SERIES #2 | CH2 - Letting Go

134 1 0
                                    

⚠️ : Be aware, there are technical and mechanical errors ahead.

╱╳╲

❝ Letting Go ❞

I was watching some TikTok videos ok my phone when someone suddenly called.

"Hello, Micah bes?" bati ko sa tumawag sa akin

"Bes, busy ka ba? Baka pwede tayong mag-meet? Isama mo na rin si Chad." masiglang sabi nya

"Oh sure naman, bes. Saan ba? Tsaka kamusta ka? Ang balita ko hiniwalayan mo na daw si Pierce?" tanong ko

"Itetext ko nalang sayo, bes. At maayos naman ako. Hiniwalayan ko s'ya dahil may kabet sya. Niloko n'ya ako. Ayoko na s'yang pagusapan, bes. Ay muntik ko ng makalimutan, 'wag mo pala sabihin kay Chad na ako ang i-memeet nyo ah? Kitakits nalang. Bye." sabi niya at binaba na ang tawag

Medyo nagtataka naman ako kung bakit n'ya binaba agad ang tawag pero nagkibit balikat nalang ako. Ilang minuto lang ay nareceive ko rin ang text ni Micah at nakalagay doon kung saan kami magkikita.

"Chad!" sigaw ko upang marinig ng asawa ko na kasalukuyang nasa kabilang kwarto

"Yes, sweetie?" sigaw n'ya rin pabalik

"Pumunta ka nga dito!" sigaw ko pabalik

"Bakit? Ano ba 'yon?" medyo inis na sabi n'ya at hindi ko naman pinansin 'yon

"Magbihis ka. May kikitain tayo. Send ko nalang sayo address." sabi ko sa kanya

"Sweetie, naglalaro ako." pag-angal nya

"Wala akong pake. Aalis tayo, kung ayaw mo na wasakin ko 'yang pc mo." pagbabanta ko sa kanya

Agad naman syang ngumiti. "Sabi ko nga, aalis tayo. Eto na nga magbibihis na ako."

Natawa nalang ako sa ginawa n'ya. Takot naman pala syang mawalan ng pc eh. Pagkabihis namin ay agad rin naman kaming nagbyahe papunta sa address na binigay ni Micah.

Hindi naman ganon katagal ang naging byahe namin at nakarating din naman kami doon.

"Mauuna na ako. Ipark mo nalang muna itong sasakyan at sumunod ka sakin." utos ko sa kanya

"Intayin mo ako!" Sabi n'ya kaya ngumiti ako at tumango

Pero hindi ko sinunod yon at naunang pumasok sa coffe shop. Pagkapasok ko ng coffee shop ay agad kong nakita si Micah at may kasama s'yang babae.

"Micaaaahhh!" sigaw ko

Tumayo naman s'ya at sinalubong ako.

"Zoey! Mabuti naman at nakadating ka. Hindi mo naman sinabi kay Chad na ako ang kikitain n'yo hindi ba? Nasaan nga pala sya?" tanong nito sa akin

"Oo naman, bes. Pinark n'ya lang yung kotse at pupunta na rin 'yon." nakangiting sabi ko

Tatayo na sana yung babae na kasama ni Micah pero mabilis na nakalapit si Micah sa kanya at hinawakan ang braso n'ya. May sinabi pa sa kanya si Micah pero hindi ko na rinig iyon.

Lumapit ako sa kanila at nagtanong. "Sino s'ya, bes?"

"Mamaya ko na sya ipapakilala. Hintayin muna natin ang asawa mo." Sabi ni Micah

"Okay." sagot ko naman

Walang nagsalita sa amin. Kaya tinignan ko si Micah pero nginitian n'ya lang ako.

Bumukas ang pinto ng cafe at narinig namin iyon dahil may bell yung pinto nila dito.

"Sweetie! Bakit mo naman ako iniwan?" Napatingin s'ya sa kung sino ang kasama ko. "O hindi mo sinabi sa akin na si Micah pala ang kikitain natin. Hi, Micah." sabi ni Chad na kapapasok lang

THE CHEATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon