Part 4

8 1 0
                                    

"Uuwe kana ?" tanong ni Kofi ng magkasalubong kami sa pathway ng building namin.

"Oo tapos na practise nyo? May pag-asa bang mananalo kayo? " biro ko sakanya , isang athelete sa aming paaralan si Kofi kung anong kinagaling nya sa sports yun naman ang kinabano ko. Maliban sa mga board game di na ako maasahan dahil sa pagiging hikain ko. Isa to sa mga bagay na sana kaya kong gawin. Noong nasa Hs palang kami sinubukan kong minsan mag try out sa volleyball pero hindi pa ako nagtatagal sa court ng naglalaro ng atakihin ako ng hika , naglalaro noon sa kabilang court ng basketball si Kofi.Iniwan nya agad agad yung laro niya kaya madala lang ako sa infirmary pagkatapos noon hindi na nya ako hinayaan mg try outs sa mga sport pero lagi nya akong nililista sa chess. Si Kofi ang bestfriend ko tpos tatay ko, napangiti na lamang ako ng aking maalala yon.

"Syempre sure win at Mvp na naman ako hahahah" maangas na pagyayabang nya

"Sige na uuwi nako mukang babagyo" pang-aasar ko sakanya

"Sabay na tayo ihahatid na kita " 

"Ah wag na may dadaanan pa kasi ako mauna kana pagod kana" sabi ko sknya hinihiling ko na sana ay pumayag sya

"Di ako pagod ihahatid na kita may sasakyan naman ako hindi tayo maglalakad" giit nya

"Hindi na Kofi mauna kana my importante pa kasi akong dadaanan ano ba?'  kunwari ay naiinis kong sagot sakanya

"May tinatago kaba saken? Bat ayaw mong magpasama dati naman sabay tayong umuuwi?" sagot nyang nakataas ang mga kilay sa akin na para bang sigurado syang may tinatago ako

"Wa-Wala ano namang itatago ko sayo?" mejo nautal kong tugon sakanya

"Louise 10yrs na tayong magkaibigan kaya bawat utot at pagsisinungaling mo kabisado ko"

"Wala nga ano mo , makikipag-date ako ano sasama ka?" di ko alam kung bat iyon ang pumasok sa isip ko na isasagot sknya

"Sino na naman yan? Bakit hindi ko alam? bakit di ko kilala?" madilim ang mukang sagot nya

"Ah di pa kasi ako sure sakanya , ipapakilala ko pag sure na bye , mwaa mwaa chup chup " yun na lamang ang naisip ko at bigla nalang sya iniwan

"LOUISE HOYY KINAKAUSAP PA KITA!!"

Binilisan ko nalang ang aking lakad ng marinig ko ang sigaw nya. Alam kong malalaman din nya ang dahilan ko sa hinaharap pero hindi ko pa kayang sabihin sakanya ang lahat. Ang mga bagay na gusto kong isigaw para gumaan ang aking bigat na nararamdaman pero ayaw bumuka ng aking mga bibig , di alam paano magsisimula at kung paano sasabihin.

Kaagad akong nagpalit ng aking damit pagkarating ko sa lugar nato , lugar na di ko pinangarap at ginustong pasukin sa buong buhay ko. Sinuot ko ang maliit na telang tumatakip sa pagkatao ko. Hindi ako prosti pero ang lugar na kinasasadlakan kong pagtrabahuhan ay napapaligiran ng mga taong mababa ang tingin sa aming pagkatao prosti ka man o hindi , waitress , promo girl ka man o puta iisa lang ang tingin nila sayo. Nagsimula na akong mag ikot sa buong club at nag-alok ng alak at sigarilyo sa mga taong andon , bata man o matanda ang tingin nila sa aming lahat ay mga bayaran. 

" Hi sir would you like our newest Fireball ?" tanong ko sa costumer na una kong nilapitan

" oh okay give me one ," kaagad akong nagsalin sa baso nya at nakailang ulit pa syang umorder , matapos kong maiswipe ang byad nya lumapit ako sa ibang mga taong nandoon , habang lumalalim ang gabi , habang mas dumadami ang alak na aking nabebenta mas lalong nagiging wild ang mga galaw ng mga tao , mas nagiging mapusok , bastos .

Lumapit ako sa huling costumer ko sa gabing to . " Would you like some more drinks sir?" lumingon ang lalaking aking nilapitan , di pa sya ganoon katandaan siguro ay mga nasa 5-8 taon lamang ang agwat ng aming edad.

" Oorder lang ako nyan kung sasamahan mo akong iinom nyan" tugon nya sabay hagod ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa

"Sorry sir di po kasi ako tumatable promo girl lang po ako" 

"Oh common bibilin ko na lahat yang natitia sayo just sit with me".

"sorry sir pero hindi po talaga"

"uupo ka lang miss sasamahan mo lang ako na habang iniinom ko just keep my company" 

Biglang pumasok sa akin ang sinabi ni mama kaninang umaga tama sya di sasapat ang kinikita ko kung sa isang normal na trabaho ako papasok. Wala akong scholarship , nag-aaral pa aking kapatid at pati na rin ang mga bayarin sa bahay.Naisip kong malaking magiging tulong sa akin kung bibilhin nya lahat ito.

" Sir i will just gonna join your company but no more beyond that"

" sure sure here upo ka dito"

Habang hinihintay kong maubos nya yung binili nya sa aking alak nakakaramdam na ako ng pagod at antok pero parang pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin.Nilibot ko ang aking mga paningin para hanapin ang mga matang iyon pero wala akong nakita,  naisip ko nalang na siguro guni guni ko lang yon.

"Here drink it" biglang sabi ng mamang kasama ko

"di ako iiinom sir at wala po sa usapan natin na iinom ako." malumanay ngunit may diin kong sabi sknya, napansin kong mauubos na nya ang bote ng alak marahil ay lasing na ang changamang to.

"Inumin mo na kundi di kita babayaran" bigla akong kinabahan , mahal ang halaga ng alak na iyon baka kulang pa nga ang kinita ko ngayong gabi kung hindi nya ako babayaran.

"isa lang sir tapos tapos na uuwe na din po kasi ako" sabi ko

Matapos kong inumin ang shot na binigay nya nagbigay pa sya ulit ng ilang kasunod na hindi ko natangguhan dahil sa takot na hindi sya magbayad. Ng maubos na ang bote ng alak kinuhuha ko na ang bayad sakanya muli nyang sinabi.

"Babayaran kita ng doble sumama ka lang sa akin"

Dahil na rin sa hilo ko dahil sa alak bigla ko syang nasampal. " Ikaw na bastos kang animal ka dba sabi ko sayo hindi ako bayarang babae ngbebenta lang ako!"

"Puta ka bayaran ka pa  rin kahit anong itawag mo sa sarili mo!" para akong binuhusan ng malamig na tubig ng bigla nya akong kaladkarin sa isang gilid at pilit na hinahalikan , nalalasahan ko sa kanyang bibig ang alak at amoy ng sigarilyo.Pinipilit kong kumawala pero iba ang lakas nya kumpara sa akin. Pilit binubuksan ng kanyang mga labi at dila ang aking bibig.Naiiyak nalang ako na isipin na ganito lang kababa ang halaga ng aking pagkatao. Ng makakita ako ng pagkakataon kinagat ko ang kanyang labi ng sobrang diin.

"Fvck bitch ! tangina kang puta ! you are just a whore pero ang arte arte mo!" napapikit ako ng akma nya akong sasampalin pero next thing I know nasa sahig na ang bastos na lalaki at pinapaulanan ng suntok ng isa pang lalaki.


to be continue...


My Peter behind my battle scarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon