PROLOGUE

78 6 1
                                    


T

aon 2021 Buwan ng Enero



"Ilang araw na po siyang tuliro at umiiyak. Kanina pa siya naka dungaw sa bintana na para bang may iba pang hinihintay. Nag-aalala na po ako sa kaniya." Ani manang seña habang pinagmamasdan ang kaawa-awang alaga na si Francine.

"Kumain na ba siya? O uminom man lang?" Nag-aalalang tanong ni Marites, ina ni Francine.

Mula sa pintuan, pinagmamasdan nila ang pagmumukmok ng dalaga na walang humpay ang pag luha habang naka dungaw sa bintana ng silid sa ikalawang palapag ng mansion.

Umiling si Seña.

Napasinghal naman si Marites.

Ilang sandali pa ay nagpasya itong lapitan ang anak. Hinaplos ng ina ang kaniyang mahabang buhok saka ito niyakap ng napakahigpit.

Nanatili lamang ang anak sa kaniyang posisyon. Tulala pa rin ito na para bang malalim ang iniisip.

"Anak naman, tulungan mo ang sarili mong makabangon. Narito lang ako palagi sa tabi mo." Saad ni marites saka hinawakan ang pisngi ng anak.

Hinarap siya ni francine na hindi man lang kinakitaan ng anumang ekspresyon. Agad din siyang dumungaw sa bintana at sandaling pumikit bago tuluyang humagulgol.

"Mama! Hindi ko na po kaya! Ma---ma...." Pag tangis ng dalaga habang sahod ng palad ang kaniyang mukha.

"Hija! Tahan na! Nariyan lamang sa ibaba ang mga bisita at kamag-anakan natin. Kailangan mong tatagan ang loob mo at harapin silang lahat ngayon." Usal ng ina habang inaalu ang anak.

"Francine, lakasan mo pa ang loob mo. Hindi ka papabayaan ng Diyos." Nahihikbing sabi ni Seña habang inaalalayan ang alaga sa pag tayo.

"Pero mama..."

Hindi pa man tapos mag salita si francine ay agad silang nagsipag ayos ng sarili matapos makarinig ng sunod-sunod na pagkatok mula sa labas ng silid ng dalaga.

"Hala! Madali ka at ayusin mo ang sarili mo." Usal ng ina sabay punas ng sariling luha.

Agad naman gumawi sa pinto si seña upang ipagbukas ng pinto ang sinumang kumatok.

"Francine? Kanina ka pa hinhintay sa baba ng panauhin at ng mga pinsan mo." Seryosong mungkahi ng kaniyang ama na si Cristobal.

"Opo Papa. Su--sunod na po ako." Utal na sabi ng dalaga at tipid na ngumiti sa ama.

Agad din bumaba ang kaniyang ama at ina upang asikasuhin ang bisita. Habang si Seña ay hinihintay ang alaga na ngayon ay walang ekspresyon nang sandaling titigan ang sarili sa salamin.

Tinakpan niya ng makapal na kolorete ang mugtong mata at mabilis na kumilos.

"Hindi siya tumupad sa pangako niya manang seña. Iniwan niya ako!" Pag tangis muli ni Francine na ngayon ay naka dungaw muli sa bintana ng silid. May kasamang poot iyon at ganon na lamang niya lukutin ang papel na naglalaman ng isang liham saka inihulog na lang basta sa sahig.

Huminga ng malalim ang dalaga bago tuluyang lumabas ng silid. Tahimik na nakasunod si seña sa alaga hanggang sa tuluyan na itong nakababa sa unang palapag.

May kaunting salu-salo at selebrasyon para sa araw na ito. Ngayon ang araw na namanhikan ang kaniyang manliligaw na si Ravell kasama ang kaniyang mga magulang na si Ginoong Dante at ina na si Rita del mundo. Kabilang din sa pagtitpon ang kaniyang tiya Gilda, panganay na kapatid ng kaniyang ama. Kasama ni Gilda ang dalawa pang dalagang anak na si Behatti at Beverly na magkaiba ang mga kinagisnang ama.

La Novia Fugitiva (tagalog story)Where stories live. Discover now