Chapter 127: Jade Auction House

1.4K 146 2
                                    


Isang kakaibang talisman ang bigla na lamang nasunog mula sa kamay ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao. Kasabay nito ay mabilis na binalot nito ang mismong papel na may guhit ng batang lalaking si Li Xiaolong kung saan ay tila mabilis itong naging isang ball of light at lumipad ng nakapatataadls at napakabilis.

"Paano yan batang Li Xiaolong. Hanggang sa muli! See you when I see you!" Nakangiting sambit ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao at kasabay nito ang kakaibang malakas na pag-ihip ng hangin.

Mabilis na lamang naglaho ang matandang lalaking si Ginoong Guō Chao na walang bakas kung saan ito nagpunta.

Napangiti na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa pangyayaring ito. Hindi niya inaasahan na ang pangyayaring ito ay magdudulot ng kakaibang karanasan sa kaniya.

"Tatanawin kong malaking utang na loob ito sa'yo Ginoong Guō Chao. Hindi ko man lang natanong sa'yo kung ano ang papel mo sa loob ng Feathers Guild. Tsaka, Sana lang ay makarating ito kaagad sa Guild Leader ng Feathers Guild." Nakangiting sambit ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong habang makikita ang labis na kasiyahan sa kaniyang puso kahit alam niyang maliit lamang ang tsansang mapagtagumpayan niya ang mga bagay na ito. Hindi rin basta-bastang tao ang Guild Leader na iyon kahit pa sabihing palakaibigan ang nasabing misong Guild Leader ng Feathers Guild.

Malaki pa rin ang namumuong katanungan mula sa isipan ng batang lalaking si Li Xiaolong kung ano ang mangyayari sa nasabing bagay na iyon. Paano na lamang kung hindi ito mabasa ng Guild Leader kaagad, tadhana na bang mawasak ang buong angkan ng mga Li? Mabilis naman niya itong iwinaglit. Nagmumukha na kasi siyang praning at negatibo mag-isip.

Mabilis namang naglakad ang batang lalaking si Li Xiaolong at binaybay ang tila walang katao-taong eksenitang ito dahil mayroon pa siyang mahalagang pupuntahan.

...

Kasalukuyang nasa lugar na siya sa pinakasentrong lugar ng bayang ito kung saan ay napakaingay ng buong lugar na naririto at marsming mga grupong mga taong naririto ss lugar, mga tindero, mamimili, mga dayo o kung ano pang mga nilalang ang naririto sa iba't ibang lugaro sulok ng malawak na lugar na ito.

Tila ba rinig na rinig niya ang mga usapan ng mga nadaraanan niya maging ng mga hiyawan at tunog ng mga makinang ginagamit ng mga ito maging ang mga tunog ng iba't ibang mga hayop maging mga halimaw na benebenta sa lugar na ito o kaya ay sinasakyan ng mga taong naririto.

Ganitong araw ang pinili niya lalo na at napakaraming mga tao at siksikan ang mga ito rito. Makikitang hindi kasi maaaring balewalain ang mga factors na ito.

Mabuti na lamang at nakasuot na siya ng kaniyang balat-kayong anyo sa ngayon at humalo sa gitna ng mga nagkukumpulan o nagsisiksikang mga tao.

Sa kabutihang palad ay mabilis na narating ng batang lalaking si Li Xiaolong ang isang kakaibang estraktura ng bahay o tila mansyong lugar na ito. Nasa tapat pa lamang siya sa labas ng lugar na ito ay tila ba pansin jiya ang mataas na gate na nakabukas maging ang pader ay napakataas rin. Sa kabuuan ay Napakaganda ng disenyo ng malaking estraktura na ito kung saan ay naglalabas ng kakaibang pakiramdam ng karangyaan. Halos makikita mong disenyo sa napakagandang lugar na ito ay halos kulay luntian. Makikita mo rin ang isang malaking pahabang tabla na nakasabit sa harapan ng lugar na ito sa may ibabang parte ng Bubong ang pangalang "Jade Auction House." Tila ba ito ay talaga namang nakakamanghang pagmasdan lalo na kung paano nagbibigay ng kakaibang pakiramdam ang bawat stroke ng letrang nakasulat rito. Tila ba gawa ito ng pambihirang nilalang. Mayroong dalawang lalaking nakabantay sa mismong gate ng lugar ba ito na siyang pagdadausan ng nasabing Auctioning o pagsusubasta.

Kapansin-pansin din ang tila pinagtitinginan siya ng mga kasabayan niyang naririto sa labas o kaya ay nakapaligid sa kaniya sa labas ng nasabing Jade Auction House.

Paanong hindi siya mapapansin eh balot na balot kasi ang katawan nito ng kulay kayumanggi na roba na lumalaylay o sumasadsad mismo sa lupa. Idagdag pang tila kuba pa ito at hindi pa makita ang mismong mukha nito.

Narinig na lamang ng batang lalaking si Li Xiaolong ang pagsasalita ng mga nilalang na malapit sa kaniya at puno ng negatibong emosyon at disgust sa mukha ng mga nito. Hayagan pa ang mga itong pinag-usapan siya at pinagtitinginan.

"Hmmmp! Ano'ng ginagawa ng isang gusgusing pulubi rito?! Nakakainis ha. ano to,pasyalan ng pulubi?!!" Mapanuyang sambit ng isang magandang babae na mayroong pinagmamalaking seksing katawan. Makikitang tila hindi na ito makapagpigil sa labis na disgust na nararamdaman nito sa pulubi.

"Sinabi mo pa, hindi ba nito alam na isang Grand Auction ang mangyayari mamaya sa lugar na ito tapos may pulubing dumating?!" Sambit naman isang binatang lalaki na may dalang malaking palakol na nakapatong sa balikat nito habang tila makikitang nagpapa-impress ito sa mga kababaihang naririto.

"Bakit mayroong maralitang paharang-harang sa lugar na ito?! Kala ko ay pinagbabawal ang mga pulubing gumagala rito!" Sambit naman ng isang lalaking mayroong malaking espadang nakasukbit sa likod nito. Hindi nito kinakampihan ang mga naunang mga ekspertong naririto kundi ay sinabi na talaga nila na pinaalis na nila ang mgap ulubing pagala-gala sa lugar na ito. Nakaramdam siya ng disappointment para sa awtoridad sa loob ng Jade Auction House.

"Eww... Mukhang hindi pa naliligo ang matandang hukluban na to!" Sambit ng isang magandang babaeng sopistikada. Tila ba pulang-pula pa ang bibig nito dahil sa lip-paper na gamit nito. Makikitang tila nandidiri ito sa presensya ng matandang pulubing nasa harapan niya. Napakaluma at gusgusing tingnan ang suot nitong roba na nakalaylay. Masakit ito sa mata para sa magandang babaeng sopistikada.

"Sinabi mo pa, baka puno na ng garapata ang buhok nito at puno ng uod ang katawan nito yuck!" Sambit ng babaeng katabi lamang ng magandang babaeng sopistikada. Mukah ng pandidiri ang makikita sa mukha nito.

"Wag kayong lalapit sa pulubing yan baka kung ano pang mangyari sa'yo kapag madikitan ka nito!" Sambit pa ng isang babaeng may katabaan. Kasama rin ito sa circle of friends ng magandang babaeng sopistikada. Tila gusto nitong pumapel at makisabay sa dalawang magandang babaeng nasa tabi niya lamang.

IMMORTAL DESTROYER: LI CLAN [VOLUME 1&2] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon