CHAPTER 2

22 0 1
                                    


CHAPTER 2

Grade 10

Nagmamadali kong isinuksok sa loob ng bag ang mga gamit ko nang tumunog na ang bell.

"Okay, class, don't forget your groupings, and remember na ang deadline is two weeks from now. See you all tomorrow," our English teacher said before dismissing our class.

"Oh, group three, gawa na lang ako ng GC! Doon na tayo mag-usap!" narinig kong sigaw ng isang kaklase ko na si Joanne.

Ayun, ka-grupo ko pala! Ayos na 'yun.

"Add mo na lang ako, Jo!" sagot ko sa kanya.

"Sige, sige, ako na bahala!" aniya sabay madaling lumabas ng classroom.

"Uuwi na ba kayo, or pwede pa tayo pumunta sa town plaza at mag meryenda?" tanong ni Gabriel sa aming tatlo.

"Hmm... ako pwede pa naman, ayos lang," sagot ni Lilibeth.

"Sasama ako kung sasama rin si Kath," ani Gianna.

Ngumuso naman ako rito. Ako pa talaga nga?

"Sige, tara!" pag sang-ayon ko sa plano.

"Wala ka bang sundo ngayon?" takang tanong ni Lilibeth.

"Pwede ko naman sabihin kay mommy na 'wag na ako sunduin. Ayos na 'yun!" sagot ko rito.

Sa aming apat, ako ang consistent na hatid-sundo ng parents dahil halos kasabay ng school hours ko ang office hours ni mommy. Hindi naman sila strict sa akin, pag gusto kong tumambay sa hapon after class ay pinapayagan naman ako ni mommy. Walang curfew pero ayaw ko rin naman abusuhin ang tiwala nila sa akin kaya I still try to be home before sunset.

Silang tatlo naman ay minsan hatid-sundo rin but they opt to commute lalo na after class dahil mahilig sila sa gala. I would say na I'm an ambivert, at sila naman ay extrovert. LMy social battery runs out quickly.

I texted my mom and told her about the plan. At gaya ng sabi ko, hindi sila strict. Pinayagan ako agad ni mommy but of course pinaalalahanan na mag-ingat at umuwi bago magdilim.

The four of us commuted papuntang town. Madaming food stalls doon pero tumambay kami sa usual na food stall na kinakainan namin. Madami na rin kaming schoolmates sa area, even mga students from neighboring schools ay nakatambay rin sa lugar.

"Oh, ano order?" tanong ni Gabriel.

"'Yung usual lang sa 'kin" pag-umpisa ko. I always order the same food here – either cheese fries or cheese sticks, Hawaiian burger and softdrinks o kaya naman kahit anong fruit shake.

We all gave our orders kay Gabriel, he also paid for them.

"Wow, galante tayo today?" tukso ni Lilibeth.

"Ngayon lang 'to!" sagot naman dito.

Habang kumakain kami ay nakatanggap ako ng chat sa messenger.

GROUP 3 ENGLISH, basa ko sa pangalan ng group chat.

Bubuksan ko na sana ang group chat nang biglang may natanggap ulit ako na message.

LIAM: Nakauwi ka na?

Napangiti naman ako sa nabasa kong message na 'to. Agad agad akong nag-tipa ng reply.

KATHERINE: Hindi, tambay pa kami dito sa town. Ikaw?

LIAM: Ah. Sino kasama mo? Nakauwi na ako, eh.

KATHERINE: Wala, kami lang naman apat as usual.

Secrets after SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon