Weeks goes by, nothing change. Mavren is still the same while Jude is getting crazier. Paiba iba trip sa buhay at nadadamay na si Mavren sa kalokohan niya. Nung isang araw nga, dismissal na pumasok at ibinagsak yung test. Sabi niya, okay lang daw yon kasi minsan lang naman daw. Nagkatinginan nalang kami ni Gihan at napailing sa kabaliwan ng kaibigan namin e.
"Nakakamiss si pareng Mavren." Pag iinarte ni Jude paglapit niya. Napatingin naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Di mo ba miss? Dalawang araw na siya absent sa klase aba."
"Pass" Sagot ko habang nakaharap sa kanya ang palad ko. "Tawagan mo kung gusto mo or mag video call kayo. Arte mo talaga, Judas." Pang aasar ko.
"May Nico ka na kasi kaya ka ganyan! Hala sige, humayo kayo't magpakarami!" Sabay alis at bumalik sa upuan niya.
Napakamot nalang sa ulo si Gihan at tinigil ang pagsulat. "May sapak talaga yon sa ulo noh? Di naman ganyan si Jude dati."
Nag kibit balikat lang ako, "Hayaan mo na at nag bibinata." Tumawa nalang siya at bumalik na sa pagsusulat.
"Ano yan, Gi? May assignment ba ngayon?" Pang uusisa ko sa ginagawa niya. Umiling lang siya at pinakita yung sinusulat niya.
"Gumagawa ako ng script para sa play, pagpipilian daw kasi sabi ng mga kasama ko sa club e." Tumango nalang ako at sumandal sa kanya. Member kasi ng Drama Club si Gihan, kalat din ang balita na may balak silang gumawa ng event para dumami ang recruit e. Pauso talaga nag utos niyan, charot.
"May maitutulong ba ako dyan?" Pagtatanong ko.
Bigla nalang sumulpot si Jude at inekis ang kamay. "Wala kang matutulong! Bawal outsider, bawal paasa!" Sagot niya at umalis agad.
"Pigilan mo'ko, Gi." Umiling lang si Gihan at sumenyas. "Patayin mo na, suportado kita." Sabay tapik sa balikat ko.
Napatingin naman ako sa labas ng room namin ng biglang may mga babaeng nagkumpulan at tila may pinag uusapan. Puro bulungan na animo'y mga bubuyog ang naririnig ko kaya tumayo ako at pumunta sa pintuan.
Bigla akong napatigil ng makita ko si Mavren na may kasamang babaeng nakahawak sa braso niya.
"Girlfriend niya? Ayan siguro pinalit kay Louissa." Rinig kong sabi ng babae sa kaibigan niya.
Tumingin naman agad ako sa kanila at akmang lalapit ng marinig ko ang pagtawag ni Mavren sa pangalan ko.
"Issa!" Pilit na ngiti ang iginawad ko pagkalapit nila. Napadapo naman agad ang tingin ko sa kasama niyang babae na nakahawak parin sa kanya. Napansin siguro ni Mavren ang paninitig ko dito kaya bahagya niyang tinanggal ang kamay nito sa braso niya at ipinakilala sa akin.
"Ah! Si Chloe pala, Issa." Tumango lang ako at ibinalik ang tingin sa kanya. "Family friend." Dagdag niya nang mapansin na di pa ako kuntento sa pagpapakilala niya.
Magsasalita na sana ako ng sumulpot si Jude sa tabi ko.
"Hello there, my friend! Who is this beautiful lady here? Siya ba dahilan ng dalawang araw na absent mo?" Pang iintriga niya.
"No—
"Just whisper it to me, I won't tell anyone." Pagputol ni Jude.
"Mavren spend his two days with her Mom, stupid." Pabalang kong sagot at iniwanan sila doon.
Padabog kong kinuha ang bag ko nang tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Tss, talagang nahawaan na siya ni Jude at di na tinuloy ang pagpasok.
"Gihan, sabay na tayo." Pang aaya ko pagkatapos niya magligpit ng gamit.
Tumango naman siya at umangkla agad sa braso ko. "Nakita mo si Mavren kanina? May kasama silang babae ni Jude."
"Si Chloe daw."
"Chloe? Chloe Santos?" Napakunot naman noo ko.
"Do you know her?" Pagtatanong ko.
"If Chloe Santos, yes. My playmate and neighbor sa old house namin before pero baka ibang Chloe." Pagkibit balikat niyang sagot.
Ipinagsawalang bahala ko nalang yung nangyari kanina at nagkwentuhan nalang kami ni Gihan ng kung ano-ano habang naglalakad pauwi. Same street lang kasi kami pero mauuna pa yung bahay nila kaysa sa amin.
Nang nakarating na kami sa harap ng bahay nila, nagpaalam na kami sa isa't isa at pumasok na siya sa loob ng bahay nila.
"I'm home!" Sigaw ko pagpasok ng bahay habang hinuhubad ang sapatos ko.
"Bat ngayon ka lang at anong oras na? Uwi pa ba to ng babae?" Napakunot noo naman ako at inangat agad ang tingin sa nagsalita.
Inihagis ko naman agad ang sapatos na hawak ko nang makilalang si Jude ang sumalubong sa akin.
"Anong ginagawa mo dito!?" Inis kong tanong.
"TITAAAAAAAAAAA!" Pasigaw na sumbong niya na parang bata at tumakbo papuntang kusina.
Sinundan ko naman siya doon at rinig na rinig ko ang pagsusumbong niya kay Mommy sa ginawa kong paghagis sa kanya.
"Tita, ayan ang mapanakit niyong anak! Pagkatapos niyang saktan si Mavren, ako na naman ngayon!" Pagsusumbong niya habang nakatago sa likod ni Mommy.
"When did I hurt Mavren?" Tanong ko at umupo agad sa high chair ng kitchen counter namin. "Mom, what is he doing here?"
"Pasyal lang daw." Sabay tulak kay Jude na parang tangang nakatago parin sa likod niya. "Umupo ka nga don Jude, ang kulit mo talagang bata ka." Sumunod naman agad siya at umupo sa pangatlong high chair.
"Ikaw lang mag isa? Sana sinama ko nalang si Gigi dito." Sabi ko habang sinusundan si Mommy ng tingin.
"I'm with Ma—
"Tita, may extra kang shirt?"
Agad akong napatitig sa dalawang taong biglang pumasok sa kitchen namin.
"Mavren and Chloe." Pagtuloy ni Jude sa sinasabi niya kanina.
Tumingin naman agad silang dalawa sa akin nang mapagtanto na nandoon ako sa gilid ni Jude.
"Alexis, go upstairs and let Chloe borrow your shirt." Pang uutos ni Mommy sa akin dahilan nang pagtitig ko sa kanya. "Alexis, go upstairs." Mariing ulit ni Mommy nang mapansin na wala akong balak sumunod.
"Tss" Sagot ko at umuna nang lumabas.
"Follow her, iha." Rinig kong sabi ni Mommy kay Chloe.
Binuksan ko kaagad ang closet ko pagkapasok ko. Ramdam ko ang pagpasok ni Chloe at ang pagsarado niya sa pintuang iniwan kong nakabukas.
"Sorry sa abala, Issa." I look at her at dumiretso paupo sa kama ko.
"Just choose whatever you want to wear, I don't mind." Sabi ko nang mapansin kong di parin siya gumagalaw.
"Ah yes, thank you." Lumapit siya sa closet ko at sinuri yung mga damit ko. "I'll borrow this one." Tiningnan ko yung hawak niya na white shirt na may heartbeat sa left side. "Is it okay?" Pagtatanong niya.
Tumango lang ako at tinuro ang pinto na nasa likuran niya. "Cr" Tipid kong sabi bago humiga sa kama.
"I'm done. Thanks, Issa."
Tumayo na ako at lalabas na sana nang bigla siyang nagsalita ulit.
"I like Mavren but it doesn't mean I'm taking him or anything away from you. Hindi ako ganon." Nanatili lang akong nakatalikod bago nagsalita.
"Just know your place." And with that, bumaba na ako.