
'Sge po susunod na' sabi ko.
Tama ang narinig nyo, nagPO ako kay yaya siempre ginagalang ko si yaya. Akala nyo siguro porke't mayaman walang galang at bastos.. Sorry di ako ganun. Kahit hindi ko lagi kasama sila Papa at Mama. Goodboy to noh.
Teka pala, ang bilis naman yata akong sunduin nila James.
Parang kakatex nya lang na yun ang kakantahin.
Di ko pa nga paractice e. Buti na lang alam ko to.
Pagbaba ko nakita ko silang tatlo.
Nakakapagtaka wala si Ate Seiya.
'Asan si ate Seiya, James?' tanong ko.
'Wala mauuna na daw sya. Aayusin nya pa daw mga instrument natin sa mall' sagot ni james.
'Ah, ganun ba. Ano tara na?' yaya ko sa kanila
Habang nasa sasakyan kami.
Pinaguusapan namen yung dalawang babaeng bago sa klase.
'Musta si Sally, james?' tanong ni yael
'Sally? sino yun?' tanong nitong si james..
'Walangya, di mo kilala? yung bagong transfer, yung katabi mo! Grabe ka talaga suplado!' sabi ni Nick.