"Sabi ko na nga't dito kita makikita e," inis na sabi ni Meagan, ang bestfriend ko. "At nakatulala ka pa. Huhulaan ko kung ano iniisip mo, si Jomari na naman hindi ba?"
Matagal bago ko sumagot, "Hindi naman, Meagan."
"Hindi ka pa e lagi mo siyang iniisip. At isa pa lagi kang nakatitig sa picture na nakalagay sa desk mo," at naupo siya sa tabi ko.
Morgan is very close to Meagan. Simula pa nung Kinder ay magkaibigan na sila. They share all their secrets. Kabisado na nila ang ugali ng isa't isa. Madalas silang mapagkamalang magkapatid dahil laging magkasama. Para bang nakatali na ang kanilang mga kamay na hindi pwedeng tanggalin. Kaya naman alam na alam ni Meagan ang ikot ng bituka ni Morgana.
Matagal bago ako ulit sumagot. "Iniisip ko ung proposal na ipepresent tomorrow. Un lang ang wala nang iba," pagtatanggol niya sa sarili.
"Lady Morgana Mercado Antonio, huwag kana mag-deny at mag-alibi. Halata kaya, parang hindi mo naman ako kilala. Bakit ba kasi hanggang ngayon hindi mo malimot-limot yang tao na iyan? Marami pang guys diyan na much better sa kanya. Patahimikin mo na 'yun," pairap na sabi niya.
Jomari was Morgana's sweetheart simula pa noong first year high school sila. Masaya siya noon dahil hindi niya expected na magugustuhan din siya ni Jomari and first boyfriend niya ito. Tuwing magkasama sila ni Meagan ay siya ang laging bukambibig nito. Mapasabahay o school hindi siya nagsasawa na magkuwento tungkol sa feelings niya. Nasasabihan na siyang "baliw" dahil dito. But she is very serious when it comes to academic subjects. Ginagawa niya itong inspiration sa lahat ng ginagawa niya. Kaya nung naging sila, todo kilig siya dahil ang dati niyang sinisilayan ay boyfriend na niya ngayon. Very happy si Meagan dahil natupad na din ang pangarap ng kanyang kaibigan. Tumagal ang kanilang relasyon hanggang grumaduate sila ng high school. Naging valedictorian siya at very proud ang parents niya. Kahit may boyfriend siya ay hindi niya binigo ang kanyang magulang. Nagpasalamat pa nga ang mga ito dahil sa pagiging valedictorian nito.
Ngunit nung mag-eenroll na sila sa University of Santo Thomas, para siyang binagsakan ng langit at lupa.
*FLASHBACK*
"I'm sorry Morgan. May mahal na akong iba at aeronautics ang kukunin ko kya-"
"No way! Jhom alam mong ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Buong buhay ko ikaw lang ang pangarap ko. Bakit ginawa mo sa akin ito? Mas maganda ba ako sa kanya? Mas matalino ba siya o mas madami siya kayang ibigay kaysa sa akin? Tell me please.."
"Mas maganda at matalino ka. Kahit sa sarili ko hindi ko din alam kung bakit siya ang gusto ko. Basta ang alam ko masaya ako kapag kasama ko siya. I'm so sorry Morgan. Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal pero nagbago ang lahat dahil sa kanya."
"I love you so much Jhom. Mamamatay ako pag wala ka. Sana hindi mo ako makalimutan hanggang sa pagtanda natin. Itago mo lang ako saan mang parte sa puso mo. Iyon lang ang hinihiling ko".
*END*
When Morgan remembered this part, she's started to cry again. Parang pusang dumadaing.
"Umiiyak ka na naman. Huwag mo na kasi pagaksayahan ng panahon iyon. Ituon mo na lang iyan sa trabaho natin. Atsaka baka hindi talaga siya ang para sa iyo. Ipihahiram lng muna sa iyo ang sandali na para makasama siya at bigyan ng konting liwanag ang lovelife mo. Kaya cheer up na. Uwing-uwi na kaya ako kanina pa." biro ni Meagan.
Pinawi ko ng panyo ang aking luha at ngumiti "Sige na nga uwi na tayo. Masyado na naman kasi akong madrama." napalinga-linga ako. "Nasaan ba tayo?"
"Malamang nasa gitna tayo ng Ayala Avenue! Sa kakaisip mo kasi sa Jomari na iyon ay nakalimutan mo na kung nasaan ka. Siguro kapag nasa gubat ka at naglalakad, malamang hanggang ngayon hindi ka pa nakakauwi. Sa susunod nga magpasauna tayo at nang makapagrelax ka" natatawang sagot ni Meagan habang nagpapalit ng kanyang silver havaianas.
"Mas nakakahiya ka naman. Hindi ka pa nagpalit ng slippers mo habang nasa office tayo. Pinagmamayabang mo ata 'yang havaianas mo." sarkastikang banat ko.
"'Yan ang gusto ko Morgan, kahit papaano nakukuha mong ngumiti. Ang ganda mo kaya tapos tutungo kalang sa tabi?" pinandilatan niya ako.
Pagdating sa kanyang bahay sa Victoria Park sa C. Raymundo, ipinarada niya sa garahe ang kanyang Bugatti Veyron. Hindi na siya kumain ng dinner dahil kumain na sila ni Meagan sa Greenfield District. Nagshower na siya at matutulog na dahil sa sobrang kakaisip sa programs na ginagawa niya. Nang papahiga na ito ay kinuha niya ang picture frame nila Jomari.
"I'm still inlove with you Jhom. Kung alam mo lang kung gaano kasakit na iniwan mo ako, but still I can wait for you as far as I can. Wala nang ibang guys ang kagaya mo na mamahalin ko. Ikaw lang ang mamahalin ko habambuhay." pumatak ang luha ko ulit habang niyayapos ko ang picture frame.
BINABASA MO ANG
Code my Heart
RomanceHi :) I wrote short Stories and i write also scripts for film making. I'ts my first time to wrote online:) If there's someone asking, "Bakit Bitin?" it's because may connection limits kmi sa bahay .. sorry for the readers but i still working for thi...