8

67 5 0
                                    

[MESSENGER]

BASTA GROUP CHAT ITO

8:41 PM

Christy
Nandiyan naman pala si Art eh, hindi na natin kailangang maghanap

Steve
Art pabuhat charot

Art
Bigat mo kaya at isa pa malaki ka na, kaya mo nang buhatin ang sarili mo

Lyle
Agree ba kayo na si Art nalang leader natin?

Seen by you and 3 others

Sam replied to Lyle
Oo naman, baka Art iyan

Colin
Yes.

Aris
Okay for me.

Lyle
Hindi na pala kailangan ng approval niyo, pumayag na si Aris.

Christy
Ano ka ba Lyle. Miyembro parin kami. Kaya may karapatan kami noh dzuh

Aris replied to Christy
She had a point.

Steve
Baka Aris iyan HAHAHA

Sam
Nagpapa good shot na naman siya sa pinsan

Colin
So what's the plan?

Art
We will meet at saturday sa coffee shop, malapit sa school. 12 PM 'pag wala kayo, ewan ko nalang.

@Colin Isaac Tongco @Christy Lyrish @Christian Lyle @Aris Fiore @Steve Skynard @Sam Gonzalez paki note para hindi niyo makalimutan.

Seen by everyone

Artemis Lucrece change the name of the group to Engineering Data Analysis

-

Classy Chismosa Squad

8:52pm

Honey taga luto
@Krizza all in one ang gawain @Aris taga hugas mga anteh anong trip niyo sa twitter? 🙄

Aleia taga linis
Dito kayo maglapag ng stand niyo hahaha

Honey taga luto replied to Aleia taga linis
At may gana ka pa talagang mangunsinti, 'no?
Baka magkainitan iyong dalawa, ikaw ang umawat ha, @Aleia taga linis

Aleia taga linis
I just want to know their stand more, madam, that's it.

Honey taga luto
@Krizza all in one ang gawain @Aris taga hugas ano na?
Kanina ka pa typing, aris

Aris taga hugas
I am just amazed at someone's perspective. Somehow, I can say that I am not really alone; there's someone who has the same perspective as me. That's why I decided to tweet it. 
Krizza, on the other hand, try to rebut me. That's why we ended up like that.
It's not a big deal, though. I'm not sure about Krizza.

Krizza all in one ang gawain replied to Aris taga hugas
Not a big deal to me also
Alam ko namang may iba-iba tayong paniniwala at opinyon sa buhay, and I respect that

Honey taga luto
Aris nakakapikon 🙄

Aris taga hugas replied to Honey taga luto
Ano ba'ng ginawa kong mali?

Aleia taga linis
Wala ka namang ginawang mali, Aris
Alam ko na sasabihin ni madam 😭😭😭
Na predict ko na hahaha

Honey taga luto
Pinoy tayo Aris hindi foreigner, tama na kaka english sa chat
I find it weird

Aris taga hugas
Mas madali ko kasing ma e-explain iyong point ko kung english.
And, @Honey taga luto , akala ko ba weird, e, bakit nag e-english ka riyan?

Krizza all in one ang gawain
HAHAHA wala talaga tayong laban kay Aris 'pag nahanapan na tayo ng butas 😭

Aleia taga linis
Agree ako sa'yo, Kriz hahaha

//

Flowers Of Time (Inspired Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon