I've decided na ipasok ang Parking Five dito sa kwento ko! :) As usual, tropa sila ni DJ este ni Angelo pala. XD Pero yung mga pangalan nila, ganun parin. Mahirap kaya mag-isip ng apat na iba ibang pangalan saka surnames, try mo! XD Hahaha. Dejk. Sana magustuhan niyo! :)
Campus Royalties ♕ Chapter 04
-----
Pat's POV
Sa wakas naman at uwian na! Grabe, hassle ang first day ko. Si Angelo pa lang ang kaibigan namin ni Kathy. Tapos si Max...matuturing ko bang kaibigan yun? Sakit yun sa ulo eh. (___ ___*) Pero nakausap ko rin siya, so pwede na rin yun.
"Pat, tara na? Uwi na tayo. Nagsisiuwian na sila, o." Sabi ni Kathy sa'kin sabay hawak sa braso ko.
Palabas na kami nang biglang humarang si Angelo sa pintuan. "Hep, hep!" Tapos tumigin siya sa relo niya. "3:30 pa lang naman ah? Pakikilala ko muna kayo sa mga kabanda ko."
"May banda ka?!" Gulantang na tanong namin ni Kathy kay Angelo. Hindi kasi halata eh. Si Angelo kasi patpatin, kaya hindi mo mapapaniwalaan agad na may banda siya.
Sinamaan niya kami ng tingin. "Ayaw niyong maniwala, ha? Edi wag. Mababait pa naman yung mga yun, ayaw niyo ba ng bagong friends?" Tanong niya tapos nag cross arms na parang bata.
Tumawa kami ni Kathy. "Sige na nga!" Sabi ko. "Sasama na kami sa'yo."
Naglakad kaming tatlo sa hallway nang biglang nagsalita si Angelo. "Dito sa school, pag walang pasok, dun kami lagi sa music room tumatambay. Minsan nagpa-practice, misan tumatambay lang talaga. Pwede kami dun anytime eh kasi kami ang official band ng school."
Tumango lang kami ni Kathy. Papalapit na kami sa music room nang may narinig kaming nagi-gitara nung kantang "Ako'y Sayo, Ika'y Akin". (Click the external link. Pramis, matatawa kayo! Hahaha. :DD)
"Ikaw na ang may sabi
Sabihin mo ang sinabi ko"
Napatigil kaming tatlo sa paglalakad. Kami ni Kathy, parang nagulat. Parang mali yung lyrics eh? (___ ___*) Tapos si Angelo parang nagpipigil ng tawa. Pinagpatuloy naman nila yung kanta.
"Sabihin mo lahat
Ang sinabi ko'y sabihin mo
Ngunit bakit
Sinabi mo sa iba?
Kahit pa
Nasabi mo rin sa iba"
Tiningnan namin ni Kathy si Angelo. Nagpipigil parin siya ng tawa. Kung bakit, di rin namin alam. Tiningnan niya kami pero wala, patuloy lang siyang nagpipigil ng tawa.
"Hahahaha. Loko talaga 'to. Tara na nga, pasok na tayo." Sabi rin ni Angelo sa wakas tapos pumasok na kami sa loob ng music room.
Nakita namin ni Kathy ang apat na lalakeng nakaupo. Yung tatlo, sa plastic chair, tapos yung isa, sa beatbox nakaupo. Tawa sila nang tawa dun sa isa nilang kasama na may hawak na mic. Siya pala yung kumakanta kanina ng mga lyrics na mali-mali.
"Ehem." Umubo kunwari si Angelo tapos napatingin silang apat sa kanya.
"O, tol! Grabe ha, first day na first day nang-chicks ka kagad! Isa isa lang, tol!" Sabi nung isang singkit na may malaking glasses.
Tumayo naman yung nakaupo sa beatbox tapos inakbayan si Angelo. Kulot ang buhok niya at magulo. "Pareng Angelo, ang love, dapat hindi minamadali. Okay?"
Tapos tumayo yung dalawang nakaupo. "Kuya, Dela Rosa ka nga. Grabe ka mang-chicks!" Sabi nung isa na parang kamukha ni Angelo, pero mas bata.
Sumunod naman yung isang medyo maliit kung ikukumpara kay Angelo. Siya yata yung kumakata kanina eh. "Angelo, pwede akin na lang yung isa?" Pabiro niyang tanong.
*PAK* binatukan ni Angelo yung lalakeng kumanta kanina. "Adik ka rin, Les."
