Ang Buhay Pag-ibig ni Mary
written by SaveAndPublish
All Rights Reserved (c)
No PLAGIARISM
-"One of the most amazing feelings in the world is having someone fall in love with you who you thought you never had a chance with."- Anonymous
Seven years old ako nun at nine years old siya.
Pag tinitingnan ko siya, para siyang bituin na sobrang liwanag.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing titingnan ko siya, parang may anong kislap sa mga mata niya.
Bakit kaya?
Huling linggo ng buwan nakasanayan ng magfamily bonding ng mga pamilya namin.
Magbebestfriends kase ang mga magulang namin kaya palagi kaming may okasyon kapag linggo. Dun kami naghahapunan sa kanila o di kaya sila sa bahay namin.
May dalawa siyang nakakatandang kapatid na lalaki at ako naman ay may nakakatandang kapatid na babae at lalaki.
Naalala ko pa nga noon ang mga sinasabi nina Papa at Tito na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin.
"Pare, pano kaya kapag malaki na'tong mga bunso natin at magkainlove-an?" tanong ni Papa kay Tito.
"E sa simbahan ang tuloy agad niyan, wala ng tututol pa." Sabi ni Tito tapos nagtawanan silang dalawa. Sina Mama at Tita naman ay tumawa lang din.
Well, hindi talaga kami magkasundo pero hindi rin naman kami magka-away.
May time nga na sinabi niyang susuntukin daw niya ako pero hindi naman niya ginawa.
Grade 4 ako nun at nasa school kasama ang kaibigan ko ng makita ko siyang may kausap na babae.
"Huy, Mary di ba si Steven yun? Kasama niya si Jade o." Sabi ni Irene. Si Jade ay isang magandang babae at sikat sa school kase ewan ko nga ba kung bakit, pangit naman ang ugali.
Tinitigan ko si Steven na parang sinasabing 'isusumbong kita kay Tita at Tito'. Siguro naramdaman niyang may tumitingin sa kanya kaya lumingon siya. At nagtama ang mga mata namin, ewan ko pero hindi ko alam kung bakit bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko nang magkatinginan kami.
Hindi ko nalang pinansin yun at tinarayan nalang siya tapos dumiretso ako ng lakad.
Alam na niya kung anong ibig sabihin ng tingin kong yun.
Magkatabi ang bahay namin at may gate na pwedeng daanan para diretso agad sa bahay nila. Pagdating na pagdating ko sa bahay ay nagmano ako kina Mama at Papa tapos pagkatapos magbihis ay agad na pumunta kina Steven para magmano kina Tito at Tita.
Pagdating ko sa bahay nila ay agad kong pinuntahan sina Tito at Tita.
"Kumusta ang school?" tanong ni Tita sa'kin.
"Okay lang po Tita," sagot ko.
"Nasa likod ng bahay." Agad na sabi ni Tito ng magmano ako, ngumiti ako at pumunta sa likod. Alam na talaga ni Tito na kapag pupunta ako sa bahay nila ay mag-aasaran na naman kami ni Steven.
Pagdating ko sa likod ng bahay nila, nakita ko siyang nakaupo sa malaking sanga ng mangga sa parteng hindi masyadong mataas.
"Kumusta naman ang relasyon mo kay Jade?" bungad ko sa kanya.
May binabasa kase siya kaya itinaas niya ang mukha niya.
"Mabuti naman." Sabi niya tapos bumaba.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionCompilation of one shot stories . Waiting For You - Kababata niya si Bryce. Mahal niya ito pero may mahal na itong iba. Maghihintay nalang ba siya sa wala? Ang Buhay Pag-ibig ni Mary -Lovestory na hango sa kantang Mary's Song (Oh My My My) ni Taylor...