CHAPTER 1

218 6 0
                                    

CHAPTER 1

Grade 6


Tamad akong bumangon sa kama matapos akong gisingin ni mommy. Alas sais na rin kasi ng umaga, isang oras na lang ay flag ceremony na. Ayaw ko naman ma-late lalo na sobrang strict pa ng adviser namin. Kapag nahuli ka kasi niyang late sa flag ceremony, papatayuhin ka niya sa quadrangle at ipapaulit sa 'yo ang buong flag ceremony kahit mag-isa ka lang.

Alam kong dapat excited ako ngayon dahil Christmas party namin, kaso puyat kasi ako. Nag-aral pa kasi ako kagabi dahil may isa pa kaming exam ngayong umaga bago ang Christmas party. Hindi nan ga sana ako mag-aaral kaso hinahabol ko ang honor roll.

"Oh, akala ko hindi ka pa babangon, eh" bungad ni mommy nang nakita ako nitong pababa ng hagdan.

"Eto na nga po," sagot ko dito sabay hikab.

Umupo na ako at sabay sabay kaming kumain na apat – ako, si daddy, si mommy at ang nakababata kong kapatid na si Kristine.

Matapos kumain ay nagmadali na akong nagbihis. Since it's our Christmas party, civilian kami today at hindi uniform. Excited kong sinuot ang bago kong damit na talagang pinamili pa namin last week para sa araw na 'to. After I was done, I made sure na nakuha ko lahat ng regalo ko para sa mga kaibigan ko at sa nabunot ko sa exchange gift and then off we went to school.

"Kath!" excited na tawag sa akin ni Gianna nang magkasalubong kami sa gate ng paaralan.

"Gianna!" bati ko rito.

Sabay na kaming naglakad papunta sa classroom. Pagkapasok ay talagang masasabi mong paskong pasko na! We already had our Christmas decors up since the beginning of the month but our class adviser put up more decors. Ang ganda! There were lots of garlands every where tapos may backdrop pa!

"'Uy! Andito na pala kayo! Tara na, ilagay niyo na gifts niyo sa ilalim ng Christmas tree!" ani Lilibeth sa amin.

Hindi nag tagal ay dumating na si Gabriel, at kagaya ng napagakasunduan naming magkakaibigan, kaming apat ay nakasuot ng kulay pula na shirts. Konting picture picture muna ang ginawa namin bago nag-ring ang alarm hudyat na mag-uumpisa na ang flag ceremony.

"Ay, sorry!" paumanhin sa akin ng isang lalaki matapos akong mabunggo nito.

Pag lingon ko sa kung sino iyon ay bahagyang nawala ako sa huwisyo.

"L-Liam!" gulat kong tawag dito. "Ayos lang!" hiya kong sabi rito. Ano ba, bakit ba ako ganito lagi kapag nakikita ko si Liam!

"Weh? Baka may masakit?" concerned nitong tanong sa akin na lalo pang nakapagpakaba sa akin.

"Ha, ah, hindi! Okay lang talaga," kabado ko lalong sagot.

"Okay. Sige, mamaya na lang!" aniya.

Halos mamula mula ang pisngi ko sa maliit naming pag-uusap.

"Uuuuy!" tukso naman sa akin ni Lilibeth at Gianne. "Nagba-blush!" sabay pa nilang sabi.

"Sshh!" suway ko sa mga ito. "Baka may makarining, nakakahiya!" dagdag ko sabay silip sa pwesto ni Liam na nahuli kong nakangisi habang nakatingin sa amin banda kaya naman agad agad kong iniwas ang aking tingin.

Rinig ko ang mapang-asar na tawa ng mga kaibigan ko sa akin habang ako naman ay hiyang hiya.

I have been crushing on Liam since the beginning of the school year. It was really funny nga kung paano nag-umpisa. Inaasar asar lang kami noon ng mga kaklase naming because of one incident. Nagkabunguan kasi kami noon at nahulog ang mga bitbit kong test papers tapos tinulungan niya akong puliutin iyon. It happened in the middle of the class noong mautusan ako na idistribute ang nacheck na test papers. It's so cliché!

Secrets after SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon