⚠️ : Be aware, there are technical and mechanical errors ahead.
╱╳╲
❝ Love, Why? ❞
"Mama, kelan uuwi si Papa?" tanong sa akin ng limang taong anak ko
"Baby, alam mo naman na busy sa work ang Papa mo diba? Wag kang mag-alala, uuwi din yon at makakapaglaro din kayo. Halika na at kailangan mo nang pumasok at baka malate ka pa." sabi ko at hinalikan sya sa pisngi
"Okay. Miss ko lang talaga si Papa." medyo malungkot na sabi ng anak ko na si Claude kaya niyakap ko sya
Ako rin naman si Chad pero busy lang talaga ang Papa mo ngayon.
Hinatid ko na sya sa school nya at aalis na sana ako pero naagaw ang pansin ko ng isang babae na naglalakad papalapit sa akin.
Ibinaba nito ang aviator na suot nya at nginitian ako. Nagtaka naman ako dahil hindi ko sya kilala.
"Hello, I'm Micah. Are you Ava?" tanong nito sa akin
"Ako nga. May kailangan ka sakin?" talang tanong ko
"Yes. I need to tell you something. Can we talk somewhere? Don't worry it will be my treat." nakangiti nyang pag-anyaya sa akin
Ngumiti rin naman ako. "Sure. Lead the way."
I don't mind coming with her since mukha naman syang mabait na tao and she's really don't look suspicious at all. Isa pa hindi man sobrang halata dahil maliit pa ang baby bump nya but I can see that she's pregnant so duda ako na may masama syang balak.
Dumeretso kami sa coffee shop na malapit lang dito. She ordered for the both of us.
"I honestly don't want to ruin anything but I'll still say this." panimula nya at medyo kinabahan ako don
"Don't tell me Chad got you pregnant?" Kinakabahan kong tanong
Bigla syang tumawa kaya naguluhan naman ako. Anong nakakatawa, dzai?
"Silly, hindi ko papatulan yon. Ibang lalaki ang nakabuntis sa akin."
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nyang iyon. Kinabahan talaga ako doon. Dumating rin ang inorder nya kaya natahimik kami. Pagkaalis nung waiter ay tsaka lang sya nagsalita ulit.
"I'll be frank, you are Chad's mistress."
Natulala naman ako sa sinabi nya. Kabet ako ni Chad? Seryoso ba sya? Baka niloloko lang ako nito.
"Miss Micah, don't joke around."
"I'm not joking nor fooling you, Ava. Nagsasabi ako ng totoo. Niloko ka ni Chad. Ginawa ka nyang kabet nya. Mabuti na yung malaman mo na ngayon na niloloko ka lang ni Chad kesa naman malaman mo lang kapag sinugod ka na ng asawa nya. Kasal na si Chad, 6 years na siyang kasal." Sabi nito sa akin
Hindi naman ako naka-imik sa sinabi nya. Totoo ba talagang kabit ako ni Chad? Kasal na sya? At anim na taon na.
"Micaaaahhh!" Sigaw ng kung sino at tumayo naman ang babae na nasa harapan ko
"Zoey! Mabuti naman at nakadating ka. Hindi mo naman sinabi kay Chad na ako ang kikitain nyo diba? Nasaan nga pala sya?" tanong nito sa babaeng kadarating lang
"Oo naman, bes. Pinark nya lang yung kotse at pupunta na rin yon." nakangiting sabi nung Zoey
Tatayo na sana ako para umalis pero hinawakan ako ni Micah. Nginitian nya ako. "Don't worry, I got your back."
"Sino sya, bes?" tanong nung Zoey
"Mamaya ko na sya ipapakilala. Hintayin muna natin ang asawa mo." Sabi ni Micah
"Okay." sagot ni Zoe
Hindi naman ako kumibo dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung totoo man na kabet ako ni Chad.
Bumukas ang pinto ng cafe at narinig namin iyon dahil may bell sya. I closed my eyes. Sana hindi si Chad. Sana hindi si Chad. Sana hindi si Chad.
"Sweetie! Bakit mo naman ako iniwan? O hindi mo sinabi sa akin na si Micah pala ang kikitain natin. Hi, Micah."
Nang marinig ko ang boses ng taong pumasok ay nagumpusang magtuluan ang mga luha ko pero agad ko syang pinunasan at pilit na pinipigilan.
Iniangat ko ang ulo ko at nilingon sya, nakita ko naman na natigilan sya sa paglapit sa amin.
"Love, why?"
Ang unang salita na lumabas sa bibig ko. Sa totoo lang ay wala naman akong balak na magsalita pero lumabas pa rin iyon sa bibig ko.
"Love?" "Ava?"
Halos sabay na tanong nang mag-asawa.
"Sino ba sya, bes? At bakit love ang tawag nya sayong lalaki ka? At kilala mo rin sya ha?" Naguguluhan na tanong ni Zoey
"She's Ava. Actually nakilala ko lang sya kanina but she's already my friend."
"Hindi mo sya kilala, bes? Kawawa ka naman. Kabet lang naman sya ng asawa mo. Pero wag mo syang sisihin dahil wala rin naman syang alam. Yung asawa mo kasi ang galing magtago, sa kanya ata nahawa si Pierce sa galing sa pagtatago ng kabet." Nakangiting sabi ni Micah pero ramdam mo ang pangigigil nya
Sinugod ni Zoey ang natigilan na si Chad.
"Walangya ka, Chad! May kabet ka? Kelan pa? Kelan mo pa ako niloloko? Manloloko ka!"
Umiiyak na sabi ni Zoey habang sinasampal ng paulit ulit si Chad.
"Five years ka na nyang niloloko." sagot ni Micah
"Paalam na, bes. May pupuntahan pa kami ni Ava." dagdag nya pa
Hinigit ako ni Micah papalabas ng coffee shop at wala naman akong ginawa kung hindi magpatangay nalang. Dinala nya ako sa parking lot at pinasakay sa isang kotse.
"Ano, kaya pa? Kung hindi na. Pwede ka naman umiyak." sabi ni Micah
At doon na muling nagtuluan ang mga luha ko na pilit kong pinipigilan kanina.
"Bakit ganon? Bakit nya naisip na lokohin ang asawa nya? At sa lahat ng tao bakit ako pa? Ako pa ang napili nyang isama sa kalokohan nya. Limang taon. Limang taon na nya kaming niloloko ng asawa nya. Tang-na nya. Ang kapal ng mukha nya."
Galit na sabi ko pero nalungkot na naman ako ng maalala ko ang anak ko.
"Paano na to? Paano na kami ng anak ko, Micah? Ano ang sasabihin ko sa anak ko kapag tinanong nya kung nasaan ang Papa nya? Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong umiyak at magmukmok pero alam kong hindi pwede dahil magiging kawawa ang anak ko. Hindi ko sya pwedeng pabayaan. Kailangan kong maging matatag, kahit para sa anak ko nalang."
"Mabuti naman kahit nasaktan ka ay hindi ka katulad ng iba na parang guguho na ang mundo. I like you, you're very like me. We'll be good friends." Nakangiting sabi ni Micah at pinunasan ang mga luha ko
"Don't worry. I'll be here with you. Simula ngayon I'm your friend na and I'll help you with everything." Dagdag nya pa
I don't know pero kahit ngayon lang kami nangkakilala ay magaan ang loob ko sa kanya. She's really nice but I also think na may pinagdadaanan rin sya. I saw it a while ago, she was sad for a moment pero agad nya iyong napalitan ng galit.
"Why are you helping me?" Tanong ko sa kanya
She smiled again. "Kasi alam ko na ikaw ang biktima dito at hindi sila."
═━┈┈━═
「༄」᎒ Chad, Zoey, Ava, Claude, Micah, Pierce.
「ꨄ︎」᎒ Cheating Series #2, Part 1.
「ꨄ︎」᎒ Alam kong ang mema lang nitong gawa ko na ito. Gusto ko sana malungkot yung scene kaya lang di ko alam kung paaanoooo ko sya gagawin na malungkot kaya ayan kinalabasan hehe.
♡ THANK YOU FOR READING! ^o^
⌨ March 02, 2021
![](https://img.wattpad.com/cover/261821568-288-k291537.jpg)
BINABASA MO ANG
THE CHEATER
Truyện Ngắn〄 THE CHEATER [ COMPLETED ] ONE-SHOT STORY SERIES fel || @_eftychia