CHAPTER TWO

64 1 0
                                    

"Morgan, nasaan kana ba? Ang dami ng tao dito sa conference room. Ikaw nalang ang hinihintay. Nasa iyo pa naman ang original copy ng program." natatarantang sabi ni Meagan.

"I will be there in ten minutes, nag-overheat ung battery ko kasi. Sorry Meagan."

"Okay okay. Basta after ten minutes nandito kana. Baka mainip sila"

Ang totoo ay na-late siya ng gising dahil sa kakaiyak niya kagabi. Gumawa lang siya ng alibi para hindi na siya pagsabihan ulit ng bestfriend niya. Kapag iyon ang idadahilan niya siguradong mahabang usapan ulit iyon.

After ten minutes ay nakarating na siya sa conference room. Lahat ng employers ay nakatingin sa kanya.

"I'm apologize for being late." nahihiyang sabi ko.

"Morgan, simulan mo na ang proposal." wika ni Meagan.

"Pakihanda ung laptop pati ung projector para simulan na." tumingin ako sa mga employers. "Let's begin the meeting."

After the meeting..

"Grabe Morgan, kinaya mong mag-isa na magdiscuss sa mga employers ng proposal mo! You're very professional when it comes to our job," pagmamalaki ni Meagan. "Dinaig mo pa si Bill Gates!"

"Kahit ikaw naman e, magaling din. Gusto mo ikaw naman gumawa ng proposal next month? Sasabihin ko kay Sir," pakumbabang sinabi ko.

"Huwag na, ayokong mapuyat. E ikaw kaya mong hindi matulog ng isang linggo e." natatawang sabi niya.

"Pero hindi naman ako mukhang puyat, hindi ba?" sinuklay ko ang aking wavy hair.

"Oo na, maganda kana nga"

Totoo naman ang sinabi ni Meagan. Maganda talaga si Morgan kahit sa anong anggulo ito tingnan. Bulag nalang siguro ang hindi magkagusto sa kanya. She is like a barbie doll na walang mapipintas. Kaso nga lang, lagi siyang nakaslacks. Mutik na siyang makuhang model ng isang sikat na cosmetic na brand dahil napansin ang kanyang mapuputi at makinis na hita. Nagsuot siya kasi noon ng skirt kaya napansin agad. Kaya naman lagi na siyang nakaslacks.

"Ikaw din kaya maganda. Sinasabi mo lang iyan kasi may kailangan ka 'no?" nagtaas ako ng isang kilay.

"Ah eh, kasi, ano," napakamot siya sa ulo.

"Sabihin mo na kasi," pangungulit ko.

"E kasi, my emergency dun sa province kaya need kong umuwi," nakasimangot siya.

"Ano naman kung uuwi ka? Hindi ka naman nawawala ng isang taon ah."

"Pwede bang ikaw muna mag-manage ng trabaho ko?" tanong niya habang nagmamakaawa.

Natawa si Morgan nang makita ang expresyon ng mukha ni Meagan. "Ngayon ko lang napagtanto, hindi bagay sa iyo ang nagmamakaawa," humahalakhak pa ito.

"Morgan ano payag ka ba?" seyosong tanong ni Meagan

"Oo naman, Basta ba ikaw. Kaibigan kita e, hindi lang kaibigan, kinakapatid," niyakap niya ito. "Basta pag-uwi mo dalhan mo ako ng pasalubong," dagdag ko.

"Oo na. Kapalit un sa pagtulong sa mo sa akin"

"Ano ka ba Meagan, pasalubong lang ang kelangan ko, hindi kapalit," natatawang sabi ko.

"Kahit na, pinagod kaya kita. Dalawa ang trabaho mo kada isang araw." depensa nito.

"Basta Meagan, bumalik ka ng maaga. alam mo namang hindi ako sanay na wala akong kasama."

Hindi magiging masaya si Morgan kapag umalis si Meagan kaya itinabi niya muna ang lungkot.

"E pano kapag hindi na  ako makabalik?" tanong ni Meagan.

"Imposible no. ikaw hindi babalik, e kung ngayon pa lang kaya sabunutan kita?" inis na gulat ko.

"Joke lang. ito naman hindi mabiro," natatawang sabi niya.

"Oo na. Mag-lunch na tayo. gutom na ko knina pa dahil sa proposal," sabay tiningnan ko ang aking tummy.

"Halata ngang gutom kana. baka gusto mo akong itreat di'ba?"

"Wala pa tayong suweldo 'no?"

"Kahit na."

"E kung ikaw  na lang kaya manglibre 'no? Kasi ikaw ung mawawala ng matagal, " pang-aasar ko.

"Sige na nga ako na manglilibre. Pero dapat pagbalik ko ikaw naman manglilibre," ngumisi siya.

"Saan mo ba gusto kumain?"

"Kahit saan."

"Sa greenfield district na lang ulit tayo,"

"Teka-teka, wala kana bang alam na pwedeng pagkainan bukod sa greenfield district ha? Ano bang meron at dito lagi gusto mo?"

Pagkasabi ni Meagan at tumigil siya sa paglalakad, itinangala ang mukha sa kalangitan at nagbungtong-hininga. Naalala na naman niya ang naging pagsasama nila ni Jomari. Dito lagi sila kumakain kapag uwian nila galing sa school. Bukod sa masarap ang mga pagkain dito, kapansin-pansin ang magagandang bulaklak sa sidewalk. Kapag gabi naman ay maganda ang mga kulay ng ilaw sa mga buildings na nakapalibot dito. Kaya naman hindi siya nagsasawang pumunta dito.

"Naalala ko na itong lugar Morgan, dito kayo nagdedate ni Jomari 'di ba? Naku naman bakit di mo pa makalimutan yon. Ipinagpalit ka na nga niya, baliw na baliw ka pa doon. Hello 'te, may iba pa diyan na mas deserving sa'yo no"

"Oo na, eto na yung huli nating kain dito sa lugar na ito at pagkatapos ay sa iba na tayo kakain. O ano sapat na ba?"

"Ganyan dapat! Tara na nga kumain na tayo"

Pagsapit ng ika-lima ng hapon ay hinatid ni Morgan ang kaibigan sa terminal ng bus sa may Cubao.

"Siguraduhin mo lang na makakabalik ka agad ha? Mababaliw ako kapag nagtagal ka doon".

"Kung gusto mo sumama kana lang e para nakikita mo ang pinakamaganda sa balat ng lupa", pabiro na sabi ni Meagan.

“Kung pwede lang sumama e kaso madaming proposals na gagawin at ung mga iniwan mong memo gagawin ko din,” irap ko.

Tumawa ng malakas si Meagan.“Babawi naman ako sa pagbalik ko e. Ako lahat gagawa ng proposals mo, Promise,” na may ngisi.

“Naku ‘wag nalang Meagan. Baka matulad nanaman ung dati”.

Panong hindi masasabi iyon ni Morgan dahil palpak ang nagawa ni Meagan na proposal at humantong ito sa pagkadismaya ng mga IT Executives at napahiya nang lubusan si Morgan. Kayanaman khit anong klaseng proposal pa ang ibigay sa kanya, hindi na niyapinapagawa kay Meagan.

“Past is past ‘te kaya wag mo na balikan ‘yon,”

Pasado alas-siyete nang ng tatawag ng pasahero ang konduktor para sa mga bibiyaheng pa-Norte. Nagyakapan na ang dalawa na parang wala nang bukas.

“Ingat ka nalang Meagan, Pasalubong ha?” paiyak na sabi.”Balik ka agad”.

“Oo babalik ako wag kang mag-alala. Ingat ha at wag lagi isipin si Jhom. Nakaka-stress kaya,” pabiro nasabi ni Meagan

“Oo na,” mahinang tugon ko.

Nakaalis na ang bus pero nanatiling nagkakawayan ang dalawa hanggang sa mawala na sa paningin ni Morgan ang kaibigan.

Code my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon