ENERO 5, 2018 (Nakaraan)

42 7 2
                                    

Francine P.O.V

"Mukhang malalim yata ang iniisip ng alaga ko?" Usisa ni manang seña bago naupo sa aking tabi.

May ngiti akong sumulyap sa kaniya bago bumalik ng tingin sa mga magsasaka na abala sa kani-kanilang gawain.

"Wala lang po ito." Tipid kong sagot saka umiling.

Isang umagang kay presko ang hatid ng hangin habang nakasilong kami sa ilalim ng puno ng niyog. Hindi kalayuan sa aming bakuran. Ang mansion ay napapaligiran ng daang libong ektaryang kalupaan at mayroong iba't-ibang pananim tulad na lamang ng kamote, sibuyas, ubas, at marami pang iba.

Ito ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga San Asuncion. Ang kalupaan ay pag-aari ng aking ama na kaniya pang minana sa kanunuan. Nag sanga ang negosyo kaya nagawa ni papa na bilhin ang iba pang lupa ng ibang magsasaka upang taniman ng kung anu-ano. Hindi nga nag laon ay napalago niya ito at napatakbo ng maayos ang negosyo katuwang ang aking mama marites.

"Asus! Sa akin ka pa ba mag lilihim? E, ako na halos ang nag palaki sa 'yo?" Natatawa niyang sabi sabay sundot sa aking tagiliran.

"Kahit kailan talaga wala akong maitatago sa inyo. Kabisado n'yo na talaga ang bawat kilos ko." Saad ko saka bumuga ng pag hinga sa bibig.

"Oh? Bakit naka busangot ka? May nangyari ba?" Taas kilay niyang tanong saka sandaling lumingon sa paligid.

"Si Ravell po kasi eh!"

"Bakit?" Tanong niya na mayroong kasamang pag aalala nang titigan ako sa aking mga mata.

Yumuko ako at pumikit.

Muling nagbalik sa akin ang mga naganap kagabi matapos ko ipagdiwang ang aking kaarawan.

"Muntik niya na po kasi saksakin ang sarili niya dahil sa~ pinagselosan niya ang kinakapatid kong si Rejun." Mungkahi ko na siyang kinabigla ni aling seña.

"Dios ko po!" Gulat niyang sambit saka napatakip ng kamay sa bibig.

"B-bakit? Paano?" Usisa niya at minsan pang nag matiyag sa paligid upang siguruhing walang ibang tao ang makakarinig ng pinag uusapan namin.

"Mabuti na lang at mabilis ko siyang napigilan. Nakakatakot po talaga siya lalo na kapag nagagalit siya bigla-bigla. Parang nagiging~"

"Parang ano?" Mahina niyang sambit.

"H-hindi normal?" Sagot ko.

"Francine!"

Tinig na siyang nagpatigil sa akin. Sabay naming nilingon ni aling seña ang pinagmulan ng boses. Gayon na lamang ang naramdaman kong kaba lalo na ng makita ko ang napakadilim nitong awra habang pailalim na nakatitig sa akin.

May dalang kilabot ang bawat pagsasalita niya. Seryoso itong lumapit sa kinaroroonan namin ni aling seña at walang anu-ano'y sinamaan ng tingin ang matanda na para bang nais niyang maglaho ito sa paningin niya.

"Ravell!" Tawag ko sa kaniya ngunit nananatili lamang itong nakatayo at nakatitig kay aling seña.

Hinawakan ko ang kamay ni aling seña. Naramdaman ko ang panlalamig at panginginig niya habang salitan kaming tinitignan ni ravell, kaya naman minabuti ko na siyang paalisin dahil inaalala ko ang lagay niya.

"Pumasok na po muna kayo aling seña. Susunod na po ako." Saad ko saka pilit na ngumiti sa kaniya para ipaalam na ayos lang sa akin ang maiwan mag-isa kasama si ravell.

La Novia Fugitiva (tagalog story)Where stories live. Discover now