Kabanata 12Inlove
Naghintay muna kami saglit kay Kier dahil hindi pa din siya dumadating, gusto pa sana namin ang mamasyal pero wala pa rin siya. Nasaan na kaya 'yon?
"Kieran!" kumaway si Isme ng makita si Kier na papalapit na sa amin.
Ngumiti ako sa kasama niyang magandang bata, she's like a baby doll. Namumula ang mata niya at halatang katatapos lang sa pag-iyak. She rolled her eyes at me.
"Aguy, hattitude si bebe girl." umiling si Berna.
"What?!?" bulyaw sa kanya ng bata.
"Ang cute cute mo naman, barbie!" akmang pipisilin sana ni Isme ang pisngi niya ng itinaas niya ang kanyang daliri sa ere, she dosen't want to touch her.
"Hi!" kumaway ako.
She raised her brows at me, nahihiya naman akong napayuko sa inasta niya. Niyakap naman siya ni Kier sa baywang na ikinangiti ko, ang cute nila. Close siguro sila ng kapatid niya.
"Kapatid mo?" ngiti ko.
"Oo," masiglang sagot ni Kier.
"Fuck off, Hidalgo." she warned him.
Sumimangot ako sa inasta ng kapatid niya, halatang spoiled brat nga ang kapatid niya sa kanya. Hindi yata siya nasasanay na may aaligid na babae sa Kuya niya kaya siya nagagalit ngayon. I understand.
"Savi, your attitude." he said softly.
Humikbi si Savi sabay kawala kay Kier, tumakbo ito palayo. Suminghap naman siya at hinayaan na lang ang kapatid na umalis, nag-aalala ako sa kapatid niya. Nagkagalit yata sila kasi nagseselos siya.
"Nagseselos ata ang kapatid mo, Kier." imik ni Ismeralda.
"She's always like that." napailing siya.
"Ang ganda ng kapatid mo." nausal ko na lang.
Inakbayan niya ako at inaya pa kami sa hacienda nila. Masaya at nagkwekwentuhan kami sa paglalakad ng inakbayan din ni Berna si Kier, sumimangot ako kasi chansing siya. Amp!
"Papa Kier, peram ng cellphone!" nagpacute pa siya eh mas cute naman ako.
"Sure!" sagot naman ni Kier bago kinuha ang kanyang magarang cellphone sa bulsa niya.
Sana all.
"Kier, pwede magselfie kami dito?" nagpaalam pa si Isme matapos nilang magselfie ni Berna. "Pahiram ah."
"Sige lang!" ngumiti naman si Kier bago kami maglakad papunta sa rancho na hindi naman kalayuan.
Nagpatiuna ako sa paglalakad papalapit sa kamalig ng makakita ng bagong anak na kambing. Omg! Ang cutiee naman! Gustong-gusto ko siyang pisilin, kyaaw!
"Hi, bebe! Ang cute mo naman!" agad akong lumapit doon at kinarga ito.
I tap her head, babae kasi siya at ang cute ng mata at mukha niya. Halatang kakapanganak pa lang niya dahil medyo namula-pula pa ang balat niya. Ngumuso ako pero kalaunan ay napangiti na din.
"Hoy! Picturan kita ha!" tinapat sa akin ni Berna ang camera kaya agad akong umayos ng tayo at ngumiti. "Finger heart!"
"Ang cute mo 'no?" nausal ni Kier na nasa tabi ko na pala.
"Hindi 'no, maganda ako!" biro ko pa pero nanatili ang tingin niya sa labi ko, nag-iwas agad ako ng tingin. Langya!
Nakita ko ang naiilang na tingin niya bago napangiti. "Feeling ko, inlove na inlove na ako sa'yo. I-I can't get you out of my system, Kara."
![](https://img.wattpad.com/cover/257998785-288-k680879.jpg)
BINABASA MO ANG
Under His Chains (Sta. Lucia Series #1)
RomanceSta. Lucia Series #1 Kara, was a simple girl who have dream living in a simple life with the person who will love her infinity and beyond. Until her world turns upside down when she meet the man who can change her, who made her lied because of love...