Aamba na sana si Zayne ng pigilan ko sya. "Oh, chill!" Natatawang sabi ng lalaki.
"What are you doing here?!" Galit na tanong ni Zayne
Nasa garden kami kaya hindi kami masyadong naririnig. Nasa gilid lang ako ni Zayne habang sya ay nakikipag-sukatan ng tingin kay Mark. Si mark, isa sya sa manga-bumubully sakin at matalik na kaaway ni Zayne mula bata ngunit natigil ito ng lumipat sila ng bahay.
"I said, what are you doing here?" Mariin ngunit galit na sabi ni Zayne.
Natatawang sumagot si Mark, "Tita Aly invited me."
Invited? Ang alam ko ay Family and Friends lang and yung ibang mga nasa business. Nilayo ko na si Zayne papuntang sala baka kasi mapasubo pa sya. Naku, nakakahiya naman kari tita't tito na after how many years ng hindi namin pagkikita ay magdadala ako ng gulo ulit kay Zayne.
Naghintay na lang kami sa sala hanggang nagsi-datingan na lahat ng bisita. Maliit na okasyon ito ngunit sakto naman saamin. Nakipag-besobeso na lang ako sa mga kakilala ko at nagmano sa mga tita't tito ko.
Nag-umpisa na ang kainan ngunit hindi parin dumadating ang mga pinsan ko. Hanggang sa matapos ay wala parin sila. Nais ko pa namang mag-jamming ulit kami dahil simula ng nagka-trabaho ang iba at nag-ibang bansa naman ang iba ay hindi na kami ulit nakapag-bond. Hindi ko na matiis kaya nagtanong nako kay Tita Aen.
"Tita, nasan na po sila?" Tuliro kong tanong, di na makapag-hintay.
"They'll be here baby." Pagkasabing pagkasabi nya nito ay may bumusina sa labas ng bahay.
"Ayun na pala sila." Sabi ni tita at nginitian ko na lang bilang sagot at tumakbo na sa labas.
Dumating na sila at nakipagkamustahan sa mga tito't tita namin. Ng matapos ay nag-jamming kami na tila kami lang ang mga tao sa bahay. Lumipas ang oras ay napagdesisyunan rin nilang magsiuwi na ngunit ang iba ay naiwan sa bahay upang makipag-sleepover dahil sa kalasingan.
Aakyat nako ng bigla akong matalisod at...
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni... mark.
Hindi ako nakasagot ng may biglang humila sa akin kaya agad akong napa-ayos ng tayo. "Anong ginagawa mo?" Seryosong tanong ni zayne habang nilalayo ako sa papalapit na si mark
"I was saving her, dahi-" Natigilan sya sa pagsasalit ng bigla syang suntukin ni zayne.
Agad naman akong lumapit sakanya upang akayin sya patayo ng biglang...
EVERYTHING WENT BLACK.
"Jess! He-hey! Do you hear me?"
"Hold still,"
"Papunta na sila tita,"
"Hanggang dito na lang ho kayo sir,"
♪Tik-tok, Tik-tok, Tik-tok♪
Minulat ko ang mata ko. Puti. Inobserbahan ko ang paligid ng mapagtanto kong nasa hospital pala ako. Akmang tatayo nako ng biglang...
"Aray!" Tumingin ako sa sumigaw, si Rodolfo.
"Aray ko naman sister! Ang sakit! Hindi ka ba tumitingin sa inuupuan mo?" Pagalit na sabi nito kay Robert habang hinihimas himas ang kamay nya.
Napatawa naman ako ng malakas na kumuha ng atensyon nila dahil hindi mo mawari sa itsura ni Rodolfo ang sakit na nadulot nito sa kanyang kapatid na si Robert. Eh, paano ba naman pag-umuupo si Robert pasalampak inuuna ang paa kahit na nasa sofa.
Sila Rodolfo at Robert pala kaibigan ko--- magkapatid. Isa sila sa mga kaibigan kong bakla. Oo, tama kayo bakla sila sa kabila ng mga matitigas nilang pangalan.
"Haber! Haber! Haber! Buti nagising ka pa? Akala ko wala ka ng balak- Aray naman!" Napatigil ito ng batukan naman ito ng bagong dating na si... Ar-ar na agad tumakbo palapit saakin.
"Giiiiiiiiiiiirl! Kumusta kana? Mabuti naman ba ang kalagayan mo? Kumain kana? Oh eto kainin muna to," Sabi nito habang binibigay bigay ang prutas na dala nya. Binatukan naman sya ni Erming.
Ar-ar at Erming isa rin sa mga kaibigan ko--- matalik na magkaibigan pero kung mag-lokohan wagas.
"Ano ba? Mali naman yang ginagawa mo eh, dapat ganito," Sabi nito sabay kuha ng prutas at... isinasaksak sa bibig ko?
"Go Erming! Go Erming! Go! Go! Go!" Pagchecheer nila dito. Kalerki, di man ako tinulungan ng mga 'to.
"Anak ng! Anong ginagawa nyo sakanya?" Napatingin naman kaming lahat sa nagsalita... si zayne na nasa bungad ng pintuan ng kwarto.
Lumapit ito agad at agad akong inalo dahil sa pagpapakain saakin ni Erming.
"Ano ba naman kayo?" Naiinis ngunti nag-aalalang sambit nito.
"Aba? At kailan ka pa naging sincere iteng?" Pabulong pero rinig naming lahat na sabi ni Erming. Siniko naman ito ni Ar-ar at binulungan pero rinig na rinig parin naming lahat. "Malamang Bestfriend sister, kaloka ka teh ah?"
"Minsan kailangang gamitin ang utak Ermeng... ay este! Erming." Natatawang sabi ni Ar-ar. Napairap na lamang si Erming. Habang sina Robert at Rodolfo ay nakatingin lamang sa kasama ni Zayne na tila inoobserbahan pa.
Tila nahulaan naman ni Zayne ang mga iniisip ng mga kaibigan kong bakla kaya pinakilala nya ito isa-isa sa babae. "Si Paula, girlfriend ko." Walang emosyong pagpapakilala nito sa kasamang babae.
Nagkipagkamay lang ang mga bakla at nagbubulung-bulungan na naririnig mo naman.
"Kalerki, ang ganda niya impernes!"
"Che! Mas maganda pako dyan, ano?"
"Ganda ng hair ni ate!"
Napairap na lang ako at napatingin sa babae. Maganda, maputi at sexy nga na mukhang model sa dating.
"Ow, I forgot," Lumakad palapit sakin si Zayne kasama ang babae. "Jess, si Paula, girlfriend ko." Pagpapakilala nito.
"Paula si Jess bestfriend ko Forever." Nakangiting dagdag nito na ineemphasize ang salitang FOREVER. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sa sakit o sa 'di maintindihang dahilan kaya binalewala ko na lang ulit ito at nakinig na lang sa pag-uusap ng dalawa.
"Ano kayang shampoo nya? Ang bango ng hair eh," -Ar-ar
"Mas mabango yung buhok ko no!" -Erming
"Ano ba shampoo mo?" -Ar-ar
"PH Care! Try mo minsan ang ganda sa hair. Yun yung ginagamit ng idol kong si Pipay sa Diary ng Hindi Malandi. Try mo!" -Erming
"Iww kaya pala!" Nandidiring lumakad palayo si Ar-ar at nakisali na lang sa bangayan ng magkapatid.
Ilang minutong pagkwekwentuhan, pagbabangayan at pagbubulungan sa loob ng mapagtanto ko kung nasaan si Junior at Maria.
"Teka nasan si Junior at Maria?" Nag-aalalang tanong ko.
Sasagot na sana si Robert ng may bigla magsalita.
"I'M HERE!" Sabay na boses ang nagsalita at nagkatinginan sa isa't isa. Ngunit umirap lang ang mga ito sa isa't isa at naunang naglakad si Maria papasok kasunod nito si Junior.
Junior at Maria---kung magbangayan ay parang wala ng bukas.
"Hay kalerki, late na naman kayo Junior at Maria, siguro nagdate kayo no?" Pangloloko ni Ermeng... este Erming sa dalawa kaya hindi ito nakatakas sakanila at agad naman nila itong binatukan at inirapan ang isa't isa.
Samantalang si Zayne ay nasa labas habang kausap nila mommy sa labas ang pinagkakatiwalaan nilang doktor.
"Sigurado ka ba dok? Na dala lang ng puyat o stress ang paninikip ng dibdib na nangyari kanina?" Mahina ngunit sapat na upang ito'y aking marinig dahil sa tapat lang naman sila nag-uusap at saktong nakaawang ang pinto.
"Hay naku girl, sino ba kasi yang Mark na yan at inis na inis dito si Zayne?" Pagtatanong ni Roberto na nagpaisip sakin ng todo.
Bakit nga ba sya naiinis kay Mark? Gayong nakikipagkaibigan naman ang tao? Isip ko.
BINABASA MO ANG
My Playboy Bestfriend
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? ng kaibigan mo? Ang bestfriend mo? Eh eto. Naranasan mo na bang ma-friendzone? masakit diba? Yung feeling na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya sayo. Masakit. Eh ang bestfriend-zone? Yung feelling na hanggan...