I

9 2 0
                                    

"Van, please just let me go. I can't stay with you anymore, stop being possessive with me!"

"Possessive? What the fuck are you talking about, Tine? I am your boyfriend and I have the right to pull you out there!" Sigaw niya habang hinahatak ako. "I want you to stay here and don't you ever get out of this room!" At padabog akong tinulak sa kama.

"What do you want, Van!?" Patuloy lang ang pag agos ng luha ko habang nagmamakaawa sa kanya. "Ano pa ba gusto mong gawin ko? Nakakapagod na. Pagod na pagod na ako. Ang toxic na ng relasyon natin, palayain mo na ako." Nagmamakaawang kong tugon habang nakayuko.

Nanatili siyang nakatayo at nakatalikod sa akin habang hawak ang doorknob ng pinto. Tanging malalim na paghinga niya at hikbi ko ang maririnig sa apat na sulok ng silid. Sinubukan kong tumayo ngunit biglang bumigay ang mga tuhod ko, napasalampak ako sa sahig at narinig ko ang mahinang pagmura niya.

"Just stay here, hm?" Bulong niya habang inaalalayan ako. "Wag na matigas ulo, Tine. Ayokong nakikipag away sayo kaya please."

Bigla kong inangat ang ulo ko para tignan siya nang nagkauntugan kami.

"Tangina naman Issa! TIME OUT NGA MUNA!"

Di ko na napigilang tumawa at napahawak sa tiyan ko na parang di ako nasaktan sa pagkakauntog.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA sorry di ko alam!" Hinampas ko agad siya habang tumatawa. "Ikaw kasi tanga e! Alam mo naman na titingin dapat ako, nakayuko ka parin." Pigil tawa kong sabi.

"Okay na sana e, uulit na naman tayo." Sagot niya habang hinihimas ang noo. "Hoy Jude, break muna! Kainis to si Issa e." Nakasimangot niyang sabi at biglang umalis.

Nilapitan naman ako nila Jude at Gihan na tinitingnan yung camera. "Ayos na ba yan o uulitin ulit natin?" Pagtatanong ko. "Di ko talaga sinadya yun kanina, Gigi." Umiling lang siya at tumabi sa akin. "Okay na to, edit nalang natin bukas. Gaga ka kasi e, bat ba bigla mong inangat ulo mo?"

Natawa naman ako at nag peace sign. "Di ko naman alam na nakayuko pa pala siya e! Sorry naaaaa." Umiling nalang siya at may tinuro sa pintuan. Pagtingin ko, nakasimangot na Mavren ang papasok. "Maaaaav! Sorry naaa, bati na tayo ha?" Sabay kapit sa braso niya at nagpaawa.

"Tapusin na natin tong film para mapasa na natin." Umirap lang siya at naglakad patungo sa sofa. "Bat ba kasi yan pa binigay sa atin e, parang tanga lang."

"Hayaan mo na, may grades din yan no." Nagvivideo kasi kami ngayon para sa isang subject namin tapos ito binigay sa amin kaya no choice din. About toxic relationship ganon, di ko din alam trip ni sir e. "Mavren." Tawag ko sa kanya na may kasamang pagtapik pa. "Hmm?" Sagot niya habang nakapikit.

"Pagod ka na? Tulog ka muna." Tumango lang siya at sumandal sa balikat ko. Napangiti naman ako at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Matagal na kaming magkasama ni Mavren pero palagi paring pikon sa akin kaya ang sarap asarin lagi e.

"Hoy Louissa! Ngiti ngiti ka dyan, para kang timang." Sabay bato sa akin ng papel. "Manahimik ka Jude at baka matamaan ka sa akin!" Pasigaw kong bulong habang pinapandilatan siya ng mata.

"Kayo na ba? Ang sweet niyo palagi e, nakakainggit." Bigla ko siyang hinagisan ng water bottle na nasa side table at nasalo naman niya agad, sayang. "Bat ka ba nambabato? Nagtatanong lang e." Tumawa pa siya ng mahina na may mapang asar na mukha.

Shadow of MemoriesWhere stories live. Discover now