Pangalawa

244 26 9
                                    

Dug. Dug. Dug. Dug. Sing lakas na yata ng drum ang tibok ng puso ko, ngayong hawak hawak ang kamay ko ng lalaking 'to papuntang room. Teka, ba't ba sila nagkakaganyan eh hindi ko naman siya crush o 'di kaya mahal o 'di kaya ay boyfriend. Ang alam ko lang ay inis na inis ako sakanya. Nang maka-pasok kami sa classroom ay titig na titig sa amin ang mga kaklase namin. Napa-sulyap ako kung saan ang blackboard na may nakatayong lalaki pero pusong babae na napagtanto ko na masama ang titig nito. Oh no! Hindi kaya sya si Teacher Rain?! Yung sinasabi nilang terror?

Nakakainis! Dahil sa lalaking ito na late ako. Tumingin ako sakanya at napatingin rin sya sa gawi ko, pero nag-iwas lang sya ng tingin. Bwisit talaga!

Sa halip kausapin nya ako ay kinausap nya ang aming teacher at humingi ito ng pahintulot na pumasok...

"Ok, since both of you are late. You need to introduce your name in front. Kayo na lang ang hindi pa nagpapakilala." Mataray nitong sabi. Pero, makikita mo dito ang pagpapacute nito kay zayn. geez!

Gaya ng sabi nya pumunta nako sa harap at nagpakilala.

"H-hi g-guys. Ako nga pala si J-jessica Briana R-riley." Ngumiti ako sakanila pero mataray lang nila akong tinitigan. Napasinghap ako, "But you can call me Jess for short. I'm 15 years old. I hope w-we can be f-friends."

Napatingin naman ako sa tumulak sakin. Si zayn. Argh. Ang yabang talaga.

"It's my turn." Bulong nito.

Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita, "Hi guys!" Sabay hiyawan ng mga babae.

"I'm Zayn Adrien Ferrer," Huminto muna sya para ngumiti.

"But you can call me Zayn. I'm 16 years old. And... Hm.., ano pa ba?" Pansamantalang napa-isip sya at tila ang mga babae ay hindi na makapaghintay.

"Ow," He snap. "I know! I hope we can be friends." Ngiti nito at tumingin sakin.

What?! Inulit nya lang ang sinabi ko at nakuha nya pang mag-isip, ah? Yun lang ang sasabihin nya? Nag-isip pa sya? What the heck!

Kesa sa ano pang magawa ko sakanya umupo na ako sa may bakanteng upuan sa likod, tumabi naman sya dun sa babaeng maganda na halata mong nagpapacute sakanya. Eto namang *insert pamumusit here* eh nagpapa-pogi pa. Eh nakakainis! Bwiset! Bwiset! Bwiset!

Yan lang ang laman ng utak ko ng may humawak sa balikat ko sabay sabing, "Ms. Jessica Briana Riley, are you listening to me or you are just daydreaming?" Sabi nito na may pa effect effect pang pa taas-taas kilay.

"I... I... I'm listening ma'am.." Pagsisinungaling ko.

At may kumalabit sa tabi ko. Napatingin naman ako sakanya na bakas sa mukha ang pagtataka.

"A-ah. Teacher h-hindi ma'am." Nauutal nitong bulong na tama lang para marinig ko.

Dahan dahan akong napatingin ulit sa teacher namin. Nako, lagot kaya siguro masama ang tingin nito sakin kanina. Napabuntong hining ako, "Sorry ma---, i mean... Teacher!" Tumaas nanaman ang kilay nya.

"If you're listening what is your answer to my question?"

Patay! What to do? Palihim akong napatingin kay Zayn na tila nakikipag-chikahan na kahit kanino.

Umiling ako, "I don't know teacher. Sorry." Now, i'm dead.

"Okay," Sabi nito at pumunta na sa harap. "As I was saying. Nangangailangan tayo ng dalawang representative for our class, since Ms. Jessica Briana Riley and Mr. Zayn Adrien Ferrer are not listening... They were the representative for this section to play the poem

"What? But teacher, this can't be." Paglalaban ko. Oh, crap!

"No more buts Ms. Riley." Sabi nito. Now, i'm really dead.

Napatingin ako sa gawi ni Zayn. Napatingin rin sya sakin. Ngisi ngisi lang ang loko. Hay! I'm really pissed off right now! Bwiset talaga 'yang lalaki nayan kahit kailan. Tsk! Ginulo na nya ang buhay ko pati na pag-aaral ko! Teka, ba't ba ako naiinis sakanya?

------

Comment and Vote po! :)

My Playboy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon