"Sino yung naghatid sayo?"
"Ah, si Nico." Napakunot naman ang noo ni Gihan. "Nicolo Dela Fuentes." Tumango naman siya at tinitigan ako. "What?" Ngiti kong tanong.
"Ano status niyo?" Umiling naman agad ako as a sign na wala. "Di ako naniniwalang wala! Alam mo ba na sel—asdgdjsjskka" Biglang tinakpan ni Jude ang bibig niya.
"Gigi, halika nga dito at may pag uusapan pa tayo! Issa, pahiram muna sa kanya ha!" Sabay hatak kay Gigi na hinahampas ang kamay niyang nakatakip parin sa bibig niya, kunot noong tumango nalang ako.
Nilibot ko naman ang tingin ko sa room pagkalabas nila Jude. I saw Mavren sleeping in his chair while wearing his hoodie to cover his face. Dahan dahan naman akong lumapit at tumabi sa bakanteng upuan sa gilid niya.
"Mav, tulog ka?" Sabay tapik sa pisngi niya. Wala naman siyang reaksyon kaya pinagpatuloy ko ang pagtapik. "Mav, gising!" Pangungulit ko pa. Nagulat ako nang biglang hinatak niya ang kamay ko kaya napaupo ako sa armchair habang nakasuporta ang isang kamay niya sa bewang ko.
"What are you up to?" Sabay titig sa akin ng nakakunot pa ang noo. Ngumuso lang ako at umiling. "Ano nga?" Tumitig lang ako sa kanya at di gumagalaw. "Tss." Ginawa niyang unan ang lap ko habang nakatingin parin sa akin, ramdam ko din ang bahagyang pagyakap niya sa bewang ko.
"Wag ka pa fall, Issa." mahinang bulong niya at pumikit ulit.
"Gusto mo ba ako, Mav?" Wala akong narinig na sagot at nakapikit lang ang mokong. "Hoy Alvarez, sagutin mo nga ako!" Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at tiningnan ako. "Gusto kita, matagal na. Di pa ba halata, Hernandez?" Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas agad siya ng room habang bitbit ang bag niya.
Nakatulala naman ako at pilit iniintindi ang sinabi niya. Gusto niya ako? Tangina. Paano nangyari yon? Malalim parin akong nag iisip ng biglang may umupo sa bangko ni Mavren.
"Lakas ng amats natin, Louissa!" Asar ng isa sa mga kaklase ko. Nakalimutan kong may audience pala kami at pinapalibutan na nila ako habang pinapaulanan ng tanong.
"Akala ko ba kayo?"
"Ang angas non ah! Makatulog nga din dito!"
"Gusto mo rin ba siya o hanggang friends lang kayo?"
"Ang sweet niyo tapos friends lang?"
Narindi ako sa sobrang ingay at mga tanong na naririnig ko kaya napagdesisyonan ko nang lumabas ng room at dumiretso sa open field ng school. Habang naglalakad ako ay di ko parin mapigilang maisip yung nangyari kanina.
"Ano gagawin ko ngayon? Ang tanga naman kasi e." Sabi ko sarili ko habang sinisipa ang mga bato na nadadaanan ko. "Ang daming babae na pwede niyang gustuhin, bakit pa ako? Andyan naman si Gigi e." Pasalampak akong umupo sa ilalim ng puno habang nakasimangot na pinapanood ang mga estudyanteng naglalakad sa field. Tanaw mula sa pwesto ko ang field at mga buildings ng bawat year. Makikita mo ang tatlong building na may apat na palapag. Pinagitnaan naman nito ang Admin Building kung saan matatagpuan ang mga faculty ng teachers at office ng dean ng school.
Babalik na sana ako sa room nang makatanggap ako ng text galing sa president namin na free cut daw namin ngayon. "Ipapasuyo ko nalang kay Jude yung bag ko." Sambit ko sa sarili ko habang tinetext si Jude.
Bigla may dumapo na malamig na bagay sa pisngi ko kaya agad akong napatayo.
"Hi Lou!" Nakangiting mukha ni Nico ang bumungad sa akin na may hawak na coke in can.
"Gusto mo ba masapak ha!?" Inis kong sigaw. Tawa lang ang sinagot niya at sumenyas na umupo ulit.
"Mag isa ka ata? Wala kang kasama?"