CHAPTER SEVEN

19 0 0
                                    

Pagkatapos nilang kumain sa Greenfield District ay umuwi na sila agad. Nanatiling nakatayo si Jeiko sa pwesto niya hanggang sa makalayo na si Morgan.

"Ingat ka din, Morgan," iyon na lang ang nasabi ni Jeiko.

Habang papauwi na si Jeiko sa Palladium ay hindi maalis sa kanyang isip si Morgan. Oo, napakaganda ni Morgan kapag tinitigan mo. Simple lang siyang babae pero halatang sopistikada dahil sa kilos niya pero hindi niya masyado pinapahalata sa ibang tao dahil si Morgn ay hindi tulad ng ibang sociable na babae. SIMPLE lang siya, yun lang ang masasabi mo sa kanya. May arte man sa mukha pero kaunti lang dahil hindi niya hilig maglalagay ng kung ano-ano sa mukha. At iyon ang nakapag-paalala kay Jeiko ng matindi sa nakaraan niya. Pilit niyang kinakalimutan ito pero dahil kay Morgan ay unti-unting bumabalik lahat ng kanyang nakaraan.

"Stop it! Magkaiba sila ni Morgan, right?" tinatanong ni Jeiko ang sarili niya.

*Jeiko's POV*

After six years, nakalimutan na kita ng 25%. Bakit pilit kang lumalapit sa akin ha,

Joanna?

Andito na ako sa may Mandaluyong at papauwi na sa aking palasyo after naming kumain ni Morgan sa Greenfield District. Feeling ko talaga may something kay Morgan about that restaurant pero hindi ko alam kung tama ang hinala ko sa kanya – na may bad or good times siya dun with someone. Teka, bakit ko naman iisipin yun e hindi ko pa naman siya close? Tama, tama yung nabasa niyo, HINDI PA NAMAN KAMI CLOSE so it means may balak talaga akong makipagfriend with Morgan and there's no bad thing about it.

At ayan na naman, Past Syndrome attacks. Kelan ba kasi nauso yung kapag may past na kinakalimutan tapos biglang dadating si nilalang na magpapaalala ng nakaraan na pilit mong binubura sa utak mo, at kelan pa nauso yung may look-a-like at pati ugali look-a-like din? Kaasar 'di ba? Pero hindi naman ako galit dahil dun. Ako siguro yung may problema. Hay Lyndon Jeiko Valiente, kelan ka pa naging ganyan?

And speaking of myself, i'm Lyndon Jeiko Valiente. Nakatira sa Palladium, diyan lang sa Mandaluyong. Nagtatrabaho sa Synermin Group as IT executive and VIP ako. Ang mga dakilang kong magulang ay nasa Saipan pero si ama ay wala na, you know what it means 'di ba? Anyway, chinito po ako at may taas na 5'5, medyo malaki ang pangangatawan pero hindi mataba.

Masaya naman ako sa buhay prinsipe dahil lahat ng kailangan ko ay napupunan naman pero hindi ako katulad ng iba na tamad. Ibahin niyo ko, magiging IT Executive ba ako kung hindi ako masipag? Oo, ako na mayabang pero sa tingin ko hindi ako mayabang, totoo lang ako sa sarili ko.

Lovelife? Naku hindi na uso sa akin yan simula nung iniwan ako ni

Joanna.

Actually, siya ang una kong girlfriend nung nasa Saipan pa ako at nag-aaral ng high school. Ewan ko ba kung ano nakita ko kay Joanna at kung bakit ang lakas ng amats ko dun pero isa lang ang alam ko, mapagmahal siya. Kahit na sikat siya sa school namin sa mga lalaki ay hindi niya ko iniwan hanggang sa pag-college namin ay kasama ko din siya. Naging sobrang sweet niya sa akin at lahat ng problema niya sa akin, sa subject, sa sarili ay sinasabi niya sa natutuwa dahil gakin. At ako ay natutuwa sa kanya at lalong napapamahal dahil sa totoo siyang tao tulad ko(Joke yun, tawa kayo a?:D). Akala ko nga siya na ang first and last ko, pero ayan, wala na siya.

Ganito kasi 'yon,

*FLASHBACK*

"Agi-kun," lambing ni Joanna.

"Stop calling me Agi-kun, Babe. I'm already a man," naiiritang sabi ko.

"But, Agi-kun is my want to call you," paglalambing niya sa akin ulit.

"Okay, fine. what do you want?"

Pagkasabi ko nun ay bigla siyng natahimik. E alam na, kaya pala.

"Babe, I'm sorry I can't go with you to Philippines," mahinang sabi niya habang nakayuko.

I was expecting for that statement kasi alam kong hindi niya maiiwan ang Saipan. Kaya nalungkot ako ng kaunti pero naiintindihan ko siya. Pero –

"My mom told me that we're going to Paris and we will no longer came back here," umiiyak na siya.

Ako naman ay nakatanga na sa kanya dahil masakit sa akin na pwede siyang pumunta ng Paris pero kapag sa Pilipinas parang malabong makasama siya sa akin. Kaya ito nalang ang nasabi ko.

"Okay, go with them and I'm fine. But promise me to call either two of us everyday. I will miss you a lot," and I kissed her in forehead.

"Babe, I will promise to go in Philippines every month for you," she whispered.

Ako naman ay ginanahan. "Don't promise, just do it. I will wait for you 'til death," o sige na, ako na OA.

"And promise me that you will not look for other girls if I'm still alive or else, i will punch you like this," at sinikmuraan niya ako ng mahina.

Ako naman ay aacting na nasaktan, kuno. "Ouch, ouch. I will promise because you are my first and my forever girl," at nagwinked ako.

"Oh, I'm sorry babe. I will not do that again. But promise me that. Okay?"

"I will do it, for you," and i kissed her again.

One week later.

Andito kami sa airport at nagpapaalam na sa isa't isa. Parehas kasi kaming aalis ng Saipan pero magkaiba kami ng lugar. Siya sa Paris at ako naman ay sa Pilipinas. How sad L.

"I will call you later, Babe," she kissed me.

"Okay, I will wait for that call. I will really miss you much," and i kissed her back.

Nauna ang flight niya bago yung flight ko. And finally, I'm here at Philippines. Grabe dami chicks. HAHAHA. Pero wala nang gaganda sa Babe ko.

Andito na ako sa Palladium and i checked my wrist watch kung nakarating na siya sa Paris and two hours nalang ay malapit na niya akong tawagan. Excited na akong makausap siya. Hindi muna ako matutulog dahil hihintayin ko siya tumawag.

Two hours passed.

Grabe ang tagal ng two hours niya. Masyado na ata akong praning sa oras. Baka naman traffic kaya ganun. Pero uso ba traffic dun? Dito lang naman sa Pilipinas yun eh.

Magliligpit muna ako ng mga gamit.

CRACK!

Oops, may nalaglag. Ingat ingat din ho kasi Jeiko. Tatawag di yun kapag nakauwi na. Stay calm.

Pinulot ko yung bagay na nalaglag. And guess what?

I'ts only my phone. HAHA. Takot kayo 'no?

"Sus, praning na talaga ako. 'Di ba tatawag ka Joa-"

MY PHONE!

At ayun crack ang LCD ng cellphone ko. Pero wala akong pakialam sa phone ko basta tumawag lang si Joanne okay na ako. Inopen ko ang phone ko and kinabahan ako bigla.

"Oh my, Joanna. Sana hindi tama yung hinala ko. Wag muna ngayon please lang," and I hug my phone because

Joanna's picture was my wallpaper.

Ako na praning, four hours passed wala padin siyang tawag.

Dugdug. Dugdug.

Ayan kinakabahan na ako. Sana hindi tama ang hinala ko.

"Okay, maghintay pa ng isang oras. Nood muna ako TV," sabay bukas ng TV.

[Breaking News: Saipan Airlines, nag-plane crash sa Beirut, Lebanon. 100 sugatan, 50 patay....]

Okay may plane crash sa Lebanon at Saipan Airlines ang bumagsak.

Teka, Saipan Airlines?!?

[Ang flight number ng nasabing eroplano ay WAD1457JK...]

Sarado ng TV. Bigla na lang tumulo ang luha ko.

*END*              

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Code my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon