HINDI PA rin mapakali si Matthew habang nakatayo sa labas emergency room. Margaux's been there for twenty minutes now and yet the doctor not done yet in checking her up.
"Nasaan ang anak ko?" Napatingin siya sa taong nagsalita at nakita ang ina't ama ng dalaga. Tinawagan niya ang nga ito habang magmamaneho siya papunta sa ospital. Mabuti na lang at nasa manila ang mga ito dahil inayos ng mga ito ang papeles para sa titulo ng bahay ng mga ito. 'Thank God.' "Ayos lang ba si Marga?"
"Kumusta siya?" Tanong naman ng ama nito.
"Hindi pa ho tapos i-check up ng doctor si Marga." Sagot niya at napatingin sa kurtinang nakasara kung saan naroroon ang dalaga. "I'm scared.
"Huwag kang mag-alala, iho. Magiging maayos rin si Marga." Wika ng ama nito na tinapik-tapik pa ang balikat niya para kumalma siya. "Malakas yan di Marga."
Napatangin sila sa isang nagmamadaling nurse papasok sa emergency room. Nang pumasok ito sa nakasarang kurtina kung nasaan si Marga ay bigla siyang kinabahan.
Minutes later lumabas na ang doctor at ang kasama nitong nurse. Nakangiting naglakad sa kanya ang babaeng doctor at nang makalapit ito sa kanila ay isa-isa sila nitong tinignan.
"Kayo ho ba ang pamilya ni miss Margaux?" Tanong nito sa kanila. "I'm Dra. Eugene."
Tumango siya. "Yeah, I'm Matthew, her fiance and this is her parents."
"Dra. Eugene, may sakit ho ba ang anak ko?" Kinakabahang tanong ng ina ng dalaga. "Ano hong sakit niya?"
"Huwag po kayong mag-alala, ayos lang ho ang anak niyo." Parang nakahinga ng maluwag ang magulang ng dalaga dahil sa narinig at ganoon na rin siya. Tumingin sa kanya ang doctor at ngumiti. "Congratulations, your fiancee is three weeks pregnant."
Parang biglang huminto ang paligid niya at tanginang ang salitang binanggit lang ng doktor ang narinig niya. If he heard her right, Marga is pregnant. And he's going to be ang father!
"I'm going to be a father?" Wala sa sariling wika niya.
"Yes, you are." Nakangiting wika nito at tinapik-tapik ang balikat niya. "If you there's something you wanna ask me, just ask for me in nurse station."
"Salamat ho." Rinig niyang ani ng ama ng dalaga. Nanatili siyang nakatulala sa kawalan.
Sabay-sabay nilang nilapitan ang higaan ng dalaga at nakita nila itong walang malay pa rin. Napangiti siya nang dumako ang paningin niya sa tiyan nito.
'I can't believe it. I'm gonna be a father.'
"Sa tingin mo kailangan na naming sabihin sa kanya ang totoo?" Biglang tanong ng ina nito kaya naman agad siyang napatingin rito upang malaman kung siya ba ang kausap. Yeah, siya ang kausap dahil sa kanya nakatingin. "Hindi ko kayang may itinatago sa anak ko lalo na ngayong magiging ina na pala siya."
"Siguro nga ho kailangan na niyang malaman." Sagot niya sa mga ito. They are right, ngayong magiging ina na si Marga, dapat na nitong malaman ang katotohanan. "Yeah, she need to know."
"Ano ang dapat kong malaman?"
NAGISING SI Margaux dahil sa naririnig niyang ingay pero nanatili siyang nakapikit hanggang sa narinig niya ang boses ng lalaking papakasalan niya.
"Siguro nga ho kailangan na niyang malaman." Anito sa mababang tono pero sapat na para marinig niya. 'Malaman ang ano?' "Yeah, she need to know."
Sa pagkakataong iyon ay dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata at nakita ang ina nanakayuko habang ang ama niya tinatapik ang balikat ng kanyang ina. Matthew naman ay seryosong nakatingin sa mga ito.

YOU ARE READING
Past and Future
RandomBOOK THREE OF SWEET BACHELOR SERIES |Rated SPG Matt is a gorgeous man. All woman was easily captivated by his handsomeness. But that doesn't bother him. He was living a miserable life for one year and he is used to it, not until his new house maid...