Pag-ibig sa Pangalawang Tingin
"Tao po!! Tao po!" sigaw ng kung sino.
"Jane, tawagin mo ang kuya mo at sabihin mong nandito na si Dre."
*Dug* *Dug*
"O-opo."
Dali-dali akong pumunta sa harap ng kwarto ni kuya.
"Kuya, nandito na raw si D—Kuya Dre." sabi ko tapos bigla nalang lumabas ang kuya kong dalawang taon ang tanda sa akin.
Pumunta na ako sa kusina para tapusin yung sinusulat kong short story.
Sabado ngayon kaya wala kaming ginagawa masyado. Bukas pa kase kami maggigeneral-cleaning dito sa bahay kaya relax-relax na muna ngayon.
At dahil sabado, nandito na naman ang best tropa ni Kuya na si Dre—Kuya Dre. Sigurado akong maglalaro na naman sila ng Dota o di kaya ay maghapong maglalaro ng basketball.
Sanay na talaga kami sa ilang buwan na tuwing sabado ay pumupunta yang si Dre-este-Kuya Dre dito sa bahay. Minsan nga dito pa yan natutulog e.
Magkaklase daw kase sila ni Kuya simula Grade 1 hanggang 6 at magkaklase na naman sila ngayon kase kakatransfer lang ni Kuya Dre sa school namin. At tsaka best tropa din pala siya ni kuya no.
Ako naman ay 16 years old na at kasalukuyang nasa Grade 10.
Malay ko bang naabutan kami ng K-12.
Hilig ko ang pagbabasa ng mga libro at manga, tumugtug ng violin at magsulat ng stories online (alam niyo na).
Hate ko ang make-up at sobrang maaarteng babae.
---
Kung lovelife ang pag-uusapan, wala yan sa vocabulary ko.
Kase nababanas ako sa mga kaklase kong umiiyak dahil hiniwalayan sila ng 'boyfriend' nilang tatlong linggo palang nilang sinasagot. Hay, mga emote moments sa mundo. E kasalanan naman nila kung bakit sila umiiyak ng ganyan. Di ba kapag teenager, dapat enjoy-enjoy muna kase ito yung stage na magmamature ka na tapos sasayangin lang nila sa pagmumukmok dahil sa nasawing 'pag-ibig?' Oh com'on.
Okay ako na ang bitter.
Pero hindi naman sa bitter talaga, i'm just being open-minded.
---
Yan ang mga sinasabi ko NOON tungkol sa pananaw ko sa pag-ibig pero nag-iba yun nang makilala ko yang Dre—este—Kuya Dre na yan ilang buwan palang simula nung nagsimula ang klase.
Ampf.
Flashback
Isang linggo palang ang nakakalipas simula nung nagsimula ang klase at nakaupo ako ngayon sa pinakamataas na bleachers in town—jowk. Nasa pinakamataas na bleachers ako ng school gym namin at nagbabasa ng libro para hindi ako matamaan ng mga ligaw na bola ng mga trying hard na basketbolista. Jowk ulit, hindi sila trying hard, magaling talaga sila. Ang totoo niyan, nagpapakalayo lang talaga ako sa mga hiyawan ng mga maaarteng babaeng naghihiyawan kapag nakakashoot ang crush nila.
Pero wa epek e, open masyado tong gym kaya hanggang sa lugar ko na'to rinig na rinig ko ang mga pangit na boses ng mga babae. Bakit naman kase ang daming studyante dito sa paaralan na'to, no choice akong dito sa gym umistambay at isa pa, katabi lang din kase ng classroom namin.
Enough of the gym, nagbabasa pala ako ng The Lost Symbol ni Dan Brown at masyadong concentrate sa pagbabasa na hindi ko na namalayan na biglang tumahimik yung mga maaarteng babae.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Ficção AdolescenteCompilation of one shot stories . Waiting For You - Kababata niya si Bryce. Mahal niya ito pero may mahal na itong iba. Maghihintay nalang ba siya sa wala? Ang Buhay Pag-ibig ni Mary -Lovestory na hango sa kantang Mary's Song (Oh My My My) ni Taylor...