"Ehem." Sabay naming sabi ni Kathy. Mukhang nakalimutan na kasi ni Angelo e na nandito kami. Hay nako (___ ___*)
Ngumiti si Angelo sa'min. "Sorry, hehe. Ah, Pat, Kathy. MGa kabanda ko nga pala. Ito si Katsumi. Katsumi Kabe."
Umabanta yung lalakeng maputi na may shades na malaki. "O, ano? Nagagwapuhan kayo sakin noh? Hahaha. Joke lang ^__^v Um, 1/4 Korean 1/4 Chinese ako, tapos 1/2 Pinoy. 1/2 lalake, 1/2 babae. Ay joke lang. Hahaha."
Tumawa kami ni Kathy tapos bumalik si Katsumi sa pwesto niya. "At ito naman si Seth."
Umabante yung lalakeng kulot at magulo ang buhok. "I'm Seth. Hugh Seth Gothico. Pasenysa na kayo sa buhok ko ah, hehehe."
"Di kasi naliligo yan. Kung maliligo man, once a week lang." Sabi ni Angelo. Kaya naman *PAK* binatukan siya ni Seth. "Syempre joke lang yun, pareng Seth. At ito naman ang kapatid kong si JC."
Umabante naman yung kamukha ni Angelo. "Hello! JC ang pangalan ko. Vocalist ako ng banda na 'to. Hehehe." Nahihiya niyang sabi.
"Ganyan talaga yang si JC, mahiyain. :)" Tumango kami ni Kathy tapos nagpatuloy si Angelo. "And last but not the least, ang pinaka-mukhang lasinggero ng bandang to, si Lester."
"Hello mga bata! Ako si Lester." Sabi niya nang pabiro. Tumawa kami ni Kathy. "Tama si Angelo, ako yung pinaka-mukhang lasinggero ng banda, pero ako naman yung pinakamagaling magmahal."
"Weh? Tigilan mo nga kami Les." Sabi ni Katsumi.
*PAK* Binatukan silang dalawa ni Seth. Bat ba ang hilig magbatukan ng mga tao dito?! "Tama na nga yan. Mamaya mag-away pa kayo."
"Opo, Master Seth." Sabi nina Lester at Katsumi.
Tumingin si Angelo sa'min. "O, ito naman si Pat at Kathy. Sila yung mga nakatanggap ng scholarship."
"Wow! Ibig sabihin ang tatalino niyo?" Tanong ni Kats.
Nagblush kami ni Kathy.
"Sige nga? What is the square root of 2, 346, 645? Walang calculator ha!" Pagpapatuloy ni Katsumi. Tumawa lang kami ni Kathy.
"Kayo talaga." Sabi ni JC. "Umupo na nga lang tayo."
Tapos yun, umupo kami sa gitna ng music room. Nag-usap usap lang kami tapos napag-alaman ko kung sino sila sa banda nila. Kung sino yung drummer, vocalist, etc. Sobrang saya nilang kasama, grabe. Tawa lang kami nang tawa ni Kathy.
"Sige, Kats, Seth, Lester, JC, uwi na kami ni Pat ha." Sabi ni Kathy sa kanila habang kinukuha namin ang mga bag namin.
"Nice meeting you." Sabi ko.
Ngumiti sila sa'min. "Sige, babye! :) Praktis muna kami. Hehehe." Sabi ni Angelo tapos umalis na kami ni Kathy.
Buti na lang pinakilala sa'min ni Angelo ang mga kabanda niya sa Parking 5. Kung hindi, wala sigurong nagpasaya sa'min ni Kathy ngayong araw. Napakasama kasi ng ugali ng mga tao dito...lalo na yung Max Alcantara na yun! (___ ___*)
-----
Hahaha! One chapter for P5. :D E kasi mahal na mahal ko sila e. Hahaha! :DD Saka kanina ko lang napakinggan yung version ni Sed at Lester ng "Ako'y Sayo, Ika'y Akin". Dami tawa ko eh, mga sampu. Hahaha okay =)))) Osige. Salamat sa pagbabasa! :)
Tapos follow niyo ko sa Twitter! @itskarengirado ;)
BINABASA MO ANG
Campus Royalties ♕ \ JulQuen & KathNiel /
Fanfic[ O N - H O L D ] Akala ni Patricia "Pat" Montenegro, magiging masaya at tahimik ang buhay niya pagpasok niya sa "school for the elites" na Spectrum Academy kasama ang kanyang best friend na si Kathy Maghirang. Pero nagkamali sila, nang nakilala nil...