C.H 8

55 2 0
                                    

agad nag angat ang ulo ko para tignan ang malaking bahay na cyan ang kulay sobrang daming ibang klaseng bulaklak at talagang mapapahanga ka sa ganda ng mga iyon,
mukhang mahilig sa bulaklak ang mama ni red, ang buong kalupaan ay nababalutan ng bermuda grass na mas nagpapatingkad sa kulay ng paligid. Sa gitna matatagpuan ang
mistulang platform na yari sa semento na nagsisilbing daan papasok sa mansyon. Labis akong namangha sa disenyo at struktura nitong taglay. Makabago at isa ito sa
mga disenyong pinapangarap ko, isang 3D interior house design. Sa sala bubungad ang pabilog at mahabang sofa ngunit ang mas nakaagaw pansin ay ang sahig nito na may
kagubatan at may isang malaking ahas na nakatayo na para bang handa ka nang tukain ano mang oras. Kung may  mag nanakaw na tanga dito baka mapatakbo sa takot dahil para
talaga siyang totong ahas. Ang dingding ay may disenyong baging na puno ng mga dahon at makukulay na bulaklak.

"Red, iihi muna ako, saan banda yung banyo?"

"Samahan na kita, maligaw ka pa eh kiddo stay right here..dun ka muna sa sofa maupo sasamahan ko lang ang mommy mo sa banyo"tumango lamang ito at mukhang nalibang
na rin syang tignan ang paligid ng mansyon

Dali-dali akong pumasok sa banyo at talaga namang puputok na pantog ko, ngunit labis akong namangha ng makita ang disenyo nito. Kung sa sala mala jungle theme, sa banyo
naman ay isang paraiso. May napakagandang waterfalls sa gitnang bahagi kung saan nakalagay ang shower at ang sahig ay gawa sa transparent na salamin at makikita ang asul
na tubig kasama ang mga magaganda at hindi ordinaryong uri ng isa.Nakakatakot naman to,pano kaya pagnabasag yang salamin,baka malunod ako nito

"Angela! tapos ka na ba dyan?"

Ay sheeettte nakalimutan kong umihi

"sandali, malapit na"mabilis naman akong umihi at agad na lumabas ng banyo nag babalak pa sana akong mag selfie dito kaso mukhang naiinip na itong isa kakahintay
siguro mamaya na lang kapag naihi ulit ako

"mabuti naman at naiisipan mo pang lumabas sa banyo.."bored na saad nito habang nakapamulsa

"ang ganda naman ng bahay nyo kakaiba..pwede bang mag selfie mamaya.."masayang saad ko na excited na nilabas ang cellphone

"bahala ka..come on nag-hihintay na si mommy sa lamesa.."tipid na saad nito at nauna nang mag lakad sumunod naman ako sa kanya at nakita namin si exekiel na may
kausap na medyo mat edad na na babae ngunit kita pa rin ang ganda nya napaka simple lang nya agad akong kinabahan nang malaman kong nanay pala ito ni red

"Mom..dapat nag-hintay na lang kayo sa lamesa..papunta na sana na kami don.."medyo inis na saad ni red sa ina na agad naman itong ngumiti nang makita nya kami

"I can't wait Red na makita ang apo ko and look..kamukha mo sya nung bata ka pa.."agad na pinisil ang pisngi ni exekiel na ngumiti lamang ito at niyakap ang lola
nya ni hindi na ko umimik na kamukha nya nga si red kitang-kita naman ehh sya lang yata ang hindi nakakapansin at nag-papasalamat na rin ako dun

"So, pano kayo nagkakilala iha ng anak kong si red?"nakangiting tanong nito na kasalukuyang nandito na kami sa hapag-kainan na madami namang putahe ang inihanda ng
mga katulong nila

"Aahhmm....s-sa.."

"Sa mall mom so stop asking about that!"singit ni red sa tabi ko na napalingon agad ako sa kanya, dahil sa mall talaga kami nagkakakilala nun. naaalala nya na kaya?
sana hindi pa, parte lang sana toh ng pagpapanggap namin para kay exekiel.

"Ang bastos mo talagang bata ka! nagtatanong lang ako kung pano kayo nagkakilala ng asawa mo masaba ba?!"inis na saad nito

"Lola..nag-aaway po ba kayo ni dad?"singit naman ni exekiel na mabilis na umiling ang ina ni red habang ang isa ay patuloy sa pagkain.

Criminal Heart (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon