C•H 14

27 1 0
                                    

Nag-tatalo ang isip at paa ko kung baba ba ako ng kotse o hindi mahigit ilang taon na rin ang nakakalipas simula nung tumakas ako sa kanila

Dahil na rin sa kahihiyan na ginawa ko noon, natatakot ako kung ano man ang sasabihin nila sakin kapag nalaman nila na buntis ako ng isang kriminal

Agad naman akong napatingin kay red na nakakunot-noo na tila nag hihintay yata sakin na bumaba ako

"May balak ka pa bang bumaba hon?"

"Mauna ka munang bumaba?"nakangiting saad ko na agad naman itong bumaba at pinag-buksan ako ng pinto

Agad kong nakita ang bunso kong kapatid na ipaparada ang bike sa may kanto ng bahay namin at napatigil sya nang makita nya ako

"A-ate??"gulat na saad nito na agad nag gilid ang luha ko na akmang lalapitan sya ngunit agad itong pumasok sa loob para tawagin sila mama

"Ma! Si ate nandito!"agad naman itong lumabas ulit na mabilis na yumakap sakin

"Bat ngayon ka lang bumalik ate? San ka ba nag punta?"

Binata na kasi ito at napakagwapo rin..samantalang uhugin pa ito nung huling kita ko sa kanya

"Angela...anak? Ikaw ba talaga yan?"humihikbing saad ni mama habang papalapit sakin na hibdi ko na rin napigilang umiyak sa kanya

"Ma..I'm sorry"tanging saad ko lang sa pagitan ng yakapan namin habang tumutulo ang luha naming dalawa

"Hay! Ano ba bat ba ang drama? Hala! Pumasok na muna kayong mag-asawa sa loob at angela..hinihintay ka rin nya.."

"S-si papa? P-pero pano nyo nalaman..-"

"Matagal na anak..sa katunayan sya ang tumulong samin na maoperahan ang tatay mo sa hospital.."

Agad akong napatingin kay red na mabilis nyang pinunasan ang pisngi ko na tumulo ulit sa kanya

Napaka-dami nya na palang nagawa na itinatago nya lang sakin

......

"Magaling na sya anak ang kaso nga lang hirap na ang tatay mo mag-lakad kaya naka wheelchair na sya ngayon.."mapait na ngiti ni mama na agad ko itong hinawakan sa kamay at tinignan si papa na nakatingin sa bintana ng kwarto nya habang may hawak na kape at pinag-mamasdan ang paligid sa labas

"Lapitan mo na angela..siguradong matutuwa yun pag nakita ka.."

Agad naman  akong dahan-dahan na lumapit sa kanya at mukhang naramdaman nya ang presensya ko

Mabilis naman syang lumingon at mukhang nagulat nang makita nya ako

"P-pa.. k-kamusta po kayo?"kinakabahan na tanong ko na agad naman itong ngumiti

"Mabuti at bumalik ka na anak.."agad naman akong napaiyak at mabilis na niyakap sya..namimiss ko na yung mga panahon na lagi nya kong kinakarga nung bata pa ako

"Kasama mo ba ang asawa mo anak?"

"Kilala nyo po si red?"

"Oo naman..malaki ang utang na loob ko sa batang yun..kung hindi dahil sa kanya..hindi ako mabubuhay ng matagal nung panahon na gipit tayo..nagpapasalamat ako dahil hindi ka nya iniwan at hindi ako tutol kung mag-papakasal kayong dalawa..tatanggapin ko iyon.."mahabang saad nito na halatang botong-boto kay red at nag-papasalamat ako dahil tanggap nila si red kahit nakulong na ito noon

"Maraming salamat sa lahat pa..na miss kita at marami akong kwento sa inyo..hinihintay na rin kayo ng apo nyo.."mabilis naman na lumiwanang ang mukha nito

"May anak ka na? Nasan na sya? Hindi nyo ba sinama ang apo ko?"sunod-sunod na tanong nito na ikinangiti ko naman

"Pasensya na tay ehh may pasok po kasi si exekiel kaya iniwan ko po muna sa mama ni red..hayaan nyo po dadalhin ko po dun para makita sya..sa ngayon kumain na muna tayo sa baba at ituloy dun ang pag-uusap kasama sila mama.."agad naman itong tumango at ako na mismo ang nagtulak ng wheelchair nya para pumunta sa lamesa

.....

"Dito na tayo matulog.."tumingin naman ito sa akin at saka lumapit para halikan ako sa noo

"Okay..na kay mama naman ang anak natin..i know you miss them so much wife..hindi kita pipigilan kung gusto mo pa sila makasama.."agad akong napangiti sa sinabi nya at mabilis na sumandal sa dibdib nya para yakapin sya

"Nag-usap na kami ng magulang mo..bukas na bukas pakakasalan na kita.."agad nanlaki ang mata ko sa sinabi nya

"A-agad?"tumango naman ito

"Bakit? Ayaw mo bang magpakasal sakin agad?"

"N-no hindi naman..ano kasi..parang ang bilis naman-"

"I love you angela..mahal kita gusto ko nang matali ka sakin para wala ka nang kawala at hindi ka na magtatago ulit o itago ulit si exekiel sakin..kung ayaw mong magpakasal agad mapipilitan akong kaladkarin ka sa altar para makasal agad tayo.."agad naman akong natawa sa sinabi nya dahil talagang apurado na syang magpakasal

"Hindi naman..wala ka pa ngang sing-sing na binigay sakin.."

"Really..eh ano yang suot mo?"agad akong nagulat nang makita kong may suot akong singsing

"T-teka wala naman akong suot nito kanina.."

"Kakalagay ko lang..mukhang di mo naman naramdaman..ayoko nang lumuhod pa para mag propose sayo mag-pakasal ..sa ayaw at sa gusto mo mag-papakasal tayo.."agad naman akong napairap at napailing na lang sa kanya

Criminal Heart (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon