"You two can be a perfect couple."
"You two can be a perfect couple."
"You two can be a perfect couple."
Ano?! Anong sabi nya? 'You two can be a perfect couple.' Ohmigosh! Hindi pwede to. Sumilip ako sa katabi kong si Zayn ayun ang loko ngingiti ngiti lang. Hindi man umangal ang isang to. Hindi talaga maasahan. Tsk.
"Teach---." Pinutol nya ang pagsasalita ko.
"Just kidding," Sabi nito habang tumatawa. "Okay, gaya ng sabi ko kayo ang magiging representative ng section na to." Pagpapaliwang nito.
Binigay na niya ang mga tasks namin at nag-ayos na para umalis. Kaming dalawa na lang ang naiwan ngayon dito sa classroom.
"Bwiset naman kasi, Argh! Kainis. Pahamak talaga 'tong lalaking to." Mariin kong bulong habang inaayos ko ang bag ko.
Napatingin ako sa bandang kaliwa ko kung nasan si Zayn na ngumingit ngiti ng nakakaloko.
"Bwisit talaga ang lalaki to! Ba't pa kasi nandito yang palaka na yan!" Muli kong bulong, sabay tingin sakanya.
Narinig ko syang tumawa ng malakas. "Bakit kaba inis na inis sakin? Wala naman akong ginawa ah?" Natatawa nitong saad.
Huminga ako ng malalalim bago nag-salita. "Tanga ka ba? O sadyang tanga lang?!" Sabi ko. Seriously? Walang syang maalala? Eh, halos ako mabangungot na lahat lahat pero sya? Shocks, kalma lang? Argh!
"See? Wal--." Napahinto ako sa pagsasalita ng lumitaw si Teacher.
"What's happening here, guys?" Pambubungad nito.
Sasagot na sana ako ng biglang magsalita si Zayn.
"Nothing serious. it's just an LQ." Sabi nito ng natatawa pa. Ano?! Lq? As in Love Quarrel?! Shit! Shit ka talaga Zayn! Humanda ka sakin mamaya!
"Joke," Pag-uumpisa uli nya. "Natatawa lang kasi ako dito kay Jess. Ang cute cute kasi." At hinila ang pisngi ko kaya agad ko naman itong siniko.
"Aww! What was that for?!" Pag-aamba nito sa tagiliran.
"Oops. Sorry, 'di ko sinasadya masyado lang kasing atat ang kamay kong dumapo sa mukha mo kaya," Napasinghap ako sa pagtitimpi. "Dumapo muna sa tagiliran mo." Sabi kong tumatawa ng peke.
"Bagay nga sayo. Ha-ha." Mariin kong bulong ulit.
"Ow, I see, may nakalimutan lang ako kaya bumalik ako," Pagpapakita nya sa cellphone nya. "So, gotta go guys. May klase pa kasi ako."
Umalis na ito kaya kaming dalawa na lang ang natitira ulit dito. Inayos ko na ang mga gamit ko at lumbas na.
"Jess! Wait for me!" Shit, sya na naman. Humarap ako sakanya. "Ano?!" Padabog kong sabi.
Imbis na sagutin ako hinila nya ako papuntang gate. Akmang lalabas na kami ng hilain ko sya gamit ang buong lakas ko.
"Ano ba?! May pasok pa tayo, ah?" Bulong ko sakanya dahil marami ng nakatingin samin. Ngumiti lang sya bilang tugon at agad akong hinila at sabay takbo.
"Shit! Yung guard! Dali!" Sabi nito habang tumatakbo kami.
"'Di ko na ka--kaya. Ta--tama na." Tumigil ako sa isang tabi at dinama ang dibdib ko. Kainis sya. Ang hirap huminga. Ikaw ba naman tumakbo ng tumakbo?
"Ayos wala na sila," Tumigil rin sya sa gilid ko at humarap sakin. "Ayos ka lang ba?" Sabay dama nito sa likod ko.
Tinampa ko ang kamay nya at magsasakita na sana ng biglang tumunog ang cellphone. Kinalkal ko ang cellphone ko sa bag ko pero wala. Wala?! Nasan na?! Nilapag ko ang bag ko sa lapag at tinapon ang mga laman nito.
"Hindi pwedeng mawala yun. Nandun yung pera ko." Naalala ko yung pera kong nasa loob ng case ng cellphone ko. Makakalimutin kasi ako kaya nilalagay ko dun para isa na lang ang inaalala ko, yung cellphone. Meron naman akong wallet at pouch pero hindi ko na kailigan maglagay ng pera do'n eh.
"Eto ba ang hinahanap mo?" Sabay wagayway ng cellphone ko. Hinablot ko agad at ito at tinanggal ang case nito. Thanks God at nandito pa ang pera ko. Baka kasi wala akong pang-lunch.
Humarap ako sakanya at tinignan sya ng masama. "You idiot!" Sigaw ko dito. Nakakainis nakuha pa nyang magnakaw. Tsk.
"What? I did not steal that thing." Iling nito. Liar. Huh.
Inirapan ko na lang sya nag-umpisa ng maglakad ng maalala ko ang dahilan kubg bakit ko hinanap ang cellphone ko. Tinignan ko ito pero wala naman. Uh. Baka nagkakamali lang ako?
"Ah. Oo nga pala nag-text si tita, magkakaroon ng kaunting dinner party mamaya sa bahay nyo. Pero mga kaibigan lang at mga kapamilya lang ang darating mamaya." Dire-diretso nitong sabi.
Blah. Blah. Blah. Magsalita ka lang. Bahala ka sa buhay mo.
Iniwan ko na sya at pumunta na lang sa malapit na restaurant na 'di kalayuan dito mula sa school namin. Bago pa lang ito kaya chak mura.
Mag-oorder na sana ako ng biglang may umupo sa harapan ko. Uh. I know. A first lunch with him again. Napairap na lang ako sa kawalan.
"May I join?" Sabi nito pero nakaupo na. Pinabayaan ko na lang sya at nag-order na.
"Hm. Steak and salad na lang po," Sabay bigay ko dito ng menu. Diet muna ako, this past few days kasi napapakain ako ng madalas.
"What will be yours sir?" Tanong nito kay Zayn.
"Ah. Parehas na lang kami," Sagot nito. "And. Ow, I forgot Mango juice and Orange juice pala." Sabi nito bago binigay ang menu habang nakangiting tumitingin sakin. Ok, alam ko na ang iniisip nito, makakalimutin.
"You forgot." Ngiti nitong nakakaloko. Tumango na lang ako bilang tugon para makaiwas na lang sa inis.
Maya maya pa ay dumating narin ang aming order at nagsimula nakong kumain. Hm, hindi nga ako nagkakamali masarap nga. Inubos ko na muna ang steak bago kinain ang salad.
"Ang sarap no?" Tanong nito habang kumagat uli ng steak. Tumango na lang ukit ako bilang tugon dito. Napatigil naman sya sa pagkain at tinignan akong maigi. Tinignan ko rin sya na may nagtatanong na mata. Ilang segundo bago ako nag-iwas tingin.
"Ma-may prob.. problema ba?" Naiilang kong tanong ko dito.
Napaiwas naman sya ng tingin at tinawag na nya ang waiter at nagbayad. Tumayo nako at lumabas na ng restaurant. Tiningnan ko ang kalangitan at nakasiguro akong mga alas tres pala kaya naisipan ko munang mag-palamig sa mall. Naglakad na lang ako dahil hindi naman kalayuan dito ang mall. Ng makarating nako agad na kong pumunta sa Quantum, nabigla na lang ako ng makita ko sa gilid ng aking mata si Zayn, na nakangiti na naman. I knew it! Nandito na naman sya. Ba't hindi ko man namalayan? Damn.
Lumapit ako sakanya at hinila ito palabas ng mall. Wala na akong pakialam kahit marami ng tumitingin sa'amin. Ang gusto ko lang ay maka-alis na kami dito. Naiinis na kasi ako.
"Ano bang problema mo?!" Paninimula ko.
"Wala naman." Kalmang sagot nito. Napairap na lang ako sa kawalan.
"Tara na. Sabay na tayo." Sabi nito at hinila na ang kamay ko.
Hinila ko ito pabalik. "Kaya kong umuwi mag-isa." Pagproproresta ko. Umiling lang ito at kinaladkad na ako papuntang parking lot at sinakay ito sa kotse nyang kulay maroon. Ow, sosyal ah.
Ng makarating na kami ay agad naman kaming pinapasok ng gwardiya. Bumaba nako at pumasok na habang nasa likod ko si Zayn.
"Mom, nandito na po kami!" Sigaw ko habang nilalagay ko ang gamit ko sa sofa.
"Hi Jess!" Masigla nitong bati.
Napatintin ako sa gawing iyon. Nanlaki ang mata ko ng napagtanto ko kung sino 'yon. Shocks, this can't be happening.
'Oh-oh.'
----
Sino kaya yun? ABANGAN...
Just Comment and Vote if you like it. :")
BINABASA MO ANG
My Playboy Bestfriend
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? ng kaibigan mo? Ang bestfriend mo? Eh eto. Naranasan mo na bang ma-friendzone? masakit diba? Yung feeling na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya sayo. Masakit. Eh ang bestfriend-zone? Yung feelling na hanggan...