•CH• 2

51 3 0
                                    

Angela POV:

Its been 5 years.. Sa loob ng limang  taon ay  maraming dumaan saking  problema at hirap na nilampasan ko

Umabot pa sa puntong  na depressed ako nang malaman ko ring nabuntis ako at tuwing hinahawakan ko nun ang aking  tyan  ay  naaalala ko lamang ang kababuyang ginawa nya sakin

Pero inalis  ko yun sa isip ko dahil binigay  sakin to' ng Diyos kaya dapat na magpasalamat ako

Agad akong nagpaka-layo muna para baguhin ang buhay ko at makapagsimula ulit kasama ang magiging  anak ko

Hindi na rin ako nagtangka na sabihin kila keeshia ang nangyari sakin at Hindi rin nila alam kung saan ako pumunta basta  ang alam ko yun ang makakabuti dahil magagalit  lamang sya pag nalaman nya ang nangyari sakin

At malaman nya na ang gumahasa sakin ay  ang taong  nang kidnapped ng anak nila na si thunder ayoko lang na lumala pa ang problema  nila dahil sakin

Kaya minabuti ko na lang na itago sa kanila at ganon na rin sa pamilya ko

Siguradong nag-aalala na rin sila kung bakit Hindi ko na rin sila nadadalaw man lang at pinapadalhan ko na lamang sila ng pera para sa panggastusin nila sa araw-araw

Agad akong napangiti ng makita ko ang anak Kong si Jieverz Ezekiel Tagayuna na masayang  naglalaro kasama ang bulldog nyang aso nandito kami ngayon sa park dito sa may Baguio at tuwing linggo pag wala akong pasok sa trabaho ay  namamasyal kami pagkatapos naming magsimba

since single mom naman ako ipilyido ko ang ginamit ko sa anak ko at wala akong balak na ipakilala sa lalaking nanggahasa sakin ang anak nya

Siguradong Hindi naman na sila makikitang mag-ama dahil nasa  kulungan na ito ngayon at baka doon  na sya habang-buhay sa dami ba naman ng kasalanang  nagawa nya

Muli  ko syang pinagmasdan dito sa may lilim ng puno  habang nakalatag ang kumot at inihahanda ko na rin ang pagkain..naisipan naming mag-piknik dahil maganda naman ang panahon ngayon at masarap ditong magpahangin dahil tahimik at walang masyadong tao ngayon

"Mommy... I'm hungry now.." Nakangusong  saad ni Ezekiel habang pagod  na papalapit sakin habang kasunod nya ang asong  si Douglas

"Alright..baby come here now..the food is ready.." Saad ko sa kanya habang pinupunasan ko muna ang pawis nya dahil sa kakalaro nya kanina

"Wow!! Mukhang masarap lahat mom..sana araw-araw.. Palagi tayong  namamasyal na dalawa..gusto ko kasi..lagi tayong  mag kasama mom..bihira na lang tayo mag bonding.." Nagtatampong saad nito at Hindi ko na napigilan na kurutin sya sa pisngi dahil sa sobrang cute nya sayang nga lang dahil Hindi ko sya naging ka-mukha at kapansin-pansin ang abuhin nyang mata

Alam Kong galing  ito sa ama nya at halos lahat nakuha nito maliban na lang sa kissable lips na nakuha  nya lang sakin at yun ang Hindi katanggap-tanggap dahil parang  nakikita ko ang anak ko sa kanya pero mas  natutumbasan nito ang pagmamahal ko sa anak ko kaya gagawin ko ang lahat maibigay ko lamang sya ng maayos na buhay

"Di ba..nag tatrabaho si mommy para may makain tayo at maibili kita ng magagandang toys..kung wala akong trabaho Hindi na tayo makakapasyal..gusto mo ba nun..?" Saad ko at umiling lamang sya habang nilalantakan na ang pagkain ganon din si Douglas na ngayo'y kumakain na rin ng dog food sa tabi namin

"Sorry mom..sobrang na miss lang po kita..promise po..Hindi na po ako mangungulit.." Kaagad akong napangiti at hinalikan agad sya sa leeg na ikinatawa nito dahil malakas ang kiliti nya sa leeg

Maswerte ako sa kanya dahil lumaki syang mabait na bata at magalang  di tulad ni thunder..saksakan ng salbahe at ano pa napapaaway rin ako sa magulang ng kaaway nya..tuwing nakikibuno sya sa mga kaklase nya..kaya ang ending, guidance ang bagsak namin..Hayss! nakaka miss rin naman ang mga apat  na kambal na yon

Criminal Heart (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon