Campus Royalties ♕ Chapter 02
-----
Pat's POV
"Nag-originate ang Campus Royalties nung first year pa lang kami, two years ago." Pagsisimula ni Angelo. Kami naman ni Kathy, nakikinig lang sa kanya, walang sinasabi. "Maraming nagsasabi na maswerte raw ang batch namin kasi ka-batch namin silang apat."
"Apat? Akala ko ba dalawa lang sila?" Napakamot ng ulo si Kathy.
Umiling si Angelo. "Apat sila. Si Max, Maddie, Lawrence, at Monique. Anak sila ng mga pinakamayayaman na businessmen sa buong Pilipinas, na kilala rin sa ibang bansa."
"Wow!" Sabi ko.
Nagpatuloy lang si Angelo. "Si Lawrence ang leader ng grupo nila. Lawrence Jerome Madrigal ang buong pangalan niya. Ang pamilya niya ang may-ari ng Madrigal Corporations. May ari sila ng limang malls sa buong bansa. MAy bahay sila sa Macau, sa Korea...at madami pang ibang bansa. Engineer ang daddy niya at doctor naman ang mommy niya. Every summer, nagbabakasyon sila abroad. At sa pagkakaalam ko, sa London sila nagbakasyon this summer bago magsimula ang school year. Pero si Lawrence, konting atensyon lang ang nakukuha niya galing sa family niya. Laging busy kasi e. Kaya ayun, madalas gumimik si Lawrence kasama ang girlfriend niya, si Monique."
Tumango kami ni Kathy at nagpatuloy si Angelo. "Si Monique naman ang pinakamagaling na softball player dito sa school. Kahit babae siya, talo niya pang mga lalake pagdating sa soccer. Kaya nga maraming nagkakagusto kay Monique Nathalie Estrada, pero si Lawrence ang nakakuha ng pagmamahal niya. More into sports si Monique, siguro kasi sikat na basketball player ang daddy niya tapos ang mommy naman niya, psychologist. Ang mommy niya ang pinakamagaling na psychologist sa bansa, pati na rin sa ibang bansa. Kaya na rin siguro matalino si Monique. Kung tutuusin, perfect girl siya, pero yung ugali iya, isang malaking ekis. Napakamaldita kasi, saka napakamatapobre. Kaya kung ako sa inyo, umiwas kayo sa kanya."
Umirap lang kami ni Kathy. Nagsalita na naman si Angelo. "Best friend naman ni Monique si Maddie Stephanie Olivarez. Siya ang lead cheerleader ng school na 'to. Maraming nagsasabi na siya ang pinakamagandang babae dito sa school, at mukhang di naman yun mahirap paniwalaan. Sa lahat ng search dito sa school, sinasalihan niya at syempre, siya yung nananalo. Siya din yung laging kinukuhang representative ng school para sumali sa mga nationwide searches. Palibhasa kasi dating Miss Philippines yung mommy niya, tapos ang daddy niya, isang networking manager. Nasa States ang daddy niya, dun nagtatrabaho. Ang mommy naman niya nandito lang sa Pilipinas, siya yung nagpapatakbo ng pinakamaunlad na clothing business dito."
"At boyfriend naman ni Maddie si Max." Nagsimula na naman si Angelo. "Max Joseph Alcantara. Siya ang team captain ng basketball team ng school na 'to, at dun sila nagkakilala ni Maddie, sa isang basketball game. Nagch-cheer kasi sina Maddie nun para sa team nila nang biglang nahulog si Maddie dun sa pyramid na ginagawa nila. Tapos yun, si Max yung nakapagligtas sa kanya. Sa kanilang apat sa Campus Royalties, kung ikukumpura mo sila pagdating sa ugali, si Max ang pinakamabait. Kung tutuusin nga mas mabait pa siya kaysa sa mga hindi member ng Campus Royalties. Gets niyo 'ko?" Tumango kami ni Kathy. Tapos nagpatuloy si Angelo. "Siya yug tipong, kung makakakita siya ng asong namomroblema e tutulungan at tutulungan niya. As in, ang bait talaga."
"Mukhang nababading ka na ha." Biro ni Kathy. Tumawa lang ako.
Sinamaan lang ni Angelo ng tingin tapos nagpatuloy na siya. "Di ko nga alam kung bakit yun sumali sa Campus Royalties e. Siguro kasi ayaw niyang mapagdiskitahan ng mga kagrupo niya. Pero kahit na kasali na nga siya, hindi nagbago ang ugali niya. Mabait parin."
"E ano namang trabaho ng parents niya?" Seryoso kong tanong.
"Ang daddy niya, seaman. Tapos ang mommy niya, may-ari ng isang airport. Ewan ko bakit ganun e. Basta ang alam ko, mayaman rin sila." Pagtatapos ni Angelo.
"Grabe, noh? Ang yayaman talaga nila. Wala ba silang special treatment na nakukuha?" Tanong ko na naman.
"Yun nga, meron. Kaya maraming students dito ang naiinggit sa kanila. Pag recess or lunch, may sarili silang stall sa cafeteria na made of glass. Kumabaga, parang nasa isang room sila pero makikita parin sila lahat ng nasa labas. Tapos pag uwian or pagkadating nila, may sariling parking space ang mga sasakyan nila. Tapos may mga lounge yung mga bodyguard at drivers nila habang naghihintay na matapos ang isang school day."
"Grabe naman, ang bongga!" Comment ni Kathy.
Nagbuntong hininga si Angelo. "Oo nga e. Pero pakiramdam ko di parin sila masaya sa sitwasyon nila ngayon. Di ko alam bakit, basta pakiramdam ko lang hindi sila masaya. Ewan ko ba."
Nag-ring na ang bell. "O, recess na pala." Sabi ni Angelo. "Tara, sabayan ko na kayo papuntang cafeteria. Baka mawala pa kayo, hehehe."
Nginitian namin ni Kathy si Angelo tapos lumabas na kami ng classroom. Habang lumalakad kami sa mga halls ng school napapansin kong maraming nakatingin sa'min, tapos yung iba nagbubulungan pa tapos yung iba pa, tumatawa.
May mga narinig nga akong nagsabi na: "Diba yan yung mga scholars? Ang cheap!" "Bawal ang mga hampaslupa dito! Why did the school advisors even let them in here?!"
Narinig rin siguro sila ni Angelo, kasi bumulong siya sa'min ni Kathy ng "Wag niyo na silang intindihin, sa simula lang yan."
Finally nakarating na rin kami sa cafeteria. Grabe ang mga pagkain, parang may party. Tapos ang dami dami pa. Kumuha na kami ng pagkain tapos naupo. Habang kumakain, tinitingnan ko yung parang maliit na room kung saan nandun ang Campus Royalties. Masaya silang kumakain. Nakita kong tumingin sa'kin si Max, tapos kumaway siya. Tama si Angelo, mabait nga siya.
Kakaway na sana ako nang nakita ako ni Maddie tapos inirapan niya 'ko, tapos hinalikan niya sa pisngi si Max. Nawala lang yung ngiti sa mukha niya tapos nagpatuloy lang silang kumain.
Hay. Paano kaya kung member rin ako ng Campus Royalties? Kami ni Kathy? Ano kayang pakiramdam?
-----
Yay for the second chapter! :) Actually trip ko talagang mag-update ngayon. Hahaha! Sana nagustuhan nyo! At sana makapagpost na ako ng chapter three bukas! :{D

BINABASA MO ANG
Campus Royalties ♕ \ JulQuen & KathNiel /
Fanfiction[ O N - H O L D ] Akala ni Patricia "Pat" Montenegro, magiging masaya at tahimik ang buhay niya pagpasok niya sa "school for the elites" na Spectrum Academy kasama ang kanyang best friend na si Kathy Maghirang. Pero nagkamali sila, nang nakilala nil...