418 16 1
                                    

“SI KUYA NA ANG BAHALA, BUNSO.”

Ayan ang palaging saad sa akin ni Kuya noon pa man. Mga katagang aking pinanghawakan. Mga katagang aking pinaniwalaan.

Kung sana nagsumbong ako. Kung sana may lakas ako ng loob noon. Kung sana hindi ako nagpadala sa takot. Kung sana hindi ako nagpadala sa mga pananakot ni Kuya, baka ay hindi na humantong sa ganito.

Pero, puro sana na lang lahat. Puro sana na lang, dahil sa ngayon ay nagkabunga na nga ang kapusukan ni Kuya. Nagkabunga na ang panghahalay niya sa'kin noon.

"Ipalaglag mo ang batang 'yan, Zia. Sinasabi ko sa'yo, matatamaan ka talaga sa'kin kapag 'di mo ginawa," saad ni Kuya sabay hithit sa hawak niyang sigarilyo.

Kasalukuyan kaming nasa may sala. Kauuwi lang ng babaeng dinala niya rito. Noong isang araw ibang babae ang inuwi niya rito tapos kahapon iba na naman.

"A-Ayoko," matigas kong saad.

Marahas siyang napatayo mula sa pagkakaupo saka nilapitan ako, "Nahihibang ka na ba talaga, Zia?! Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay sa'yo? Nila Mama at Papa?"

Tila kumulo ang dugo ko sa isinaad ni Kuya.

"Bakit Kuya? Sino ba ang naglugmok sa'kin sa sitwasyon na ito? Sino ba ha? Sino ba ang gumahasa sa'kin? Hindi ba ika—"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng isang malakas na sampal ang dumapo sa pisnge ko. Marahas na napabaling pakaliwa ang mukha ko. Nalasahan ko pa ang tila kalawang sa may labi ko tanda na dumudugo ito.

"Manahimik ka! Ang landi-landi mo kasi, alam mo 'yon? Malandi ka!" humahangos na saad nito.

Napatitig ako sa mukha niyang galit na galit. Pansin kong mapula na naman ang mga mata nito. Panigurado dahil iyon sa walang sawang pagdo-droga niya.

"Hindi ako malandi! Hindi ako malandi, Kuya! Ikaw! Ikaw ang may gawa nito sa'kin at sa pagkakataon na ito hindi na ako mananatiling tahimik! Ipapaalam ko na ito kina Mama at Papa! Ipapaalam ko kung paano mo ako binaboy. Nandidiri ako na ikaw pa ang naging Kuya ko."

Pagkatapos no'n ay agad na akong umakyat papunta sa kwarto ko. Umiyak lang ako nang umiyak buong maghapon. Ang haba ng panahon ang nasayang ko. Takot kasi ako. Takot na takot ako sa maaring kahahantungan kapag nagsumbong ako.

Naalala ko pa kung gaano ako sakalin ni Kuya sa tuwing pinagbabantaan ako, na papatayin niya ako at ang mga magulang namin kapag nagsumbong ako. Hindi naman na lingid sa akin na naga-adik siya. Base na rin sa mga pakete ng shabu na nakakalat sa kwarto niya.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagkukulong sa kwarto pero pansin ko na lang na dumidilim na sa labas. Mas pinili ko na lang na matulog kesa ang kumain, wala naman kasi akong gana.

-

Ewan ko kung nananaginip ba ako o ano, pero ramdam kong may kakaiba sa kwarto ko. Idagdag na rin ang tila kamay na humahaplos sa may hita ko pataas nang pataas, pero bago pa niya mahawakan ang maselang parte ng katawan ko ay agad ko nang idinilat ang mata ko at agad na napaatras sa kan'ya.

"K-KUYA?!"

Nahihintakutan at buong pagtatakang tawag ko sa kan'ya.

"Shh, madali lang 'to, Bunso. Hindi kasi sumipot si Claire sa usapan namin kanina. Init na init na ako, kailangan ko nang ilabas 'to. Kaya sige na," saad nito at saka tila hahawakan pa sana ang binti ko na agad ko namang inilayo sa kan'ya.

"Kuya, lumabas ka na kung ayaw mong sumigaw ako rito ng tulong. Labas na!"

Pero hindi siya nagpatinag at nanatili pa rin sa pwesto nito. Pansin kong mas lumalaki ang itim sa ilalim ng mata niya tanda na wala itong tamang tulog. Iba talaga ang nagagawa ng maliit na paketeng iyon sa katawan ng tao.

SI KUYA NA ANG BAHALA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon