Waiting For you
"Hello?"
"..."
"Asan ka?"
"..."
"Ahhh..Okay..."
"..."
"Sige-sige...Papunta na ako diyan...Bye," paalam ko.
Hi! Ako nga pala si Julie Walker at yung kausap ko sa phone kanina ay ang bestfriend kong si Bryce Renner na mas matanda pa sa'kin ng tatlong taon. Anyway, I'm 17 years old turning 18 this coming Sunday. Yes, tama kayo.
Magdedebut na ako.
Dali-dali na akong pumunta sa bestfriend kong iinom na naman yata kase nagbreak na naman sila ng pinakalatest niyang syota na ewan ko kung bakit pa nakaabot ng tatlong linggo sa kamay niya.
Baliw yun eh. Kali-kaliwa ang syota hihiwalayan din naman agad.
Ako?
NBSB. Marami namang nanliligaw pero may hinihintay kase ako. Kaso, feeling ko hindi ko na maipagpapatuloy pa ang paghihintay sa kanya kase feeling ko rin wala talaga akong pag-asa.
Nandito na ako.
Nakita ko na siyang nakaupo sa dulo ng building.
Ito yung building nila at nasa tuktok kami, sa rooftop.
Tambayan namin to. Kahit sa building namin, dun din kami sa rooftop nagpapahangin.
"Huy! Iinom ka na naman? Di ka kaya magkasakit sa liver niyan?" tanong ko tapos tumabi din naman sa kanya at pinagmasdan ang mga ilaw ng iba pang matataas na building.
"Okay lang, eh di iinom ako nung gamot na iniendorse ni Robin," sabi niya tapos tumingin sa akin at tumungga.
Nagmakeface nalang ako, ngumiti naman siya.
"Baliw ka talaga no?" sabi ko.
"Gwapo lang naman," sabi niya.
"Tss...Oh? Bakit nagbreak na naman kayong girlfriend mo?Teka—sino ba ang nakipagbreak? Hulaan ko."
Tumingin lang siya sa akin.
"Ikaw na naman no?"
Ngumiti lang siya.
"Sabi ko na nga ba. Bakit ba palagi mo nalang hinihiwalayan ang mga girlfriends mo? Siguro hiyang-hiya yung mga gf's mo kase inunahan mo sila palage. Nakakababa pa naman nang pride yun kung ang lalaki ang unang nakipagbreak nalang bigla." Mataas kong speech. Parang may experience lang.
"Sa hindi ko sila mahal eh. Kasalanan ko ba yun?" tanong niya.
"Bakit kase hindi mo sila magawang mahalin?" tanong ko rin.
'Bakit kase hindi nalang ako ang mahalin mo' biglang sumagi sa isip ko.
Tama ang nabasa niyo, mahal ko ang bestfriend ko. Mahal ko si Bryce.
Matagal na. Simula pa nung bata pa kami.
"Basta, hindi pa ngayon ang tamang oras," sabi lang niya.
"Wooww...Bakit may hinihintay ka?" bigla kong natanong.
'Sana wala, sana wala.' Mahinang hiling ko.
"Parang ganun...Siguro?" sagot niya.
Ouch... Wala na talaga akong pag-asa.
"Mahal mo?" tanong ko.
'Please... Sana hindi..'
"Oo. Parang gusto ko na ngang hilahin ang oras para mapadali ang takbo ng panahon at makasama ko na siya. Pero okay lang din, makakapaghintay pa ako ng ilan pang panahon. Anyway, malapit na rin naman," sabi niya
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionCompilation of one shot stories . Waiting For You - Kababata niya si Bryce. Mahal niya ito pero may mahal na itong iba. Maghihintay nalang ba siya sa wala? Ang Buhay Pag-ibig ni Mary -Lovestory na hango sa kantang Mary's Song (Oh My My My) ni Taylor...