"Kung ganon po inay ay lumapit po kayo sa akin inay at itay." Sambit ng batang si Li Xiaolong nang matapos ang emosyunal na tagpo. Dapat siyang magseseryoso ngayon dahil hindi maaaring baliwalain o pabayaan man lang ang maaaring mangyari sa hinaharap lalo pa't ayaw niyang magkaroon ng problema lalo na sa mismong pamilya niya.Tila nagulat naman ang mag-asawang si Li Qide at si Li Wenren sa tinuran ng kanilang anak. Masyado naman atang nagtataka sila sa sinabi ng kanilang anak. Dapat ganon kalapit talaga?
Makikita man ang pagtataka at alinlangan sa mga pares ng mga mata ng ina at ama ng batang si Li Xiaolong ay minabuti na lamang nilang sumunod sa sinabi ng kanilang sariling anak na lalaki na si Li Xiaolong.
Walang alinlangan silang lumapit sa harapan ng kanilang sariling anak na si Li Xiaolong. Tila ba inaabangan ang maaaring sasabihin nito.
Inay at Itay, ano na nga po pala ang Cultivation Level niyong dalawa? Maaari ko bang itanong iyon sa inyo?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang mga magulang na nasa kaniyang harapan. Masasabi niyang mataas o matangkad pa rin nang hindi hamak sa kaniya ang kaniyang mga magulang na siyang given na rin.
Ang ikinapagtataka niya lamang ay hindi niya alam kung ano ang Cultivation Level ng kaniyang mga magulang sa hindi niya malamang dahilan. Kahit ano'ng gawin niya ay wala siyang alam patungkol sa bagay na ito.
Natigil lamang ang kaniyang malalim na pag-iisip nang mabilis siyang lapitan ng kaniyang inang si Li Wenren at ang kaniyang amang si Li Qide.
Halos magkalapit na sila sa isat-isa kung saan ay mabilis na nagwikang muli ang ina ng batang si Li Xiaolong na si Li Wenren.
"Isa akong Middle Stage Bone Forging Stage habang ang iyong ama naman ay isang Late Stage Bone Forging Stage. Sa hirap ng buhay natin ay ganoon lamang ang nakamit namin." Sambit ng babaeng si Li Wenren na siyang ina ng batang si Li Xiaolong.
Napatango na lamang si Li Qide na siyang ama ng batang si Li Xiaolong na siyang tanda ng pagsang-ayon nito sa sinabi ng kaniyang sariling asawa na si Li Wenren.
"Ah okay po Inay. Akala ko kasi ay mas mataas pa doon kasi di ko maramdaman ang inyong Cultivation Level eh." Sambit ng batang si Li Xiaolong nang mapansin nitong hindi nito malaman ang Cultivation Level ng mga ito.
Nagkatinginan naman ang mag-asawang si Li Wenren at Li Qide na magulang ng nasabing batang si Li Xiaolong. Nagkatinginan pa ito at wari'y nag-uusap sa kanilang sariling pares ng mga mata.
Maya-maya pa ay mabilis na umubo ng mahina at nagwika ang ama ni Li Xiaolong na si Li Qide nang may maisip itong itanong o mabigyang linaw sa sinabi ng batang si Li Xiaolong.
"Ah eh, isa iyong secret technique mula sa aming angkan anak, sa susunod ay tuturuan ka namin para hindi ka pagdiskitahan ng sinuman lalo pa't magmumukha kang mahina dahil sa pambihirang martial arts technique na ito hehe... Gusto mo bang matutunan ito anak?!" Sambit ng ama ng batang si Li Xiaolong na si Li Qide nang mapansin nitong tila nagtataka ang kanilang sariling anak na si Li Xiaolong.
Tila nagalak naman ang batang si Li Xiaolong sa kaniyang narinig. Tila ba ang bagay na ito ay isang epektibong pamamaraan na siyang kakailanganin niya sa hinaharap.
"Hindi ko aakalaing hindi ko na kailangang maghanap pa ng pambihirang Martial Arts Technique para ikubli ang aking Cultivation Level sa ibang mga nilalang na maaari kong makasalamuha o masagupa hehe..." Tila galak na galak na sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan bakas ang kasiglahan o kasiyahan sa kaniyang sariling mukha.
Ngunit isinawalang-bahala niya lamang muna ito at nagbigay atensyon na lamang sa kung ano ang maaaring gusto niyang mangyari ngayon at iyon ay ipaalam ang kaniyang sariling Cultivation Level sa kaniyang sariling ama at ina bago siya umalis sa susunod na mga buwan. Makapaghintay pa naman kasi ito eh.
"Opo itay pero sa susunod na lang. Importante po ngayon na ipaalam ko na sa inyo ang katotohanan. Hawakan niyo po ako ni inay sa aking dalawang kamay. Kayo na po ang pumili." Magalang na sambit ng batang si Li Xiaolong habang napapikit na ito.
"Ah eh, sige anak. Kung yan ang gusto mo." Malumanay na sambit ng babaeng si Li Wenren na siyang ina ni Li Xiaolong. Makikitang seryoso ang kaniyang sariling anak na si Li Xiaolong kaya dapat ay magseryoso din sila. Malay niya ba kung ano ang tinatago nito.
"Sana naman ay hindi masamang balita ito. Sana wala namang problema ang sariling katawan ng aking anak." Sambit ng babaeng si Li Wenren na siyang ina ng batang si Li Xiaolong habang makikita na tila nag-aalala ito sa maaaring sumambulat sa kanilang balita o lihim ng kaniyang sariling anak.
Sumunod na lamang ang mag-asawang si Li Wenren at Li Qide na siyang kapwa magulang ng batang si Li Xiaolong sa instructions nito at mabilis na pumikit rin.
Ilang minuto lamang ay napamulat na lamang bigla ang mag-asawang si Li Wenren at Li Qide habang tila napabagsak ang mga tuhod nila sa sahig ng kanilang munting tahanang ito.
"A-anak, to-totoo b-ba i-ito. Isa kang -----." Tila pautal-utal na sambit ng babaeng si Li Wenren na tila hindi ito makapaniwala. Makikitang tumulo ang mga luha nito hindi sa labis na hinagpis kundi sa labis na pagkatuwa at gulat sa kaniyang nalaman.
"Xiao² anak, is-isa ka ng Xantian Realm. Isa kang Xiantian Realm. Ang anak ko ay ganap ng Xiantian Realm Expert whooohhooooohhhh hmmm.... Hmmmm... Hmmm...!!!!" Sigaw ng lalaking si Li Qide habang palakas ng palakas ang boses nito habang mabilis itong tumayo at nagtatatalon-talon sa kaniyang pwesto ngunit mabilis na tumayo ang asawa nitong si Li Wenren kung saan ay tinakpan nito ang bibig ng kaniyang sariling asawa gamit ang kaniyang sariling kanang kamay.
"Ang bibig mo Li Qide. Kung makasigaw ka ay wagas. Kung may makarinig sa'yo ay hindi na sikreto ang sinabi ng anak mo kundi alam na ng buong Li Clan kung di ka pa tatahimik!" Pagalit na sambit ng babaeng si Li Wenren nang mapansin nitong nagsisisigaw na ang kaniyang sariling asawa na si Li Qide na tila wala nang bukas.
BINABASA MO ANG
IMMORTAL DESTROYER: LI CLAN [VOLUME 1&2] GODLY SERIES #3
FantasyMatagal na panahon na ang nakalipas, ang Apat na Kaharian ay patuloy na lumalaban upang maghanap ng mas mataas na kapangyarihan at mangibabaw sa kapwa nila kaharian. Pumapatay pa nga sila ng walang awa para masolusyunan ang namumuong kaguluhang gin...