Chapter 5

8.5K 209 7
                                        

"HAY BUHAY." Wika ni Margaux nang matapos siyang maglinis ng bahay. Tinignan niya ang relong pambisig upang alamin ang oras. "Hala! Maggagabi na pala."

Tumayo si Margaux sa pagkakaupo at nagtungo sa kusina. Kailangan niyang magluto dahil baka magalit ang antipatikong tuko niyang amo.

Hindi niya ito pinansin kanina no'ng paalis ito. Alam niyang huminto ito kanina sa harap niya pero hindi niya ito pinansin. Naiinis siya rito dahil sa inasal nito kanina. Hindi naman siya nakikipagtsismisan kanina ah.

"Hindi niya ba alam ang pagkakaiba ng tsismisan sa kwentuhan?" Inis na tanong niya sa hangin habang inaayos ang mga gagamitin niya para pagluluto. "Antipatiko na nga, mukha nang tuko tapos tanga pa. Triple kill si tuko, tsk."

Magluluto siya ng adobo dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nakakakain no'n.

Nasa kalagitnaan siya ng pagluluto nang biglang tumunog ang cell phone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag. Si nanay.

Hindi touch screen ang cell phone niya pero hindi iyon problema sa kanya. Hindi naman kasi siya yayaman kung bibili siya ng touch screen. Sayang lang ang pera niya.

"Hello po, nay." Sagot niya sa tawag ng ina. Hindi niya ito nakausap buong umaga, miss na niya ito. "Miss ko na kayo, nay."

'"Kami rin anak. Lalo na ang mga kapatid mo." Wika nito. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Kumusta ka, nak?"

"Ayos lang naman po." Sagot niya habang kunot ang nuo. "Nay, ayos lang po ba kayo?"

"Ah, oo naman, anak." Sagot nito pero hindi siya kumbinsido na ayos lang nga ito. "Kailan ang day off mo, anak?"

"Hindi ko po inalam, nay e." Aniya. Habang kinakausap niya ang ina ay nagluluto siya. "Ayaw ko po muna kasing humingi ng day off ngayon, nay."

"Bakit naman, anak?" Tanong nito at kung kaharap niya lang ito alam niyang kunot na kunot ang nuo nito. "Kailangan mo rin ng pahinga."

"Oras-oras naman po akong may pahinga, nay. Kaunti lang naman po kasi ang lilinisin ko dito sa bahay kaya nakakapagpahinga pa ako." Aniya.

"Kahit na anak, paano kapag gusto ka naming makita?" Tanong ulit ng ina na mababakas sa tono ang pagkalungkot. "Miss na miss ka na namin."

"Ako din naman po, nay e." Wika niya at bumuntong-hininga. "Pero wala pa po akong dalawang linggo na nagtatrabaho dito kaya dapat po magpakitang gilas muna ako."

"Ikaw bahala. Tutal malaki ka na." Ani ng ina niya na animo'y natalo. "Basta mag-iingat ka r'yan. Napakaraming loko sa manila. Baka hindi natin alam na isa na pala doon ang amo mo."

"Nay naman, mabait po sir. Sobra." Sobrang baho ng ugali. Aniya sa isip niya. Ayaw niyang sabihin sa ina niya na mabilis mag-init ang ulo ng amo niya pagdating sa kanya. "Don't worry, nay. Ayos na ayos lang ako dito."

"Hala sige. Mag-iingat ka pa rin." Wika nito at napangiti naman siya. Kahit kailan mabilis itong mag-alala. "Goodluck."

"Maraming salamat, nay." Aniya nang may malapad na ngiti. Pinatay na niya ang tawag at itinabi sa bulsa ang cell phone. "Ay, nakalimutan kong sabihin na next na ako maghahanap ng trabaho."

Napabuntong-hininga siya at pinagpatuloy na lang ang pag-luluto. Saka na lang niya sasabihin rito ang tungkol do'n.

"YEAH? LIKE I care." Aniya sa kausap sa kabilang linya. Kausap niya si Xylyx at kanina pa siya nito kinukulit na uminom. "Ikaw na lang mag-isa. I'm busy."

"Busy mo mukha ko, Matt." Wika nito sa kabilang linya. Kahit kailan ang kulit-kulit nito. "Kailan ka pa naging busy sa trabaho? E tamad ka di ba?"

"Shut up, fucker." Inis na aniya. "Bye."

Past and FutureWhere stories live. Discover now