Campus Royalties ♕ Chapter 01

3.7K 41 5
                                    

Campus Royalties Chapter 01

-----

Pat's POV

Ako nga pala si Pat. Patricia Michaela Montenegro. Simpleng tao lang ako. Hindi kami mayaman, pero hindi rin kami mahirap. Maykaya lang. Pero akalain niyo yun? Sinwerte ako na makapasok sa Spectrum Academy, isang school para sa mga pinakamayayaman. Nakapasok ako dun dahil sa isang scholarship, pati na rin ang best friend kong si Kathy.

"Pat? Pat! Anak, male-late ka na!" Ay, tama nga pala! First day ko pala dun sa academy na yun ngayon! Tsk. Medyo napahaba yata ang kwento ko. Sa sobrang excited ko kasi nakagising ako nang 3am tapos ayun, di na 'ko makatulog ulit.

Pumasok na 'ko sa banyo at naligo tapos nagbihis. Ang ganda ng uniform nila sa Spectrum Academy. White blouse tapos red na palda. Simple lang. Tapos yung necktie, red din at may malaking patch na nakalagay "Spectrum Academy". Nginitian ko ang sarili ko sa salamin tapos bumaba na ako.

"Good morning ma!" Bati ko sa mama ko pagkaupo ko sa may dining table. Nakita kong nakahanda na ang almusal, paborito kong Tapsilog.

Ngumiti si mama sa'kin. "Good morning, anak! Wow, ang ganda ganda mo sa bagong uniform mo ah!" Sabi niya sabay tingin sa'kin mula ulo hanggang paa.

Nagblush naman ako. "Mama naman e, nambola pa. Um, si papa po?" Tanong ko bago ako sumubo ng pagkain. Siniguro ko na dahan-dahan lang ang pagkain ko, mahirap nang madumihan yung bago kong uniform noh.

"Ah, pumunta na sa tindahan. Gusto niya raw kasing maaga magbukas ngayon. Ewan ko ba dun." Tapos tumalikod si mama at nagpatuloy sa ginagawa niya kanina. May kainan at maliit na tindahan kasi kami dun sa may kanto lang.

"Ate!" Narinig kong may sumigaw. Pagtingin ko, si Carlo lang pala, kapatid ko. Mas bata siya sa'kin nang one year, kaya medyo close na rin kami nitong kapatid ko, kahit puro asaran lang kami.

Umupo siya sa tabi ko. "Hala? Sino ka? Di kita kilala ah. Bat ka nandito sa bahay, ha?" Pang-aasar ng kapatid ko habang tinitingnan ako. Ito talagang kapatid ko, umagang umaga nang-aasar na.

Napatawa ako at hinampas ko siya nang mahina. "Manahimik ka nga! Hahaha. Ikaw talaga."

"Ang ganda mo na kasi ate, e. Bagay na bagay sa'yo yung uniform ng academy niyo." Sabi niya. Tapos nagsimula na rin siyang kumain.

Tumingin ako sa relo ko. 8:00 na, tapos 8:30 magsisimula ang first period! Tss, naku naman! First day na first day male-late ako! -______- Binilisan ko yung pagkain tapos nagtoothbrush ako at nagpaalam kina mama tapos dumiretso na sa school.

Sumakay ako ng taxi tapos dumiretso na sa school. Pagdating ko, nakita ko si Kathy sa may gate. Nagplano kasi kami na magkita sa may gate bago pumasok. Nakita kong lumiwanag ang mukha niya pagkakita niya sa'kin.

"Best, sorry kung natagalan ako ah! Dyahe kasi, di ako nakatulog nang maayos. Tara pasok na tayo!" Hinila ko siya papasok tapos dumiretso na kami sa classroom namin. Luckily, magkaklase kami.

Naupo na kami sa may gitna ng classroom nang bigla akong naihi. "Um, Kathy, sandali lang ah. Ihi lang ako, wala parin naman si Ma'am e. Balik lang ako agad."

"Huh? Sigurado ka? Sige bilisan mo Pat ha, wala akong kausap e." Sabi lang ni Kathy, tapos umalis na ako.

"San na ba kasi yung CR nila dito? Ang laki kasi ng school na 'to, parang buong kalye namin e kasya dito." Sabi ko habang naglalakad at hinahanap yung CR. Bigla na lang akong napatigil nang may nakita akong maraming tao na nakatingin sa iisang direction. Pero di ko na lang pinakaelaman, naiihi na talaga ako e!

Sa wakas at nahanap ko na ang CR. Grabe yung CR nila, parang CR sa mall. Ang laki, sobra! Pagkatapos kong umihi ay naghugas ako ng kamay tapos lumabas na nang biglang...

"Aray!" Napasigaw ako tapos naramdaman ko na lang na nakaupo na pala ako sa sahig.

"Miss! Miss, okay ka lang?" May nagtatanong. Tumingin ako sa taas at nakita ko ang isang lalake. Matangkad, maputi, matangos ang ilong. Parang alalang alala siya sa pagkatumba ko. Kinuha niya yung dalawang kamay ko tapos pinatayo niya ako.

Ngumiti ako sa kanya kahit na medyo masakit parin ang katawan ko. "Ayos lang ako." Sabi ko nang biglang may lumapit sa'min na babae. At mukhang hindi siya masaya.

"Max?" Sabi niya. Napatingin kami nung lalake sa kanya. Magkahawak parin pala ang kamay namin, kaya mabilis kaming bumitaw.

"Maddie!" Pumunta si Max dun sa babae tapos hinalikan niya sa cheek. Mukhang hindi parin masaya yung Maddie.

"Babe, who is she?" Tanung ni Maddie kay Max habang nakatingin siya sa'kin nang masama. Si Max naman, tinititigan lang si Maddie bago sumagot.

"Ah, I just bumped her." Sabi ni Max habang tumitingin sa'kin na parang nagso-sorry.

Umirap si Maddie. "Whatever." Tapos tumingin siya sa'kin. "And you, I don't wanna see you near my Max, alright?" Sabi niya sa'kin. Inemphasize niya yung word na "my".

Speechless lang ako. Nakakatakot naman tong babaeng to. Natiis kaya to nung Max? Parang ang bait ni Max para sa kanya e. "Wala siyang kasalanan, Maddie. It was all my fault. Tara na, let's go to the classroom." Tapos umalis na sila.

"Grabe naman yung babaeng yun." Sabi ko na lang tapos bumalik na ko sa classroom.

"Best!" Sabi ni Kathy nang maupo ako. "Bakit ang tagal mo?"

I sighed. "E kasi paglabas ko ng CR may nakabangga ako. Tapos biglang dumating yung girlfriend niya. Max yata yung pangalan ng lalake, tapos yung girlfriend niya ang pangalan Maddie. Ewan ko ba!"

"Max? Maddie? Sina Max Alcantara at Maddie Olivarez?!" Nagulat kami ni Kathy nang biglang may nagsalita sa likod namin. Tiningnan namin siya. Lalake siya, mahaba ang buhok na nakababa. Maganad yung mata niya, matangos ang ilong.

Napakamot siya sa batok niya. "Ah, eh...sorry. Ako nga pala si Angelo. Angelo Dela Rosa. Kanina pa 'ko nakikinig sa usapan niyo, sorry talaga."

"Ayos lang yun." Sabi ko sa kanya. "Sandali nga, bakit mo kilala yung dalawa? Sikat ba sila dito sa buong school?" Tanong ko with curiosity.

"Sikat?! Sa buong school?! Nagjo-joke ba kayo? Sikat sila sa buong bansa!" Sabi ni Angelo. "Saka magkaka-batch lang tayo nun e, hehehe."

Napangiwi si Kathy. "Bakit? Artista ba sila?"

"Tss. Hindi, pero parang ganun na rin." Napatigil si Daniel tapos tumingin sa aming dalawa. "Silang dalawa, members sila ng Campus Royalties, ang mga pinakamayayaman sa lahat ng studyante dito sa school na 'to."

"Talaga?" Tanong ni Kathy kay Angelo.

"Talaga."

"Uy, guys, absent raw si Ma'am Guillermo today, di pa raw nakauwi galing bakasyon!" Sigaw nung isang kaklase namin. Ibig sabihin, wala kaing first period today. Siya kasi adviser namin.

"Sige nga, Angelo, ikwento mo nga sa'min yun kwento nila." Sabi ko sa kanya.

He sighed. "Sige na nga. Nag-originate ang Campus Royalties nung first year pa lang kami, two years ago..."

-----

Next chapter would be the story behind the Campus Royalties. :) hope you liked the first chapter! Second chapter to be posted soon! :)

Campus Royalties ♕ \ JulQuen & KathNiel /Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon