*Jeiko’s POV*
Nagulat ako at malapit ang mukha niya sa akin. Grabe hindi ko pa siya talaga kilala pero bakit ganun parang kilalang kilala ko na siya. Teka nabanggit ko yung pangalan ni Joanna. Sasabihin ko ba o hindi?
Teka, nababading na naman ako. Grabe attracted ako agad kay Morgan. Hindi pwede ito si Joanna lang talaga.
“Uy Jeiko, hindi ka naman nagsasalita, may problema ba? Uwi na lang kaya ta-”
“Hindi. Okay lang ako. May naalala lang”
“I see. Salamat sa pagkain pala Jeiko. Wag muna masyado magtiwala sa akin. Hindi mo pa ako masyado kilala. Pero okay lang kung maging magkaibigan tayo.”
Oo tama si Morgan. Wag muna ako magtiwala kasi ngayon ko palang siya kilala. E paano nga iyon, parang matagal ko na siya kilala. Stop your illusion first, Jeiko.
“okay lang sa akin na magsungit ka Morgan. Syempre unang-una, magkaiba tayo ng company at pangalawa, ngayon palang kita nakilala. Wala kasi akong kasam kumain kaya kita sinundan.yun lang. By the way salamat sa pagsama sa akin.”
“Naku Jeiko wala yon. Ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako kakain dito sa restaurant na ito pero syempre nakakahiya naman sa iyo na tanggihan yung alok mo kaya sige okay lang. Bukas hindi na ako kakain ditto although masarap ang mga pagkain ditto. I will miss this restaurant.” At tumingin siya sa malayo.
Ako naman ay naguguluhan. Ayaw niya kumain dito? E kanina niyaya ko siya na sa iba nalang kami kumain ayaw niya. Siguro memorable sa kanya ang place na ito.
“I’m sorry Morgan”.
“Naku okay lang iyon. Nagsisimula naman na ako magmove- ay wala pala yun wag mo na intindihin yung sinabi ko,” Tapos tumawa siya.
“Tara uwi nqa tayo. Maglalaro pa kasi ako”
“A sige,” at itinayo ko siya sa kinauupuan niya at inaalalayan siya tumayo.
Habang papunta sa car park.
“Naalala ko lang Morgan, ano yung sinasabi mo na-”
“Jeiko, wala nga yun, wala talaga. Wag mo na isipin yung sinabi ko.” Tangging-tanggi siya.
“Morgan hindi yun yung ibig kong sabihin. I mean ano yung sinasabi mong lalaruin mo?”
*Morgan’s POV*
Grabe ang weird ni Jeiko. Mukha ba akong multo? Titigan ba naman ako ng sobra? Feeling ko tuloy malulusaw na ako sa titig niya. Alam niyo yun ha? Yung tipong kamukha niya yung ex ko tapos kung makatitig wagas. HAHA. Sobrang praning lang talaga ako siguro.
“Tara uwi nqa tayo. Maglalaro pa kasi ako”
Yan nalang ang nasabi ko. Ngayon ko lang naalala na may na-set akong job sa laro ko. Ang hapit ko ‘no? Pagpasensyahan niyo na po, Addict Player lang po ako ng Sim City Social. Kaway para sa mga co-Players ko. ^^V
“A sige”
Habang papunta sa car park.
“Naalala ko lang Morgan, ano yung sinasabi mo na-”
“Jeiko, wala nga yun, wala talaga. Wag mo na isipin yung sinabi ko.” Tangging-tanggi ako.
“Morgan hindi yun yung ibig kong sabihin. I mean ano yung sinasabi mong lalaruin mo?”
BOOM. Makareact kasi Morgan parang wala nang bukas. Napaghahalataan tuloy ako. Kawawang ako. HAHAHAHA.
“Ay sorry naman po. Akala ko kasi yun yung itatanong mo. Yun laro na sinasabi ko e yung nasa Facebook. Sim City Social yung pangalan. A teka wait, mageendorse pala ako sayo.”
Grabe nakakahiya yung gagawin ko pero wala akong pake. Tumawa na siya basta ako nagendorse pa din.
“Mr. Valiente, bilang isang magiting na player ng Sim City Social, kayo ay inaanyayahan naming slash ako na maglaro ng Sim City Social. Buksan niyo lang po ang inyong Facebook Account at itype sa Search Box ang magical word na ‘Sim City Social’ at i-click ang play game. Maraming salamat po,” at nag-bow ako.
Makalipas ang isang minuto.
2 minutes
3 minutes
4 minutes
5 minutes
Grabe ang tagal ng response. Makasakay na nga.
“Jeiko, uwi na a-”
“Bilang isang magiting na player ay handa kang mapahiya para lang sa isang laro? Kakaiba ka talaga Morgan. Para kang bata maglaro pero astig. Sige susubukan ko maglaro. Take note, susubukan lang a?” sabay nag winked siya.
HAAAY. Ang winked ni Jeiko nakakamatay. Jhom, lumayo ka sa katawan ni Jeiko. Hindi ko kakayanin mag move-on kung ganyan ka. Baliw na kung baliw pero lumayo ka sa kawawang katawan ni Jeiko. Inosente siya parang awa mo na. Wag mo na ako lalo pahirapan Jhom. Ilang beses mo na ako ng sinaktan. Ay mali sinaktan mo na ako ng lubos-lubos kaya wag mo na dagdagan. Okay na ako Jhom, wag maging selfish. Okay?
Teka, Wait, Sandali, Aguray mat. Tama ba ang narinig ko? Susubukan niya maglaro?
*ANGEL VOICE*
Hallelujah......Amen.....
*END*
Susubukan niya maglaro ng Sim City? Haay, akala ko pa naman tatawa siya pero hindi. Sige na nga, maganda na rin at pumayag siya.
“S..salamat Jeiko. Nakakahiya talaga pero salamat padin. Salamat pag-invite sa akin. Sana may susunod pa, kung may susunod pa talaga. O siya uwi na ako. Ingat sa biyahe. Ja ne,” at sumakay ako kay Carrie habang kumakaway sa kanya.
“Ingat ka din, Morgan” mahinang sabi ni Jeiko.

BINABASA MO ANG
Code my Heart
RomanceHi :) I wrote short Stories and i write also scripts for film making. I'ts my first time to wrote online:) If there's someone asking, "Bakit Bitin?" it's because may connection limits kmi sa bahay .. sorry for the readers but i still working for thi...