PROLOUGE

783 11 1
                                    

PROLOGUE

I just know people will hate me after hearing my story. But just hear me out, please?

It all started on one hot afternoon in mid-February. Tandang tanda ko pa 'yung araw na 'yun. It was just one normal Saturday, hindi ko inasahan na sa simpleng araw na 'yun pala mag-uumpisa ang lahat. So how could I forget?

"Sige na, last round tapos you can take your break and then group 2 naman ang susunod na mag-practice," anunsiyo ng adviser ng klase namin.

Dinig na dinig ko ang angil ng mga kaklase kong kagaya ko ay pagod na rin sa kakasayaw. Kanina pa kami paulit-ulit na umuulit sa practice. Wala naman kaming magagawa kung majority talaga sa amin ay parehas kaliwa ang paa. Hindi rin naman lalo nakakatulong ang init.

Bakit ba kasi ang init sa Pilipinas?!

"Okay, bilis na para matapos na!" ani ng dance instructor namin.

Kahit pagod, determinado kaming lahat na makapagpahinga na kaya naman ginalingan namin. Todo effort! Lahat kami sabay-sabay.

"Okay, good! Magaling! Sabay sabay lahat!" puri sa amin ng aming dance instructor matapos kaming sumayaw. "Okay, sige na break na kayo group 1. Group 2 next! Dalian na at sayang ang oras!"

Lahat kami ay nagsitakbuhan papalayo sa school quadrangle at pawisan kaming pumasok pabalik sa loob ng classroom pagkatapos naming mapractice ang part naming sa sayaw. Unahan kaming tumapat sa mga electric fan sa classroom.

"Ang init!" maarteng reklamo ni Alice sabay labas ng tubig mula sa bag niya. "Kung bakit naman kasi hapon pa ang practice, pwede naman na umaga sana para hindi sana ganito kainit!" dagdag pa nitong reklamo matapos uminom ng tubig.

Pinakinggan ko lang ang mga reklamo ng kaibigan ko habang busy akong nagpupunas ng pawis. Nilagay ko sa pinakamalakas na setting ang electric fan at tinutok sa amin. Mukhang nag-grupo grupo na ang mga kaklase ko at kanya kanya kaming nag kumpulan sa mga electric fan.

"Nakikinig ka ba? Huy, hindi ka naman nakikinig, eh!" tawag atensiyon sa akin ni Alice.

"Oo na nga, sabi ko nga mainit nga. Tama ka nga, eh," pagod kong sagot dito.

Tinuloy ko lang ang pag punas ko ng tumutulo kong pawis habang patuloy si Alice sa pagrereklamo. Tinabihan na rin niya ako at tumutok na rin sa electric fan.

"Ang tagal naman kasi ng aircon, eh! Balita ko next school year pa nga," dagdag pa nito.

Although I agree with what she's saying, wala na lang talaga akong energy para pa makipag-usap. Sobrang pagod sa practice sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Kung bakit kasi hindi covered court ang grounds ng school namin.

Our school's foundation day celebration is coming up kung kaya naman ay talagang kahit Sabado ay nandito kami sa school para sa practice. Some of our classes are getting cancelled left and right dahil sobrang busy sa preparations talaga but we're all being compensated naman, we get extra points for this so hindi naman affected ang grades namin.

"From the top! Hindi sabay sabay!" narinig kong sigaw ng dance instructor sa mga ibang kaklase kong nagpapractice sa labas.

Kitang kita ko sa mga mukha nila ang reklamo. They are tired for sure! Pero halos kakaumpisa lang naman nila. Kanina kami ang nanunang nag practice at halos higit isang oras kami doon.

"Sige na, formation na! Ang init init na, oh!" sigaw ulit ng dance instructor. "Okay, ready? Five. Six. Five. Six. Seven. Eight!" and my classmates started dancing on cue.

Secrets after SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon