Chapter 30

1.7K 180 9
                                    

Naririnig ng batang babaeng si Huang Mei ang sinasabi ng mga halos kaedaran niya lamang.

"Mga pesteng kutong-lupang ito. Ano'ng akala nila. Eww! Ako magiging kaniya raw at ang mga grupo ng babaeng na yan ay mga walang kwenta. Ano'ng akala nila di ko sila naririnig? Pwes, ipapakita ko sa inyo kung ano ang pinagkaiba ng langit at lupa!" Sambit ng batang babaeng si Huang Mei. Nagpipigil lamang siyang balikan ang mga peste at mga dukhang nakapila na parang kadiring uod. Kung hindi dahil sa kaniyang ama na si Tribe Chief Huang Chen ay hindi siya papasok sa eskwelahang ito kahit sa panaginip man lang. Sa talentong meron siya ay kayang-kaya niyang pataubin ang sinumang nasa kaedaran niya.

"Princess H-------!" Sigaw ng mga alalay niya sa kaniya nang bigla siyang tumalon ng napakataas ngunit walang nagawa ang mga ito para siya ay pigilan. Sa una pa lamang ay ayaw na niya na sumama pa ang mga ito ngunit mapilit ang kaniyang sariling ama.

Tila napanganga naman ang lahat ng mga estudyante sa kaniyang pagtalon kung saan ay biglang nag-expand ang mahabang laylayan ng telang kaniyang suot na siyang nililipad ng hangin. Nakakamangha ang ganitong klaseng pangyayari para sa mga manonood.

Ang tila ang mahinhin na kilos ng Tribe Princess na si Huang Mei ay parang isang babaeng Warlord.

Mabilis at maayos na lumapag ang batang babaeng si Huang Mei sa mismong stage o sa mismong kinaroroonan ng Giant Boulder.

Ang totoo niyan ay ayaw niyang marinig ang sinasabi sa kaniya ng iba at gusto niya lang na makapunta rito at makaalis agad.

Nakatulala pa rin ang Host habang nakatingin sa batang babaeng si Huang Mei. Tila nakalimutan nitong magsalita.

"Hmmp! Napakaluma naman ng Boulder na ito? How Cheap! Mukha bang walang pondo ang pesteng paaralan na ito para sa Boulder na gagamitin? Eww!"

Hindi na nag-akasaya pa ng oras ang batang babaeng si Huang Mei kundi ang itapat ang kaniyang kanang kamay sa Giant Boulder.

Naramdaman ng batang babaeng si Huang Mei na mayroong kung anong kakaibang enerhiya ang biglang kumawala sa kaniyang katawan papasok ng boulder. Yung tipong parang nawalan siya pero parang hindi naman. Yung tipong parang nagkaroon lang replekasyon o kung anumang klaseng proseso iyon basta ay ramdam niyang mayroong lumabas na enerhiya sa katawan niya papasok ng nasabing dambuhalang Boulder.

BAM! BAM! BAM! BAM! BAM! BAM! BAM! BAM! BAM! BAM! ...!

Tila umuugong ang napakalakas na pagtunog ng boulder habang pumapataas ang Talent Meter Indicator nang nasabing Giant Boulder kung saan ay nag-iindicate ng paggana ng nasabing power analyzer nito na siyang aalam ng Martial Talent nito.

1st Mystic Grade Martial Talent!

2nd Mystic Grade Martial Talent!

3rd Mystic Grade Martial Talent!

4th Mystic Grade Martial Talent!

5th Mystic Grade Martial Talent!

6th Mystic Grade Martial Talent!

Tila ba mabilis na gumagalaw ang guhit ng Talent Meter Indicator pataas kung saan ay inaabangan ng lahat. Makapigil hininga ang lahat sa paghihintay ng magiging resulta ng re-examination ng batang babaeng si Huang Mei na siyang Tribe Princess ng Peacock Tribe.

7th Mystic Grade Martial Talent!

Nang makita nilang tila lalagpas pa sa 7th Grade Martial Talent ang nasabing Talent Meter Indicator ay halos manlaki ang mga mata ng mga manonood na mga estudyante maging ng nasabing host.

8th Mystic Grade Martial Talent!

Tila malakas na napasinghap ang mga manonood sa biglang pagtuntong ng nasabing Talent Meter Indicator sa 8th Grade Martial Talent na guhit.

Ngunit hindi lamang diyan nagtatapos ang lahat dahil muli na namang lumalakad o tumataas ang nasabing Talent Meter Indicator kung saan ay mabilis na naman nitong naabot ang 9th Mystic Grade Martial Talent na guhit.

Nagkaroon na ng bulong-bulungan sa paligid lalo na ang maraming mga nakaupong estudyante ay napatayo na lamang ang halos karamihan sa mga ito lalo nang mabagal na namang tumatakbo ang nasabig Talent Meter Indicator sa susunod na guhit.

10th Mystic Grade Martial Talent!

Hindi na nagkaroon pa ng galaw sng nasabing Power Meter Indicator at nanatili na lamang na nakahinto sa 10th Grade Martial Talent.

"Hmmm ano ang nangyari? Sa pagkakaalala ko ay isa lamang akong 7th Mystic Grade Martial Talent pero bakit naging 10th Mystic Grade Martial Talent na ako?! Hindi maaari!" Sambit ng batang babaeng si Huang Mei na gulong-gulo ang isipan. Maging siya ay nanlaki ang kaniyang sariling pares na tsokolateng mata dahil sa naging resulta ng kaniyang pag-eksamin muli ng kaniyang Martial Talent.

Sinong mag-aakala na ang isang katulad niyang 7th Mystic Grade Martial Talent ay isa palang 10th Mystic Grade Martial Talent.

Nakita niyang halos nagulat ang halos lahat ng mga Martial Artists na naririto ngunit unang nakabawi sa labis na pagkagulat ang batang babaeng si Huang Mei. Mabilis nitong ginamit ang isang kakaibang talisman at mabilis na nawala sa kawalan.

Dito lamang nagsimulang maka-recover ang mga manonood maging ang host sa nasabing nasaksihan nilang resulta ng re-examination ng Martial Talent ng nag-iisang Tribe Princess na si Huang Mei na anak ng Tribe Chief Huang Chen ng Peacock Tribe.

Nagsimulang magkaroon ng mga malalakas na bulong-bulungan sa pagitan ng mga manonood.

Maging ang host ay walang masabi o maisip m sabihin. Tila ba ay maging siya ay hindi pa rin makapaniwala sa nagimg resulta ng batang babaeng si Huang Mei.

Dahil sa pangyayaring ito ay ipinagpatuloy na lamang ang pag-eksamin muli ng Martial Talent ng mga nakapilang mga batang gusto o pangarap na maging estudyante ng nasabing paaralan.

...

Sa isang malawak na lupain na siyang pagmamay-ari ng Peacock Tribe ay naroroon ang isang matandang lalaking may mahabang balbas habang nakaupo ito sa lumba-lumbang upuan na siyang nakagisnan na nito. Nasa malawak siyang harden kung saan ay siyang paborito niyang lugar sa kanilang tribo.

Poo!!!!!

Dito ay biglang may lumitaw na lalaking nakarobang itim habang mayroong badge na may disenyo ng isang peacock na mayroong dalawang espadang na siyang pahalang na direksyon sa opposite direction(nakaletrang X) kung saan ay nagngangahulugan lamang ito na isa itong miyembro ng Peacock Tribe.

"O bakit ka naparito? Akala ko ba ay sinundan mo ang aking apong si Mei'er?! Bakit parang napaaga ang iyong pagbalik?" Sambit ng matandang lalaki habang tila nagbago ang mood nito. Pagdating talaga sa apo nito ay tila ba hindi siya mapakali rito. Ang lalaki kasing nakaitim na robang ito ay siyang Spy niya na siyang magbabantay sa kaniyang apo. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka at magugulat diba?

"Greetings Master Huang Lim, Kumalma po kayo Master. Naparito ako dahil mayroon akong balita sa inyo." Seryosong sambit ng lalaking Spy habang nakatingin sa matanda. Tila ba mayroong kung anong nais itong sabihin sa matandang lalaking si Master Huang Lim.

IMMORTAL DESTROYER: LI CLAN [VOLUME 1&2] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon